Mark Gil on Andi-Albie bugbugan issue: “Andi is a good girl. Masyado lang nilang pinalalabas na ganito siyang klaseng bata. Misunderstood lang."

Mark Gil says the best part of being in the cast of Makapiling Kang Muli is working with actors he met early in his career like Gloria Romero, Robert Arevalo, Phillip Salvador and his good friend, Ricky Davao, who’s directing the Kapuso teleserye.


Nasa bakuran nga ulit ng GMA-7 ang award-winning actor na si Mark Gil at kasama nga siya sa malaking cast ng bagong primetime series ng Kapuso network na Makapiling Kang Muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Huli ngang ginawang series ni Mark sa GMA-7 ay ang Zorro noong 2009. Pero marami na rin siyang nagawa noon tulad ng Ang Iibigin Ay Ikaw, Hanggang Kailan, Atlantika, Sinasamba Kita at Gaano Kadalas Ang Minsan.
Huli ngang napanood si Mark sa series na Ikaw Ay Pag-ibig ng ABS-CBN 2 at sa Valiente ng TV5.
“It’s great to be back with GMA-7. Naging suki na rin tayo before ng Siyete and matagal-tagal din bago ako nakabalik.
“My last one here was Zorro that also starred Richard Gutierrez. Pero guest role lang ako doon. Now, mahaba-haba ang role natin and maganda ang binigay sa atin na trabaho,” sabi ni Mark.
Ang kinakatuwa niya sa naturang project ay ang makatrabaho ang kanyang mga nakasabayan na sa pag-aartista. Pati na ang mga nirerespeto niyang mga veteran stars ay kasama rin sa Makapiling Kang Muli.
“It’s a star-studded cast. Nandiyan sila Ms. Gloria Romero and Mr. Robert Arevalo. Nandiyan din sila Phillip Salvador and my good friend, Ricky Davao is our director.
“And I get to work with the new ones like Carla [Abellana], Sarah Lahbati. Si Mark Anthony [Fernandez], nakatrabaho ko ‘yan before. And of course, Richard [Gutierrez] who is really improving as an actor,” sabi niya.
EIGENMANN FAMILY. Halos lahat ng miyembro ng pamilyang Eigenmann ay nasa Kapuso network na. Bukod nga kay Mark ay may ginagawa rin ang kapatid niyang si Michael de Mesa, ang Kasalanan Bang Ibigin Ka? Si Cherie Gil naman ay katatapos lang ng Legacy.
“All in the family na nga kami rito sa GMA-7. Nagkataon lang siguro na may magagandang projects for us kaya nandito kami.
“I’m happy for Mike because he’s back into acting. We both just starred in Valiente for TV5. Matatapos na kasi yun kaya nandito na rin siya.
“My son Gabby [Eigenmann] is doing well in Broken Vow. Proud ako kay Gabs because nagbunga rin ang matagal na niyang paghintay for a lead role.
“My other son, Sid [Lucero], is also doing great. He just finished Legacy with my sister Cherie, and he’s about to start with a new series [Hindi Ka Na Mag-iisa].
“My nephew Geoff [Eigenmann] naman is with his dad in Kasalanan Bang Ibigin Ka? Yung isa ko pang pamangkin na si Ryan [Eigenmann] just finished Biritera, at alam ko may gagawin siyang bago rin.
“So we’re all busy and very happy with our jobs. We’re thankful for GMA-7 for giving us these projects.”
CHERIE’S OPERATION. Binalita nga ni Mark na nasa New York City ngayon ang kapatid niyang si Cherie Gil dahil nagpatingin na ito sa isang throat specialist doon.
Three years na ngang may problema sa kanyang lalamunan si Cherie, pero three times na rin niyang pinagpaliban ito dahil sa magkakasunod na projects sa TV. Kaya pagkatapos ng huling taping day nito for Legacy, lumipad na ito kaagad sa Amerika.
Ang tumitingin raw kay Cherie ay ang throat doctor ng British singer at Grammy Award-winner na si Adele.
“Pareho nga raw sila Adele ng doctor. He’s the best one in New York kaya doon na nagpatingin si Cherie.
“She will have a minor operation lang naman. They will scrape something in her throat and she will not talk for at least two weeks.
“Noon pa namin sinabihan si Cherie to take a break and have that operation. Masyado kasi siyang masipag e, ang boses ang puhunan natin bilang mga artista, ‘di ba?
“Kaya she finally made that appointment and it’s her vacation time na rin with her kids. All her kids kasi are in New York studying.
"Ngayon ay summer doon and school is out, she will have time to bond with her kids.

“We just told Cherie to stop talking muna para mabilis siyang gumaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Matsika kasi ‘yang si Cherie and I know na walang patid ang kuwento niyan when she’s with her kids. Pero sa pagkakataong ito, let her kids do the talking for her.
“I know she will get well soon dahil marami pa siyang gagawing mga trabaho dito,” kuwento pa ni Mark.
ANDI’S OKEY. Kinumusta naman namin kay Mark ang isa pa niyang anak na si Andi Eigenmann. Ang sabi niya ay okey naman si Andi pagkatapos na masangkot ito sa “bugbugan issue” with her ex-boyfriend na si Albie Casino.
“Andi is doing okey. I know that she started taping for her new show sa ABS-CBN 2.
“The last time I talked with her, okey naman daw siya and she’s starting to get busy again. She needs to work na raw for my apo, Ellie.
“I just told her to be careful and give me a call when she needs help on something,” diin niya.
Sa nangyari nga sa pagitan ni Andi and Albie, ayaw na lang magsalita ni Mark dahil gusto niyang matapos na ang problemang iyon. Sa pagkakaalam niya ay walang kinalaman si Andi sa insidenteng iyon.
“Andi is a good girl. Masyado lang nilang pinalalabas na ganito siyang klaseng bata. Misunderstood lang.
“If you know Andi, you will see how sweet a person she is. Ngayon, all she talks about is her daughter. She talks like a mother na and that is something that I am proud of.
“Hindi naman nawawalan ng advice sa kanya si Jane [Jaclyn Jose, Andi’s mother] and ako naman, I give her advice when she asks for it.
“Gusto ko lang ay umiwas na siya sa mga ganyang gulo. Huwag na siyang ma-involve sana and just concentrate on her career ngayon.
“She’s a mom now and she should think of her child. I know how responsible she is and she should keep on doing that,” pagtatapos pa ni Mark Gil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN