Rocco Nacino visits rumored girlfriend Sheena Halili on the set of her sitcom

Rocco Nacino explains visiting Sheena Halili on the set of Tweets For My Sweet: “Dumalaw ako sa kanya. Wala akong trabaho that day. Napagkasunduan namin na do’n na lang kami magkikita. Pumunta ako sa taping nila and sabi ko, ‘Mag-dinner tayo after.’ Ang alam ko, maaga siyang matatapos sa taping. So, hinintay ko na."


Naging usap-usapan kamakailan ang ginawang pagbisita ni Rocco Nacino sa set ng sitcom na Tweets For My Sweets. Isa sa cast nito ang rumored girlfriend ng young actor na si Sheena Halili.

Totoo bang tatlong oras nagbantay si Rocco sa taping ni Sheena?

“Hindi ako nagbantay!” natatawang reaksiyon niya nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Dumalaw ako sa kanya. Wala akong trabaho that day.

“Napagkasunduan namin na do’n na lang kami magkikita.

“Pumunta ako sa taping nila and sabi ko, ‘Mag-dinner tayo after.’

“Ang alam ko, maaga siyang matatapos sa taping. So, hinintay ko na.

“Nag-enjoy naman po ako kasi nakausap ko si Kuya Dick [Roderick Paulate], si Tita Nova [Villa], si Elmo [Magalona], si Marian [Rivera]...

“Nag-enjoy naman ako sa company nila.”

MAKING UP FOR LOST TIME. Ang pagpunta niya sa set ng Tweets For My Sweets ay paraan din daw ni Rocco upang bumawi sa mga panahong naging sobrang busy siya sa trabaho at walang gaanong oras para kay Sheena.

“A… in a way, yeah! Oo.

“I can say that… na-miss ko rin si Sheena. Matagal ko rin siyang hindi nakita.

“Kaya I had fun spending time do’n sa taping nila.

“Pero hindi ko siya iniistorbo sa trabaho niya. Kapag may eksena siya, tumatabi muna ako.

“Kasi English ang mga linya niya. Kailangan niyang mag-focus, sabi niya, kaya ayoko siyang istorbohin.”

Hindi naman nailang si Sheena na nasa isang sulok siya at nanonood during the take?

“Hindi naman po. Hindi po ako nagpapakita sa set kapag may eksena siyang kinukunan.”

Mas okey ba sa palagay niya ‘yong pagdating sa trabaho, hindi sila nagkakasama o nagkakapareha? Mas healthy ba for them na huwag silang maging magkatrabaho?

“Either way,” sagot ni Rocco.

“Uhm… at least alam namin na kahit hindi kami magkasama sa work, okey kami—and that’s the important thing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LAM-ANG. Pansamantalang natigil ang shooting ng Ilocano epic film na Lam-ang na pinagbibidahan ni Rocco.

Ito ay para bigyang-daan ang paggawa ng panibagong set na kakailanganin para sa mga tagpong sa upper land kukunan.

Sabi ni Rocco sa PEP, “May second and third leg pa kami.

“We’re going back to shoot on June 28… hanggang August pa kami.”

THE GOOD DAUGHTER. Samantala, magtatapos na ang afternoon series nina Rocco at Kylie Padilla sa GMA-7, ang The Good Daughter.

Imbes na malungkot, masaya raw si Rocco sa pagtatapos nito.

Aniya, “We are finishing the show with high spirits and happiness.

“Masaya kami kasi mataas ang ratings ng The Good Daughter—and we have the viewers to thank for.”

Nali-link siya lately kay Kylie Padilla. Bakit nga ba?

“Siguro, a… nakikita ng mga tao na nagwu-work ‘yong chemistry namin sa The Good Daughter. Pero it’s just work,” paniniguro ni Rocco.

Napag-uusapan ba nila ni Sheena ang tungkol do’n?

“No, hindi namin napag-uusapan. Walang gano’n.

“Kinukumusta niya ‘yong show. So, ‘yon lang,” nangiting sabi ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN