JC de Vera becomes more mature after last relationship

“Kailangan meron kang goals, meron kang mga responsibilities na kailangang tingnan. Parang after no’ng relationship namin, gano’n talaga ‘yong nangyari sa akin—nag-mature na talaga ako,” says JC de Vera about his realizations after his relationship with Danita Paner.


Marami nang nagawang proyekto sa telebisyon si JC de Vera pero mas napamahal daw sa kanya ang kasalukuyang ginagawa niya sa TV5, ang Valiente.

Ang primetime series na ito ay remake ng kilalang teleserye noong dekada ’90 na kinatampukan nina Tirso Cruz III at Michael de Mesa.

“Very proud ako kapag tinatawag ako ng ibang tao na ako si Valiente,” sabi ni JC nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa set ng teleserye sa Batangas kahapon, Mayo 30.

Kumpara sa mga nagawa na niya noon, itinuturing ni JC na “emotionally draining” ang pagganap niya bilang Gardo Valiente sa seryeng ito.

Kaya naman aniya, “Gusto ko sana na ma-remember ako ng mga tao na ginawa ko ‘to at same as kung gaano ka-successful ‘yong first na pinalabas dati. Sana ganun din nila maalala ‘yong present na Valiente.

Bagamat extended na teleserye hanggang sa katapusan ng Hunyo, nalulungkot pa rin si JC kapag naiisip niyang matatapos na ang Valiente, na nagsimula noong Pebrero.

“Sa totoo lang, ‘yong soap, napamahal sa akin.

"Kaya nalungkot ako na gano’n lang pala kabilis kasi, di ba, na-enjoy ng lahat, e?

“Hindi namin napansin na, ‘Uy, ending na pala ‘yong sinu-shoot natin.’

“Nalulungkot ako, pero sabi nga ni Direk [Joel Lamangan], ‘Huwag na nating i-extend. Huwag na nating i-request na pahabain pa natin kasi ang maganda, natatapos tayo ng maganda. Kaysa ‘yong in-extend mo ‘tapos matatapos tayo ng pangit.’”

Nakatulong din daw ang proyektong ito pati na ang mga kasamahan niya, sa paghubog pa lalo ng kanyang kakayahan sa pag-arte.

“Malaking bagay na nakakatrabaho ko itong mga tao sa paligid ko kasi para na rin sa pagtanda ng aking pag-arte.

"Ito ‘yong mga nakakasama ko, sinusuportahan ako, tinutulungan ako.

“Marami akong natututunan. Eventually, nagma-mature ako.

"Marami na akong natututunan kaya ito na ako ngayon, kung ano hitsura ko sa Valiente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masasabi ko na nag-mature lang naman.

"At saka siguro dahil na rin doon sa laman ng Valiente, na maganda ‘yong story, fast-paced, malaki ang scope niya, at ‘yong mga kasama mo pa magagaling kaya marami ring matututunan.”

GETTING SERIOUS IN RELATIONSHIP. Hindi lamang sa pag-arte maituturing na tumanda si JC. Para sa kanya, nag-mature na rin siya pagdating sa pakikipagrelasyon.

Kaya raw nananatiling single si JC ngayon dahil gusto niyang tumagal at seryoso na ang kanyang susunod na relasyon.

Paliwanag niya, “Ang pananaw ko diyan, kapag may time na magka-girlfriend ako, parang last na or second to the last na.

“Kung magkaka-girlfriend man ako, okay na. At least, mayroon akong magandang trabaho, may business ako.”

Bukod sa kanyang kinikita bilang aktor, nakakapag-ipon na rin si JC mula sa kanyang mga bagong negosyo—isang lechon store at isang burger joint.

Matapos ang relasyon nila ni Danita Paner, naisip daw ni JC na hindi na puwedeng maging kampante lang sa buhay.

Sabi niya, “Kailangan meron kang goals, meron kang mga responsibilities na kailangang tingnan.

“Parang after no’ng relationship namin, gano’n talaga ‘yong nangyari sa akin, nag-mature na talaga ako.

“‘Tapos naghangad na ako ng something more.

"Parang sana ganitong klaseng tao ako, ganito pala ‘yong puwede kong gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN