JM de Guzman grateful for getting lead roles: “Dati support roles lang, okay na.”

“Gusto ko lang po gumawa nang gumawa lang po. Parang habang nandito pa ako, lubus-lubusin ko na,” says JM de Guzman about working non-stop as an actor on television and movies.


Noong una ay hindi inakala ni JM de Guzman na magiging mainit ang pagtangkilik ng mga manonood sa unang proyekto sa telebisyon na kanyang pagbibidahan, ang Angelito: Batang Ama.

Kaya naman laking gulat din niya na magkakaroon pa ng ikalawang yugto ang programa, na katatapos lamang noong Abril.

“Actually, noong nag-start po ‘yong first Angelito, medyo mababa po ‘yong ano po namin, e.

“So, ine-enjoy na lang po namin, ‘tapos binigay po namin ang best namin.

"Nagulat na lang po kami na ito na po, kinagat po ng mga tao,” sabi ng 23-year-old actor nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa story conference ng Angelito: Ang Bagong Yugto.

Ito ay ginanap sa training room ng ELJ Building sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City kahapon, Mayo 29.

Dahil sa bagong proyektong ito, walang humpay ang pasasalamat ng binatang aktor.

Aniya, “Thankful po ako sa mga sumuporta at nagmahal doon sa istorya.

“Sa akin po, sobrang grateful lang din po ako sa ABS-CBN for the trust na binigay sa akin.

"Ito kasi, paunti-unti kong nakukuha ‘yong dreams ko.”

Para kay JM, sobra pa ang biyayang tinatamasa niya ngayon sa kanyang showbiz career kumpara sa kanyang mga hiniling.

“Dati support roles lang, basta magka-regular soap lang ako, okay na,” sabi ni JM.

Dagdag pa niya, “Ewan ko. Parang nagpa-flashback lang ako na parang dati, masali lang ako sa Star Magic, okay na ako. ‘Tapos mabigyan lang ng supporting roles, okay na.”

Kaya naman kahit sunud-sunod ang trabaho, hindi magawang magreklamo ni JM.

Aminado siya na, “Noong unang feeling, parang gusto ko nang magreklamo kasi napapagod ako, nai-stress ako.”

Pero agad niyang bawi, “Natutunan ko ring maramdaman na sobrang blessed talaga ako, at hindi ito basta-basta mapupunta kung kani-kanino lang.”

Bagamat madalas siyang makita sa telebisyon ngayon, pati na sa pelikula, hindi naman iniisip ni JM na “in demand” siya ngayon bilang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni JM, “Ayaw ko lang pong mapirmi.

“Gusto ko lang po gumawa nang gumawa lang po. Parang habang nandito pa ako, lubus-lubusin ko na.”

Ayaw rin naman isipin ng Kapamilya actor ang kantiyaw sa kanya ng ilang kakilala na isa na siya sa malalaking artista sa afternoon timeslot ng ABS-CBN, ang Kapamilya Gold.

Ani JM, “Hindi ko po iniisip ‘yon. Baka kapag inisip ko po ‘yon…

"Nandoon pa rin ‘yong passion ko at ‘yong goal ko sa buhay, binibigay ko pa rin po ang best ko.

Bukod sa Angelito: Ang Bagong Yugto, nakatakda ring lumabas si JM sa indie film na Intoy Syokoy, na isa sa mga official entry para sa Cinemalaya 2012.

Kasalukuyan ding abala si JM sa paggawa ng horror movie mula sa Regal Films, ang Pridyider. Ang pelikulang ito ay hango sa isa sa mga episodes ng unang installment ng Shake Rattle & Roll movie franchise.

ON JESSY MENDIOLA. Samantala, kinuha na rin ng media ang pagkakataong ito upang tanungin si JM tungkol sa relasyon nila ng kapwa Star Magic talent na si Jessy Mendiola.

May mga lumalabas kasing balita na nakikita silang lumalabas na magkasama.

Bagamat aminado si JM na hinahangaan niya ang dating Budoy actress, itinanggi naman niyang may namumuong relasyon sa pagitan nila.

Para kay JM, magkaibigan pa rin ang turing nila sa isa’t isa.

“Ganun pa rin po. Trabaho po muna ang priority, career po muna. Pero humahanga pa rin," maiksing pahayag ni JM.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN