Rodrigo Duterte on "six months" promise: "When I say, 'I will do it, I will do it.'"

May 18, 2016

Rodrigo Duterte on media critics: “I may disagree with what you say, but I will defend your right to say it. We are in a democracy.”

Isang exclusive interview ang pinaunlakan ni incoming president Rodrigo Duterte kay Jessica Soho para sa State of the Nation ng GMA News TV ngayong gabi, May 18.

Inusisa ng award-winning journalist at TV anchor si Mayor Duterte kung magiging anong klase siyang pangulo kapag naupo na sa kapangyarihan sa darating na June 30.

May mga taong natutuwa kasi sa kanya at meron ding mga natatakot.

Tanong ni Jessica, “Would you rather be loved or feared?”

Tugon ng 71-year-old outgoing mayor ng Davao City, “I do not care who hates me. I have been in politics for 23 years, I’ve learned to accept garbage and divine light from the others, inspiration.

“Para sa akin, I would like just to be a working president the way I work as a prosecutor many years ago, and as a mayor for 22 years, a congressman, and a vice mayor in the service of my country.”

Continue reading below ↓

Dagdag na tanong ni Jessica: "Will media be free to report or criticize you or your government?"

Sagot ni Duterte, “You know, Jessica, you know very well that I’m with the government for the past 22 years.

"Kailan pa ba ako nagmukha ng anghel sa inyo?”

Paano yung mga kritiko niyang nasa gobyerno katulad na lamang ni Senator Antonio Trillanes IV?

Ang tugon ni Duterte, “I may disagree with what you say, but I will defend your right to say it. We are in a democracy.”

QUESTION FOR PNOY. Isa pa sa tanong ni Jessica ay ang tungkol kay Pangulong Noynoy Aquino. Uusigin ba niya ito sa mga nagawa nitong mali sa kanyang termino?

Sagot niya, “I am not the kind who would pursue political enemies.

“When [Vice President Jejomar] Binay called to concede, he said, ’Dre, magku-concede na ako.’

“And if I may quote him, ‘Wala akong sama ng loob sa ‘yo.’

Continue reading below ↓

“Sabi ko, ‘Sir wala akong… hindi ako galit sa ‘yo.’

“Do not expect me kung sabihin mo na, 'Hahabulin ‘to,' hindi ko trabaho ‘yan, trabaho ng Ombudsman ‘yan.

“Ito namang kay Aquino, I will ask him to declare to the Filipino people why we lost Scarborough Shoal. Period.

“Explain to us bakit nawala ang Scarborough Shoal.”

Ang nasabing teritoryo ay matagal nang pinag-aagawan ng bansa at China. Mas umigting ang tensiyon nitong 2012.

SIX-MONTH PERIOD. Noong siya ay nangampanya, ang catchphrase ng kanyang plataporma ay ang pagsugpo ng droga at kriminalidad sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Paano niya ito tutuparin?

Wala siyang binigay na detalye.

Sagot niya, “Bantayan mo lang ako pag-upo.”

Panghuling tanong ni Jessica sa unang bahagi ng kanyang panayam: “What is the one thing that you can offer our country?

Ani Duterte: “My toil and a little of my virtue and my determination.

“When I say, ‘I will do it, I will do it.’”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →

Rodrigo Duterte on media critics: “I may disagree with what you say, but I will defend your right to say it. We are in a democracy.”

• This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
Poll

View Results
Total Votes: 12,184
• 50%
• View Results