Piolo Pascual squashes rumored romance with Cristine Reyes

Piolo Pascual on rumor that he and Cristine Reyes became very close which eventually caused his leading lady’s breakup with her boyfriend Rayver Cruz: "You know what, inevitable naman ’yan sa trabaho especially when you’re together every day sa soap. So hindi natin pwedeng bigyan ng malice yun. And you know I’ve always been a friend."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal si Piolo Pascual sa thanksgiving party ng Sun Life Financial na kanyang ineendorso kagabi, May 29, sa World Trade Center, Pasay City.

Malaking kontribusyon daw ang pagiging miyembro ni Piolo sa Sun Life family para sa tagumpay na naaabot ng nabanggit na insurance company.

Ayon kay Piolo, "No, we don’t wanna brag about that. It’s good that we grow together.

"And to be part of Sun Life is a huge achievement, personally and professionally, because you share in their success.

"Their success is my success, so it’s good to be part of this family.

"So being number one and all because that’s your target. I’m so happy that they were able to reach their target."

SUN IS SHINING BRIGHTER. Pagkatapos ng mga pinagdaanan niyang mga intriga at isyu nitong nakaraang mga buwan, masasabi ba ni Piolo na "the sun is shining brighter now"?

"Definitely as everyone can see. And the sun is brighter with Sun life... o ha!" natawa niyang sagot.

Nitong mga nagdaang mga buwan ay ipinakilala ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez at ang kanilang anak na si Nate bilang mga bagong endorsers ng nasabing insurance company.

May mga nag-isip na baka pinalitan na si Piolo bilang endorser.

"No, I’ve always been with Sun Life. The last thing that we did was a run… that coincided with my exhibit of my work," paliwanag niya.

"So, we have to give way. I mean, you know, Regine, Ogie, and Nate are the new endorsers, so we have to give them the floor."

Sa katunayan ay may niluluto nga raw siyang proyekto ng Sun Life.

"We always try to come up with something innovative, something different.

"And now… every December. Every year, Christmas, we have something new.

"For this year nga we’ll be doing some short films for Sun Life," pagbabalita niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRIS AQUINO. Sunod na kinumusta ng PEP ang napabalitang pagsasamahang pelikula nila ni Kris Aquino, ang Undo, na ididirehe ni Chito Roño.

"I’m supposed to meet with Direk Chito. We already had a preliminary meeting with Kris and Direk Chito and Star Cinema.

"So we hope to start rolling in June," banggit ni Piolo.

Ano ang roles nila ni Kris sa Undo?

"Mag-asawa. So it’s quite legal…" pagtukoy niya sa tema ng pelikulang pagsasamahan nila ni Kris.

"It’s a serious film. A lot of people thinks it’s horror but it’s not."

Ito ba yung pelikulang pinaghahandaan ni Kris at ibinabalita niyang magpapaseksi raw siya at gagawa ng love scenes?

"Meron kaming love scenes here and there... here and there, o!" ’tsaka siya natawa sa kanyang sinabi.

HOW IS PIOLO? Kumusta na si Piolo? Hanggang ngayon kasi ay nababaggit pa ang kanyang pangalan dala ng nadaanan nilang intriga ng ex-girlfriend niyang si KC Concepcion.

"I’m good. I mean I shouldn’t complain. It’s a blessing.

"It’s a blessing to be alive every day… to be waking up to a new day and having something worthwhile to do.

"So it’s a blessing," direkta niyang sagot na pahiwatig na rin para lumihis sa ibang usapin.

Lovelife, meron na ba siyang bago? Nagde-date na ba siya ulit?

"Nah, I just had a day-off last week after 42 straight days of work.

"I was segueing from one set to another. I finished shooting for Every Breath [You Take with Angelica Panganiban].

"And then the TV show [Dahil Sa Pag-ibig] and we’re also doing Star Magic movie to segue to Kris’s movie.

"So, I hardly have time for anything else, di ba?" saad niya.

CRISTINE REYES. Nabalita kamakailan na nagkalabuan daw ang co-star niya sa Dahil Sa Pag-ibig na si Cristine Reyes at ang boyfriend nitong si Rayver Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa sinasabing rason ay dahil napalapit o nahulog daw ang loob ni Cristine kay Piolo.

Ano ang reaksiyon dito ng aktor?

"Reyes?" panigurado niyang tanong ‘tsaka nagpatuloy. "When we were starting, a….

"You know what, inevitable naman ’yan sa trabaho, especially when you’re together every day sa soap.

"So, hindi natin puwedeng bigyan ng malice yun.

"And you know, I’ve always been a friend."

Paano kung sa kanya ay trabaho ;ang ang lahat at kaibigan lang ang turing niya kay Cristine, at hindi niya nilalagyan ng malisya ang pagiging malapit nila ni Cristine, pero sa aktres ay iba ang kanyang naging interpretasyon?

Sagot ni Piolo, "Nah, I’m Rayver’s friend before I became Cristine’s friend.

"Matagal na kaming magkatrabaho ni Rayver.

"Mag-Kapamilya, magkapatid kami sa Star Magic, so hindi mo puwedeng bigyan ng kulay yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN