Dennis Trillo on closeness of son Calix and girlfriend Bianca King: "Hindi ko naman yun maitatanggi kasi nakita ko naman sila kapag magkasama."

Dennis Trillo denies son Calix is confused on who between Bianca King and Jennylyn Mercado is his real "tita": “Never pa naman siyang nagtanong din tungkol doon, so hindi pa naman namin napag-uusapan.”


Si Dennis Trillo ay si Bagwis sa Boy Pick-up The Movie. Kalaban siya rito ni Ogie Alcasid na gumaganap ng title role bilang si Boy Pick-up.

Marami na ring nagampanang mapaghamong papel si Dennis, kung saan ang ilan dito ay nagbigay pa sa kanya ng acting awards.

Pero ayon kay Dennis, isa sa raw sa dream roles niya ang role niya sa Boy Pick-up.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Dennis sa presscon ng nasabing pelikula noong Linggo, May 27, sa Imperial Palace Suites, Timog Ave., Quezon City.

“Tingin ko, napakasuwerte ko kasi nag-land sa akin ang role na ito,” pagtukoy ng aktor sa kanyang papel bilang si Bagwis.

"Sobrang dream role, e. Marami akong ginawa rito na hindi ko pa ginawa sa iba kong projects sa buong career ko.

“Kaya laki ng utang na loob ko kay Kuya Ogie na ako ang kinuha nilang Bagwis.”

Bakit naman niya nasabing "dream role" niya ito?

“Siguro sa premiere night, makikita n’yo kung bakit.

"Grabe! Grabe yung role talaga. At talagang proud ako.”

SARAH LAHBATI. Nang mapadako ang usapan sa pagka-late ng isa sa co-stars niya sa pelikula na si Sarah Lahbati sa shooting ay umiwas si Dennis na pag-usapan pa ito.

Aniya, “Ayoko na sanang balikan yun kasi hindi naman talaga yun big deal.

“Na-late lang siya sa isang shooting day, ‘tapos hindi kami nakapag-shoot.

“May pinanggalingan siyang malayong taping din. Siguro, walang signal do’n kaya hindi siya makontak.

"Pero wala yun. Wala yun.

"Next shooting day, nagsu-sorry siya sa akin, hiyang-hiya siya sa nangyari.

“Sabi ko, ‘Huwag mong isipin yun kasi wala naman yun sa akin.’

“At saka hindi big deal sa akin kung naghintay ako kasi nakatulog naman ako nang mahaba.”

NEW PROJECT? Nagtapos na ang primetime series ni Dennis na Biritera. May sinasabi na raw na kasunod niyang proyekto sa GMA-7, pero baka bandang July pa raw niya ito simulan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Dennis, “Gusto kong gumawa ng mga pelikula.

"Baka may gagawin ako kay Direk Dante Brillante Mendoza. So, yun, pinag-uusapan pa namin.

“Meron din akong indie film na ipapalabas sa Cinemalaya, yung Katiwala.

“Yung director namin, yung sumulat ng Boy Pick-up, si Direk Aloy Adlawan.

“Ibang-iba rin yun kaya natutuwa ako dahil ngayong taon, nakagawa ako ng sunud-sunod na projects na sobrang magiging proud ako.”

Isa si Dennis sa mga artistang kung may pagkakataon ay gumagawa talaga ng indie film.

Aniya, “Gusto ko rin gumawa paminsan-minsan. Kasi yung mga roles na nagagawa ko sa indie, hindi siya yung mga stereotypical role na ginagawa mo sa TV.

“Kailangan paminsan-minsan ma-feed yung frustrations na yun lalo na bilang artist at bilang actor. Kailangan magampanan mo yun.”

BIANCA AND CALIX. Balita at nasusulat na malapit daw sa isa’t isa ang anak ni Dennis na si Calix Andreas at girlfriend niyang si Bianca King.

Mas nagkalapit nga raw ang anak sina Calix at Bianca sa Boracay noong nakaraang birthday ni Dennis.

Ayon kay Dennis, “Wala kaming dalang yaya noon. So, nagtutulungan lang kami, bawat miyembro ng pamilya, nakatoka.

“Kapag may gagawin kami, sila muna. Kapag sila ang may gagawin, sa amin muna.

"So, salit-salit kami.”

Ang pag-aalaga sa anak na si Calix ang ibig tukuyin ng aktor.

May tendency raw na i-spoil ni Dennis ang anak kung kaya’t mas sinusunod daw ni Calix ang Tita Bianca niya.

“Sanay siya sa akin na nag-i-spoil talaga ko.

"Kapag may bago siyang nakikita [na tao], nahihiya pa siya na mag-bad boy.

“Hindi siya sanay, kasi sa akin lang siya. Nang-i-spoil kasi ako palagi.

“Gusto ko lang namang makitang masaya ang anak ko kaya lahat ng puwede kong ibigay, gusto kong ibigay sa kanya," paliwanag niya.

FAVORITE TITA? Hindi naman daw nakikitaan ni Dennis ang anak ng pagkalito kung sino talaga ang karelasyon ng ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon din kasi ng panahon na nakasama rin ng kanyang anak ang dating girlfriend ni Dennis na si Jennylyn Mercado.

Sabi ni Dennis, “Never pa naman siyang nagtanong din tungkol doon, so hindi pa naman namin napag-uusapan.”

Posible raw kayang maging paboritong "tita" ni Calix si Bianca?

“Posible… posible. Hindi ko naman yun maitatanggi kasi nakita ko naman sila kapag magkasama.

“So, hindi malabong sabihin niya ‘yan kung sakali.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN