JC de Vera wishes to do another drama anthology after Valiente

JC de Vera carries the title “Prince of Primetime” on TV5 after starring in various projects in his new network. Valiente is his most ambitious project so far where he shows his acting prowess with veterans Michael de Mesa, Lorna Tolentino, Oyo Sotto, among others.


Nagsilbing malaking challenge para kay JC de Vera ang TV series na Valiente ng TV5.

Bukod sa kakaibang experience para sa kanya dahil sa bigat ng cast at scope ng serye, nasubukan din dito ang kakayahan ni JC sa pag-arte.

Sa Valiente una niyang nakatrabaho ang batikang aktres na si Lorna Tolentino na nagbabalik teleserye pagkatapos ng pagluluksa sa namatay na asawang si Rudy Fernandez.

Sa location shooting ng Valiente sa Lipa City, Batangas last May 30, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang member ng entertainment press si JC.

ON LORNA TOLENTINO. Inamin niya na nakadagdag sa pressure ang pagsali ni Lorna dahil alam niya ang kalibre nito bilang aktres.

Sabi ni JC, “Mabait siya, actually, kalog siyang katrabaho kaya pagdating sa eksena ay madali mo siyang makakagaanan ng loob.

“Kaya madali kayong makaka-arte dahil nga komportable siyang kasama.

“Parang bagets pa rin siya e, parang barkada mo siya, masarap siyang katrabaho, lalo na kaeksena.

“Although siyempre, iyong pinaka-unang eksena namin ay nakadagdag ng pressure dahil nga magaling talaga siya.

“Isang bitaw pa lang, ramdam mo agad, alam mong magaling.

“Kaya may pressure talaga sa simula, pero na-enjoy naman naming lahat yung ganoong pressure,” eksplika ng actor.

ON MICHAEL DE MESA. May confrontation scenes din si JC kasama ang batikang actor na si Michael de Mesa.

Dito ay punong-puno ng emosyon habang sabay halos silang nagbibitaw ng dialogue.

“Alam ko naman na capable si Tito Mike na gawin iyon. Kasi, ginagawa niya yung character niya, e.

“So, tutulungan niya ako, pero hindi niya ako… kumbaga, gagawin niya yung part niya at wala na siyang pakialam sa akin, parang ganoon.

“So hayun, nagawa ko naman nang maayos, naging okay naman.

“Ewan ko, hindi ko lang talaga ma-explain nung time na yun.

“Basta after ng scene ay ‘Thank you’ lang ako nang ‘Thank you’ kay Tito Mike noon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inalalayan niya ako, pero pati siya, inamin niya sa akin na nahirapan din siya.”

ON OYO SOTTO. Pinuri rin ni JC si Oyo Sotto dahil professional daw ito kung magtrabaho.

“Iyong scenes namin na magkasama, very smooth, very comfortable.

“Masarap siyang katrabaho dahil very professional, e… alam mo iyon?

“Lagi rin siyang nauuna sa akin, andun na siya ng 7 [a.m.] at hindi ko kayang labanan iyon, e,” nakangiting saad niya.

“Talagang strict siya sa time, mas nauuna siya sa akin, ako mga 8 [a.m.] dumarating.

“At pareho kami, hindi kami mahilig matulog sa taping dahil gusto naming dalawa, alerto kami, e.” paliwanag ni JC.

ON EX-GIRLFRIEND DANITA PANER. Kung malaman niyang may iba nang boyfriend si Danita, ano ang kanyang mapi-feel?

“Ano mapi-feel ko? Sisikuhin ko,” biro ni JC habang tatawa-tawa.

“Hindi, hindi, hindi!… Okay lang sa akin, kailangan niya iyon,” seryosong hirit niya.

Masasaktan ba siya o manghihinayang?

“Hindi, kasi ang tingin ko kay Dan, kailangan niya munang mag-gather ng mga experiences na wala ako.

“Kailangan niyang matuto muna sa sarili niya, bago siya turuan ng ibang tao.

“Kaya okay iyon para sa akin, kasi, more experience para sa kanya iyon—mas matututo siya sa buhay.”

Isinasara na ba niya ang pinto sa posibleng pagbabalikan nila ni Danita?

“Hindi naman, kahit kanino naman, never naman akong nagsara.

“It’s either ano lang naman, e, kayo or hindi, e. Parang ganoon, e.

“Parang kapag magkita kami, kung maging kami, e di kami ulit.

“Ganoon siya kadali, kaso medyo occupied lang ang utak ko sa mga bagay-bagay.”

NEXT LOVE AFFAIR. Okay lang ba na artista pa rin ang next girlfriend niya?

“Wala namang kaso sa akin kung artista, kaya lang siyempre, masarap i-try kung hindi naman nasa showbiz.

“Kasi, lahat ng girlfriend ko nasa showbiz, e, alam naman natin na magulo ‘pag nasa showbiz, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DESIRED PROJECTS. Ipinahayag din ni JC kung ano ang gusto niyang proyekto after Valiente, kung mabibigyan siya ng pagkakataong makapamili.

“Gusto ko sana, magkaroon ulit ng Five Star Special, katulad noong ginawa ko dati.

“Na after two months, siguro ay naka-ten episodes ako noon na iba-iba yung ginagawa ko.

“So, puwede akong mag-action, mag-comedy, puwedeng mag-drama… di ba?

“So, maki-cater niya lahat iyong iba’t ibang market, e.

"Kaya, sana yun ulit kung mapagbibigyan tayo,” nakangiting saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN