Gelli de Belen "still hoping" after just a few months of being a Kapatid

Gelli de Belen’s new show Game ’N Go is set to compete with the other networks’ Sunday shows ASAP and Party Pilipinas. Hopefully, she says: “Yun na nga ang sinasabi namin na parang tama ang naisip ng TV5 na ibahin yung Sunday noontime habit ng mga Pinoy."


Biyernes, May 25 ang aktuwal na kaarawan ni Gelli de Belen.

Pero Huwebes pa lang, May 24, sa press conference ng Game‘N Go, binati na si Gelli ng mga kasamahan niya sa bagong Sunday noontime show ng TV5.

Makakasama ni Gelli sa Game‘N Go sina Joey de Leon, Edu Manzano, Arnell Ignacio, at Shalani Soledad.

Kaya nang tinanong si Gelli kung ano ang birthday wish nito, ito ang kanyang sagot:

"Ang birthday wish ko, sana ang Game‘N Go will do very, very well.

“Masaya ’ko dahil finally, matutuloy na ang Game‘N Go and this time, kasama pa namin si Tito Joey.

"So, it should be lots of fun. Abangan n’yo, mag-iiba ang Sunday noontime habit ninyo.”

NEW SUNDAY SHOW. Yun nga lang, natagalan bago maiere ang Game ’N Go mula nang ilunsad ito ng network early this year.

Sabi ni Gelli, “Oo nga, ang tagal bago kami nag-start.

"I guess, mabuti na rin yun. It was a blessing also kasi naayos ang mga dapat ayusin.

“Na-prepare ang mga dapat i-prepare. Mas naging shiny ang dapat shiny na dapat.

“It was supposed to be daily, pero okay na rin na naging Sunday siya sa laki ng show.

“Very ambitious siya, e, noong sinabing daily. Ang dami naming games.

“’Tapos, very metikuloso yung mga games namin, so mahirap talagang gawin.

"Naging espesyal siya dahil Sunday siya.”

Kung daily sana ito, ang sinasabing tatapatan nila ay ang Eat Bulaga! ng TAPE Inc. at GMA-7. Isa sa mga host nito ay si Joey de Leon.

Kaya marami ang nag-isip na dahil sa pagpasok ni Joey kaya ginawa na lang tuwing Linggo ang Game‘N Go.

Sabi ni Gelli tungkol dito, “Even before pumasok si Tito Joey, they really thought of making it every Sunday na.

“Siguro naisip din nila, yung daily, hindi siya angkop. Medyo big ‘to, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, na-enhance na lang kasi siyempre si Tito Joey is a big, big addition sa show.”

CHANGE VIEWING HABIT. Ano naman ang masasabi ni Gelli na ang makakabangga naman nila ngayon ay yung mga nakasanayan na ring panooring musical-variety shows ’tulad ng ASAP ng ABS-CBN at Party Pilipinas ng GMA-7?

“Yun na nga ang sinasabi namin, na parang tama ang naisip ng TV5 na ibahin yung Sunday noontime habit ng mga Pinoy.

“For the past 25 years... gaano na ba katagal? GMA Supershow pa, di ba? Para maiba naman.

“Baka naman people are interested to watch something fun kapag Sunday ng tanghali, di ba?” saad ni Gelli.

FIRST YEAR AS KAPATID. Wala pang isang taon nang magdesisyon si Gelli na maging isang Kapatid mula sa pagiging Kapuso.

Lumipat siya sa TV5 noong October 2011.

Pangatlong programa niya ang Game ‘N Go. Una ang Gellicious at sinundan ito ng Nandito Ako.

Kumusta siya bilang isang Kapatid?

“I would say that I’m still hoping.

"Siyempre, TV5 is still a baby channel. Coming into TV5, I knew what I was getting into.

“Hindi naman ako, ‘Hello, I’m here!’ Hindi naman ganoon ang inisip ko.

“Inisip ko, gusto kong magtrabaho and I find TV5 as more adventurous now.

“Marami silang gustong i-try. They have fresh ideas and I wanted to do something new, so heto yun," sabi niya.

MORE PROJECTS. Hindi naman itinanggi ni Gelli na nang ma-delay maipalabas ang Game ‘N Go ay medyo napaisip din daw siya.

“Hindi mo maiwasang hindi mapaisip. Napaisip-isip din ako.

"Pero pinasok ko ‘to, so positive lang!” nakangiti niyang sabi.

Tuwing Linggo lang ang Game‘N Go, wala bang ibang shows na naka-lineup sa kanya?

“Ay, ’yan ang abangan natin. May sinabi naman, pero siyempre, hangga’t hindi nangyayari...”

Parang balik-TV5 si Gelli dahil ilang taon din niyang ginawa ang Tropang Trumpo kasama noon sina Ogie Alcasid, Michael V, at Carmina Villarroel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bale kasama ko noong magsimula ang TV5, ABC-5 pa siya noon.

“Nakakakita ako ng mga old faces na nakatrabaho ko noon.

"Even here [Game ’N Go], yung ibang mga writers namin, nakasama ko na rin noon.”

MIGRATE TO CANADA. Noong mismong birthday ni Gelli ay nasa taping siya ng Untold Stories. Okay lang naman daw na magtrabaho sa birthday niya dahil matagal din siyang nabakasyon.

Isang buwan din kasi silang buong pamilya na nagbakasyon sa Canada.

Dahil dito, muli na namang naungkat ang sinasabing pagma-migrate nila sa Canada.

“Matutuloy siya, pero ang talagang pinakapakay talaga...

"Ito naman kasing si Ariel [Rivera, Gelli’s husband] kung makapagkuwento, akala mo doon na talaga kami forever.

“Actually, palagi akong nag-e-explain.

“Ang mangyayari, mag-aaral ang mga bata doon. We will go there to set them up there.

“E, babalik at babalik din kami rito. Ang lamig-lamig doon, ano ang gagawin ko do’n?

“Pero right now, since everything’s okay pa here, parang hindi pa muna.

“You know, we’re talking about when my kids go to college ha, e, Grade 6 pa lang ang anak ko.”

FLASHBACKS. Napagkuwentuhan din ang ilan sa mga pinagbidahan niyang pelikula noon at nabanggit ang Gagay, Ang Prinsesa ng Brown-Out

Natatawang sabi naman ni Gelli, “Uy, proud naman ako doon.”

Lalo na nga naman na ngayon, may balita pang ire-remake raw ito.

Nabanggit din ang ilan pa sa mga nagawa na niya, mostly from Viva Films.

Nang mabanggit ang Wooly Booly, may nakaalala na siya yata ang masasabing unang naging girlfriend ni Raymart Santiago sa showbiz.

Kaya natanong si Gelli kung ano ang masasabi nito sa naging airport incident ni Raymart at ng misis nitong si Claudine Barretto.

“Nabalitaan ko yun, kasi I was still in Canada when it happened.

“Nabasa ko Facebook and then, may video do’n, ni-play ko, sabi ko, ‘Holly molly!’” natatawang sabi ni Gelli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang nagulat ako, ’Wow, ano ba ito, bakit nagkaganito?’

"Siguro ganyan talaga ang buhay. Kapag umiinit ang ulo, naging very protective ka sa pamilya mo. Pagod dahil sa bakasyon.

“Usually, kapag nasa airport ka na, buwisit ka na, wala ka sa huwisyo mo.”

Noong sila pa ni Raymart, ano ang naging pagkakakilala niya rito?

“Very protective talaga siya kung sino ang mahal niya at the moment," sagot niya.

Nagkasama na rin sila sa isang serye sa GMA-7 noon, ang Bantatay, at nagkakuwentuhan din daw sila about family life.

“Oo, nagkakakuwentuhan kami. Yung mga bata, ganito...

"Pinapapkita pa niya ang mga text ng anak niya. Very sweet na daddy siya.”

May insidente ba na naipagtanggol din siya ni Raymart noong sila pa?

Natatawang umiwas na si Gelli.

“Naku, teka, ang luma-luma! Huwag n’yo nang ibalik!

“Ayoko nang madawit diyan.

"Puwede namang Game ‘N Go na lang ang isyu natin,” natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN