Barbie Forteza says she will miss bonding with Tween Hearts cast and director Gina Alajar as the series comes to an end

Barbie Forteza on working with Tween Hearts director Gina Alajar: "Si Direk Gina, parang nanay ko na siya sa showbiz. Kasi talagang ang dami na niyang naitulong sa akin. Alam niya kung may nararamdaman kaming lahat. Yung parang nasa-ulo na niya kaming lahat.”


Dalawang taon mahigit daw silang magkakasama at linggo-linggo ay nagkikita-kita para sa taping ng Tween Hearts. Kaya naman noong thanksgiving/farewell press conference ng show, hindi pa rin daw makapaniwala si Barbie Forteza na magtatapos na nga sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Hindi ko ma-imagine. Kasi, sa isang linggo po talaga, hindi po mawawala na may taping ang Tween Hearts, every Thursday. So, nakakalungkot po talaga.
“So, ngayon, sa Party Pilipinas na lang po kami maku-kumpleto. Minsan, hindi pa. E, parang sila na rin ang mga naging barkada ko talaga.
"Kasi, kahit noong hindi pa ako artista, never ko talagang na-experience na magkaroon ng barkada. Dito lang talaga.”
Noong nakaraang buwan daw silang nasabihan na magtatapos na sila.
Sabi nga ni Barbie, “Nalungkot kaming lahat. Pero kasi, nakakahiyang umiyak. Pero feeling ko, lahat kami gustong umiyak.”
LUCKY TWO. Pero sa buong cast, sila ni Bea Binene ang puwedeng sabihing secure na kung sa pagkakaroon ng bagong show ang pag-uusapan. In fact, kasama sila sa primetime series na Luna Blanca.
Ayon naman kay Barbie, “Hindi naman porke’t magkakaroon kami ng ibang projects ni Bea, hindi naman ibig sabihin no’n, hindi na kami malulungkot.
"Kasi, talagang aaminin ko, ‘eto talaga, sobrang laking part ng career ko ang Tween Hearts.
“Dito talaga nag-start at halos lahat kami, dito kami nakilala at mas maraming sumusuporta sa amin ngayon.
"Kaya hindi porke’t may mga susunod na kami [na show] ni Bea, hindi na kami malulungkot. Siyempre, iba pa rin ang samahan ng Tweens.
“Kasi, kapag kulang kami, parang kulang din ang energy kaya kailangan kumpleto.”
FRIENDS OR NOT? Yung isyu na hindi sila okay, hindi sila friends, at hindi sila close ni Bea, mas maingay na ito ngayon at hindi talaga nawawala. Bakit kaya?
“Hindi ko rin alam. Hindi ko nga rin po alam bakit kami pinag-aaway ni Bea.”
Hindi ba nila napag-uusapan ni Bea ang isyu sa kanila?
“Hindi. Kasi, okay naman kami kaya never naming naitanong sa sarili namin yan. Tapos noong nagkaroon ng isyu na mga ganyan-ganyan, sabi namin, bakit may ganoon?
“Pero ako po, aaminin ko po talaga, hindi po talaga ako close kay Bea.”
Kung tutuusin, sila sa mga cast ng Tween Hearts ni Bea ang magkasama sa mga shows noon pa man, pero ano ang dahilan at hindi sila naging close friends?
"Hindi ko rin po alam, e."
“Siguro po kasi, sa Tweens kasi, hindi na namin alam kung ano ang nangyayari sa mga buhay-buhay namin.
"Pero hindi naman po porke’t hindi kami close ni Bea e, magkaaway kami. Actually, feeling ko, doon nagsimula ang isyu.
“Noong sinabi ko na hindi kami close. Ang laking diprensiya naman ng hindi close sa magka-away.
"Hindi ko naman sinasabing magka-away kami. Okay na okay po kami ni Bea.”
Yung kumpetisyon nilang dalawa pagdating sa career, posible bang dahilan yun ng hindi nila pagiging malapit sa isa’t-isa?
“Para sa akin po ha, hindi naman po talaga big deal kung close kami ni Bea as long as okay kami.
"At saka, looking forward talaga ko na gawin yung Luna Blanca kasi, kaming dalawa na lang po yun, e. Gusto ko talagang maging close sa kanya.”
DIREK GINA ALAJAR. Tinanong naman namin si Barbie kung ano ang mamimiss niya sa show nila?
“Yung bonding ng lahat.
“At saka si Direk Gina [Alajar]. Si Direk Gina, parang nanay ko na siya sa showbiz. Kasi talagang ang dami na niyang naitulong sa akin.
"Alam niya kung may nararamdaman kaming lahat. Yung parang nasa-ulo na niya kaming lahat.”
Nagulat naman daw siya at natuwa nang marinig ang mga naging komento sa kanya ng direktor.
“Na-touch nga ako kasi, ngayon lang sinabi ni Direk Gina sa amin yun.
"Kapag po sa set, nagpapasalamat po siya, pero, parang iba po yung dating noong sinabi niya kanina.
"Mas nakaka-inspire mag-trabaho kapag may direktor na ganoon ang turing sa ‘yo.”
Ang ka-loveteam niya ay si Joshua Dionisio; mamimiss niya ito?
“Ay, opo naman. Siyempre, sobra.”
JOSHBIE NO MORE. Hindi dumating si Joshua sa thanksgiving/dinner nila.
Sabi naman ni Barbie, “Marami rin naman pong wala rito. Actually, kahit kami, akala po namin hindi kami makakarating kasi traffic.
"Pero parehas po kami ng pinanggalingan. Galing po kami ng Subic, nag-taping kami.”
Paghihiwalayin na raw ang loveteam nila, ang JoshBie?
“Sa ngayon, wala pa po akong balita. Pero, hindi naman po ako nagsasalita ng tapos.
"Ayoko rin naman pong pangunahan ang network. Kaya, nasa sa kanila na rin po yun.”
Balik-eskuwela raw si Joshua ngayon habang wala pang bagong project. Hindi naman itinanggi ni Barbie na nalungkot din daw siya na hindi nga sila magkakasama muna.
“Opo…kasi, first time ko rin maka-experience ng lalaking best friend talaga.
"Yung iba, iisipin nila, medyo imposible kasi, magkaiba talaga. Pero kami ni Joshua, sa sobrang tagal na naming magkasama, naiintindihan na namin ang isa’t-isa.”
Ngayong hindi na niya kasama si Joshua sa mga bago niyang shows tulad ng Tweets for My Sweet at Luna Blanca, posible pa rin kayang magkasama pa sila kahit off-cam? Dati kasi ay madalas silang lumalabas at nanonood ng sine na magkasama.
Sabi naman ni Barbie, “Opo naman.
“At saka, maraming beses ko na rin pong sinasabi na hiwalay po talaga ang personal na buhay sa showbiz life.
"Talagang kahit sabihin na natin na medyo magkakahiwalay kami ni Joshua for a while, hindi naman mawawala yung friendship namin, nandoon pa rin.
"Kapag may free time, siyempre, kung anuman yung dati naming ginagawa, bakit naman kailangang magbago?
"Hindi naman porke’t pinaghiwalay kami, hindi na namin magagawa yung mga ginawa namin dati.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN