Garrie Concepcion eyes movies, television, and modelling after album launch

Garrie Concepcion says she doesn’t mind being identified with the "showbiz royalty." After all, she belongs to showbiz greats from both sides of her family. She says: "I think, that’s one of the pressures, kasi nakadikit na... One day, I hope I’d be able to create or establish my own [identity]."


Magkasamang nanood ng premiere ng pelikulang Born To Love You noong Martes ng gabi, May 29, sa SM Megamall Cinema 9, si Garrie Concepcion at ang kanyang Backroom manager na si Vivian Recio.

Kasama rin ni Vivian si Dawn Zulueta sa event na ito ng Star Cinema at ABS-CBN network na naglunsad sa bagong tambalang Coco Martin at Angeline Quinto.

Vocal si Garrie sa pagsasabing hinahangaan niya ang abilidad sa pag-arte ng young actor na si Coco Martin sa Walang Hanggan at pagganap sa nito sa Born To Love You.

"Yes, I enjoyed the movie," masayang banggit niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang screening.

"I was always vocal about saying that Coco Martin is a very good actor.

“Damang-dama mo yung bawat emosyon na ipinapakita niya sa bawat eksena."

ACTING STINT PREPARATIONS. Si Garrie ay may balak ding pumalaot sa pag-arte sa telebisyon at pelikula, matapos mailunsad ng Star Records ang una niyang self-titled album.

Aniya, "Right now, I continue with my voice lessons... twice a week, with Ms. Annie Quintos of The Company.

"I’ve attended a workshop [on acting] and now, we’re arranging another one."

Mataas ang pag-asa at expectations ng mga namamahala kay Garrie na hindi maglalaon at bobongga rin ang showbiz career nito.

Pagmamalaki ni Vivian, "Sa hosting, I’m convinced she can [do the job] because she talks so well."

"So, wala akong duda sa kanya sa hosting."

Mayroon ding posibilidad na mag-ramp modelling si Garrie at pagiging commercial model/product endorser.

"You know, at this point, whatever it is... if she can handle them, to be a well-rounded personality, so much the better," sambit pa ng lady manager.

Bilang would-be actress na ’tulad din ng half-sister niyang si KC Concepcion, may malaking potensiyal din daw si Garrie.

Sabi ni Vivian, "Sa acting... I think kaya rin niya, kasi marami na siyang pinagdaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaki ang potensiyal niya and it’s just a matter of right handling."

Natutuwa naman si Garrie sa mga naririnig, hindi lang kay sa kanyang manager, kundi sa iba pang tumutulong sa kanya.

"I know I’m in good hands. I’m very blessed and lucky na sila yung nagma-manage sa akin," nakangiting sabi niya.

OPM SUPPORT. Sa pagiging singer ni Garrie ay marami nang nagbigay ng todo-suporta sa kanya.

Ang kanyang debut album was produced by Margot Gallardo and released by Star Records.

"The one who’s also behind Aiza Seguerra’s albums,” pagmamalaki ni Garrie.

"Then we have songs composed by Edith Gallardo; we have a song from Ogie Alcasid, Louie Ocampo, Niño Regalado."


SHOWBIZ ROYALTY. Public knowledge na si Garrie, o Gabrielle Julia Marie Ibuna Concepcion, ay lovechild ng aktor na si Gabby Concepcion at ng dating konsehala ng San Juan na si Grace Ibuna.

Garrie was born in 1988. At that time, three years old pa lamang si Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion, ang daughter naman ni Gabby kay Megastar Sharon Cuneta.

Soon, pati ang 16 years old na si Chloe Concepcion, anak ni Gabby sa dati ring nag-artista at modelong si Jenny Syquia, ay sasabak na rin sa showbusiness.

According to Garrie, the thing about showbiz royalty is more difficult to handle than the things she’s learning, in preparation for an actual career.

"I think, that’s one of the pressures, kasi nakadikit na.

"One day, I hope I’d be able to create or establish my own [identity]," pag-aasam ni Garrie.

"FUTURISTIC" LOVELIFE. May "lovelife" o "romantic life" ba sa ngayon si Garrie at age 23?

"Ay, hindi ko alam!" natawa niyang sagot.

"Maybe in the future... futuristic pa. Wala, wala!" giit niya.

But has Garrie fallen in love, as in serious affection for a man?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t know if you would call it falling in love, but I did have a relationship before."

Sa isang non-showbiz guy daw unang nakipagrelasyon si Garrie.

Bakit hindi sa isang taga-showbiz na nakalakihan niya?

"Wala, wala... bago pa lang ako sa industriya.

"And in all honesty po, kasi homebody ako, e. Especially when I was studying. Aral kung aral talaga. Tinapos ko [studies]."

GROWING UP YEARS. Nag-high school si Garrie sa Colegio de San Agustin sa Dasmariñas Village, Makati City. Nagtapos siya ng kolehiyo sa De La Salle College of St. Benilde sa kursong Human Resource Management (HRM), major in Tourism noong 2010.

"Si Mommy [Grace] ko po yung nagpalaki sa akin.

"Nakilala ko po si Papa [Gabby], 14 na ako," pagtatapat niya.

Hindi lingid sa kaalaman ni Garrie ang masalimuot na mga pangyayari sa buhay ng kanyang actor-dad—personally and professionally.

"Lumaki po ako na alam ko na. Kaya nga po no’ng lumalaki na ako, ang mga tanong ko kay Mommy tungkol kay Papa na… na si Papa na lang ang makakasagot."

Kuwento ni Garrie, nagulat na lang sila ni KC na mayroon silang mga larawan na magkasama na kuha noong nagpupunta pala sila sa beach house ng kanilang Papa Gabby sa Anilao, Batangas.

"Malamang, wala pa po talaga akong isip noon," nangingiting pagbabalik-tanaw ni Garrie.

GABBY’S ANGELS. Hindi ikinakaila ni Garrie na masaya siya sa naging closeness nila ni KC hanggang sa pagpasok niya sa showbiz at napaka-supportive ng kanyang Ate KC.

Soon, maging si Chloe ay magtutuluy-tuloy rin sa showbiz.

"Si Chloe po, nung dumating ako dito, nakasama ko rin. Sayang nga lang dahil sandali lang yun," banggit ni Garrie.

Matapos mai-launch ang kanyang album, namatay naman ang stepdad ni Garrie na si dating Congressman Iggy Arroyo, at nagpunta sila sa London ng kanyang mommy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nang dumating siya, nagkataon kailangan kong umalis. Pagdating ko, she had to leave naman.

“Alam ko, gusto niyang mag-modelling," sabi ni Garrie tungkol kay Chloe.

Bukod kay Chloe, mayroon pang anak na babae si Gabby—si Samantha, three years old, sa asawa nito ngayong si Genevieve Yatco.

"Si Tita Jimby," pagtukoy ni Garrie kay Genevieve.

Manganganak daw uli si Genevieve at, ayon kay Garrie, babae na naman ang magiging bunso nilang half-sister.

"Sabi nga ni Papa, gusto niya puro girls na lang kasi mas malambing daw ang mga babae.

"Para sure daw siya na may mag-aalaga sa kanya ’pag tumanda siya..."

But Garrie, like the rest, is hopeful that someday, a son by Gabby would be added to their growing "family."

"Malay natin, baka may isa pa, pahabol, ’tapos baby boy na..." nakangiting sambit ni Garrie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN