Part 1. Iwa Moto reveals why her relationship with Leandro Muñoz did not work out

Iwa Moto on breakup with Leandro Muñoz: “Ang isyu namin, yung hindi ko pagpunta do’n [sa Amerika]. Yun lang talaga. We were a perfect couple. Sobrang wala akong masabi. Napakabuting tao no’n. Hindi ako nagsisisi na naging parte siya ng buhay ko. Kaya lang, may mga bagay ako na hindi dapat i-give up para lang sa sarili ko. Kasi, may mga umaasa pa sa akin. Sabi ko rin naman sa kanya, kung mahal niya ako, hihintayin niya ako.”


Nagkaroon ng show ang Kapatid stars na sina Iwa Moto at Edgar Allan Guzman sa Music Box sa may Timog Avenue, Quezon City kagabi, May 31.

Ang managers nilang sina Omar Sortijas (para kay Iwa) at Noel (para kay Edgar) ang nag-conceptualize ng naturang show.

Dati nang magkasama sa isang management team sina Iwa at Edgar nang pareho pa silang nakakontrata sa GMA Artist Center.

Napag-alaman din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon pala ng short-lived romance ang dalawa noong mga baguhan pa lang sila sa showbiz.

Pero nananatili raw silang magkaibigan hanggang ngayon.

Sabi ni Iwa sa PEP, “Actually ngayon, para lang kaming naglalaro rito, enjoy lang sa show.

“Si Edgar naman, he became special to me siguro few years ago, like five years ago siguro.

“Pareho rin kami ng manager before, sa GMA Artist Center.”

Dahil sa ginawa nilang show ni Edgar, ibig bang sabihin nito ay papasukin na rin ni Iwa ang pagkanta?

“Well, siguro dahil nasa bagong station ako [TV5], gusto ko lang mag-explore ng mga bagay na hindi ko nagawa dati.

“Parang ine-explore ko lang ang mga hidden talents ko. At saka para masanay rin ako kung tahakin ko rin yung path na yun, eventually... malay natin.”

Pangarap din daw niyang magkaroon ng album.

“Oo naman, sino ba naman ang hindi nangarap ng ganoon?

“Kaya lang, alam mo yun, one step at time.

“Ayoko namang kapag nag-concert ako nang bongga, e, mapahiya lang ako. So, parang practice ko ‘to.”

IWA AS A KAPATID. May tatlong buwan pa lang daw siyang nasa TV5. Pero ayon kay Iwa, masaya naman siya sa bagong network.

Si Iwa ay orihinal na isang Kapuso bilang isa siya sa produkto ng StarStruck Batch 3.

Kumusta siya bilang isang Kapatid?

“So far, okay naman. Marami namang mga works.

“As of now, puro guesting lang naman, pero ang alam ko, may mga inaayos na kaming regular show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Teleserye ba ito?

“No, it’s more of a talk show.

“Although, kahit ano naman, ang sa akin, basta work ang ibigay.”

Sabi pa niya tungkol sa kanyang naging paglipat, “Dumating na rin kasi sa time na gusto ko rin mag-explore sa iba’t ibang genre.

“At siyempre, gusto ko rin ma-try na makatrabaho ang iba’t ibang tao, hindi lang doon sa isang network, di ba?

“No grudges sa GMA kasi sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanila. Wala naman ako dito kung hindi dahil sa kanila.

“At saka ma-try ko rin yung may manager talaga.

“At saka, wala rin naman ako dito kung hindi dahil sa GMA.

“It’s more on nag-e-experiment akong talaga.”

LEANDRO MUÑOZ. Hindi lingid sa marami na madalas na nagiging kontrobersiyal ang lovelife ni Iwa. Pero kung may maganda man sa kanya, hindi siya katulad ng ilang artista na mahilig mag-deny.

Kumusta ba ang lagay ng kanyang puso ngayon?

“Ang puso ko, masaya naman. Palagi naman akong masaya.

“Kahit naman malungkot ako, masaya pa rin ako,” sagot niya.

Bago namin tinanong kay Iwa ang present lovelife niya, kinumusta muna namin sa kanya ang mga nagdaan niyang relasyon.

Ang huling nabalitang nakarelasyon ni Iwa ay ang nagbalik na aktor na si Leandro Muñoz.

Nagsimula ang magandang pagtitinginan ng dalawa nang magkasama sila sa afternoon soap ng TV5 na Felina: Prinsesa ng mga Pusa.

Naging on-and-off ang relasyon nina Iwa at Leandro at nauwi na nga ito sa tuluyang breakup nang bumalik sa Amerika ang aktor.

Pero ayon kay Iwa, “Nag-try kami. We tried fixing it, pero hindi na nag-work, e.

“I chose to be here. I chose to be with my family.”

Dapat daw sana ay susunod si Iwa kay Leandro sa Amerika, pero dahil nagdesisyon siyang manatili sa Pilipinas, yun na rin daw ang naging dahilan ng pagbi-break nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Iwa, “Supposedly, I was to go there na, may plane ticket na ‘ko.

“Nagkaroon lang kami ng malaking-malaking misunderstanding so hindi natuloy.”

Dapat daw ay nasa Amerika na siya noong May 3.

“I was supposed to give up everything for him. Pero may mga bagay na hindi namin napagkasunduan.

“Sabi ko, before I give up anything, paano naman ako kapag pumunta ako ng States, di ba?

“Ang plano lang, pupunta ako do’n, aayusin ko papers. Magpe-petition para maging citizen ako.”

THE RIGHT DECISION. Ngayong mas pinili niyang manatili sa bansa at ipagpatuloy ang showbiz career niya, masasabi ba niyang tama ang naging desisyon niya na hindi sumama kay Leandro?

“Hindi ko rin alam,” tugon ni Iwa.

“Dumarating pa rin naman sa point na nalulungkot talaga ako at nami-miss ko siya.

“Pero at the same time, natutuwa ako kasi nakakasama ko ang family ko.”

Wala na raw silang communication ni Leandro ngayon.

“Nagkausap kami pagkatapos niyang umalis, sa text lang. But as usual, hindi pa rin kami nagkasundo sa text,” pagtatapat ng aktres.

Ano ang madalas na hindi nila mapagkasunduan ni Leandro noon?

“Ang isyu namin, yung hindi ko pagpunta do’n [sa Amerika]. Yun lang talaga.

“We were a perfect couple. Sobrang wala akong masabi.

“Napakabuting tao no’n. Hindi ako nagsisisi na naging parte siya ng buhay ko.

“Kaya lang, may mga bagay ako na hindi dapat i-give up para lang sa sarili ko. Kasi, may mga umaasa pa sa akin.

“Sabi ko rin naman sa kanya, kung mahal niya ako, hihintayin niya ako.”

Ano ang naging sagot ni Leandro sa sinabi niyang yun?

“Si Leandro kasi, hindi na siya bumabata so, siyempre, gusto rin niyang magkaroon ng family.

“We were supposed to start a family, yun ang plano noon.”

Pag-amin pa ni Iwa, minahal niya talaga si Leandro. Kaya hindi raw puwedeng sabihin na dahil hindi siya sumunod dito sa Amerika ay hindi niya ito ganoon kamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sa in love, I was 100 percent really in love.

“May mga bagay… ang dami ko pa kasing unfinished business dito.

“Yung family ko, hindi ko naman puwedeng iwanan na lilipad na lang ako basta-basta.

“Kung sarili ko lang ang iisipin ko, puwede, e.

“Pero gusto ko lang na naka-settle din sila bago ako umalis,” saad ni Iwa.

Sa ngayon ay hindi na raw sila nag-uusap ni Leandro. Ang balita niya, may ibang girlfriend na rin ang aktor.

“Yun nga, e, sabi ko, if you really did love me, hindi ganoon kabilis,” sabi ni Iwa tungkol sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig ni Leandro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN