Sharmaine Arnaiz plays role of estranged wife in new soap; shares news about her sister Bunny Paras and Mo Twister

When asked for news about Mo Twister, Sharmaine Arnaiz (in photo) says that lately, Mo has not been sending money to his daughter Moira, whose mother Bunny Paras is Sharmaine’s sister. Moira has been diagnosed with Friedrich Ataxia, a disease which attacks the spine. “Nag-support naman siya but then medyo matagal na ring hindi, lalo na nung time na medyo things were not settled anymore for him here and then he had to move to the States," she says.


Sa My Beloved huling napanood ang aktres na si Sharmaine Arnaiz bago siya muling mapapanood sa upcoming afternoon serye ng GMA na Kasalanan Bang Ibigin Ka?

“Ito yung first na talagang kasama na ako sa cast, dati parang guest lang ako, ngayon kasama ako sa pictorial, sa presscon,” sinabi ni Sharmaine nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng naturang show nuong May 29 sa 8 Spices restaurant.
Kasama rin sa show sina Jackie Rice, Geoff Eigenmann, Michael de Mesa, Angelika dela Cruz, Jennica Garcia, Bobby Andrews, Bubbles Paraiso at Pancho Magno, sa direksyon ni Mark Reyes.
Magsisimula na ito sa June 4.
Mabait ba si Sharmaine dito o salbahe ang role?
“Hindi ko pa masabi kasi first taping week namin. Ang nasa story, ako ay hinawalayan ng asawa ko, si Michael. I really don’t know what transpires after, kasi week one pa lang.
“Mapupunta si [Michael] kay Jackie, anak ko naman si Geoff at si Angelika.
“Nauna ang anak ko na karelasyon si Jackie, naghiwalay kami ni Michael, tsaka nakilala ni Michael si Jackie. So pagbalik ko at pagbalik ni Geoff galing abroad tsaka namin malalaman na yung babaeng nain-love siya, iyon yung ano pala ng asawa ko ngayon.
“Hindi alam ni Michael na nagkarelasyon pala ang anak niya at ang babaeng mapapangasawa niya.
“Ang pinaka-last ko na regular dito sa GMA ay yung Kung Mawawala Ka with Eddie Garcia, matagal na.
“Because after that, I got pregnant na so tuluy-tuloy na yun, nawala na ako sa showbiz.”
Ang direktor na si Maryo delos Reyes raw ang nagkumbinsi sa kanya na umarte muli sa harap ng kamera. Marami raw siyang naging proyekto dati kay Direk Maryo, kasama ng kapatid niyang si Bunny Paras.

NEWS ON MO. Naitanong namin kay Sharmaine kung sinusuportahan ba ni DJ Mo Twister ang anak nito kay Bunny?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Nag-support naman siya but then medyo matagal na ring hindi, lalo na nung time na medyo things were not settled anymore for him here and then he had to move to the States.
“So I don’t really know what’s going on with his financial ano…
“Basta bago siya umalis papuntang Amerika, hindi na siya nagbibigay ng regular, bago siya umalis papuntang New York.
“Sabi ko nga… I think he felt bad na in-adopt ni Tom, yung asawa ni Bunny, si Moira [pangalan ng anak nila ni Mo]. So I texted him, sabi ko ‘Mo, why did you stop giving support to Moira?’”
Tom Greenway ang buong pangalan ng mister ni Bunny na ayon kay Sharmaine ay “very American but his mom is Ilocana.”
Going back to Mo na tinext nga ni Sharmaine…
“I texted him kasi I was bothered kasi ilang months na rin and then… ‘If you’re bothered na in-adopt ni Tom si Moira, it’s because…’
Sabi ko, ‘Bunny is not working now and kailangan ma-adopt si Moira dahil paano yung medical ano niya and everything?’
MOIRA’S HEALTH. “And this was before Moira was diagnosed with a new disease called Friedrich Ataxia. It attacks her… yung spine niya nagke-curve, nagke-curl na yung toes niya.
“Ito, nagke-curve yung ano, mawawala yung eyesight, she will not be able to walk, ganyan.
“Tapos ang last stage, bibigay yung heart.
“I’m sure he’s very affected dahil after that naman, nung na- confirm, because they brought her blood test to Boston and they confirmed na iyon ang sakit ni Moira.
"And then, tamang-tama, he moved to New York, hiniram niya si Moira sa New York.
“So binilhan niya ng… nakita niya siguro yung anak niya na ganun, na nagke- curl na yung toes... I’m sure affected siya kasi binilhan niya ng Mac Air kasi nga hindi siya puwedeng magdala ng mabigat.
“Five times na siyang nahulog just this year alone. Last time naano yung head ni Moira sa school.
“Sabi ko kay Bunny, ‘Bunny sabihin mo kay Moira baka dapat naka-wheel chair na siya.’
"Sabi ko, ‘What if something bad happens or talagang kailangan pa niya ng surgery just because…’
“And siyempre teenager, she feels the pressure in school na she wants to be a normal kid.
“Kaya paano nga maaano yung mga medical ni Mora kung hindi naman siya a-adopt ni Tom?”
Bago pa ang sakit nitong Friedrich Ataxia, may sakit na rin si Moira…
“Before kasi it was Miller Fisher. Ang Miller Fisher parang nerves lang, parang wobbly lang siya, she was wobbly the whole time, na ang tagal din bago na-diagnose.
“Ito mas grabe pa. Yung parang… okay na yung dati, na wobbly siya, huwag naman yung nagdi-degenerate siya ng ganun.”
NO CALLS, NO TEXT BACK. Ang isinagot raw ni Mo sa text niya ay…
“’I’ll call you.’ Which he never did. Hindi na kami [nagkausap].
“I figured na iyon ang reason.”
Galit ba siya kay Mo?
“Matagal akong nagalit sa kanya dati pero ngayon, I cannot get mad at him, I don’t know what he’s going through, e.
"Parang ano na… ako ang habol ko lang, kung ano ang puwede mong ibigay na atensyon and love sa anak mo, ibigay mo na lang, iyon lang ang habol ko.
“Kasi in my head, that’s your daughter, it’s impossible na hindi mo maramdaman ang nararamdaman ko.
“Sabi ko, ‘Are you gonna wait until the last moment na hindi ka makabawi sa kanya?’ Di ba?”
Sina Mo at Bunny ba ay may komuniksayon pa?
“I don’t ask anymore kasi I get affected, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN