Barbie Forteza is a self-confessed Marian Rivera fan

How long has Barbie Forteza been a Marian Rivera fan?
"Eto po, walang halong kaplastikan. As in, simula Marimar po, sinubaybayan ko na siya," she says.


Magtatapos man ang Tween Hearts na tumagal ng mahigit sa dalawang taon, hindi naman mababakante si Barbie Forteza dahil tatlo pa rin ang regular shows niya sa GMA-7.

Ang Party Pilipinas, Tweets for My Sweet, at ang pagpasok nila ni Bea Binene sa primetime series ngayon na Luna Blanca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa Tweets for My Sweet, kasama ni Barbie ang isa sa itinuturing niyang paborito niyang artista lalo na sa bakuran ng Kapuso network, si Marian Rivera.
Masaya namang nagkuwento si Barbie nuong thanksgiving/farewell presscon ng Tween Hearts noong Huwebes ng gabi, May 31, ang ibinigay na mga Hello Kitty items sa kanya ni Marian.
“Oo, nakakatuwa. Actually po, noong una kaming magkita, na-star struck akong talaga sa kanya.
"Eto po, walang halong kaplastikan. As in, simula Marimar po, sinubaybayan ko na siya. Nag-audition nga po ako noon, hindi lang ako natanggap.
“Tapos po, noong makita ko siya, talagang sobrang bait niya.”
Si Barbie na mismo ang nagsabi na nagugulat daw siya sa mga ilang negatibong isyu kay Marian, lalo na pagdating sa ugali nito.
Sabi ni Barbie, “Nagugulat nga po ako doon sa mga intriga sa kanya. Kasi ngayon, napatunayan ko na ang tsismis ay hanggang tsismis lang talaga.
"Kasi, ang dami rin pong natsi-tsismis tungkol kay Ate Marian. Pero sobrang bait niya pong talaga. Sobrang approachable.
“As in, nakikipagbiruan siya sa set, sa director, sa lahat.”
Alam ba ni Marian na Barbie Forteza is a fan?
“Hindi ko pinapaalam, nakakahiya, e," sabi ni Barbie.
Kinakausap at nakaka-kuwentuhan na rin daw niya ito.
So, ano ang madalas nilang mapagkuwentuhan?
“Marami,” sabi niya. “Minsan, pagbi-beauty. Kasama namin si ate Sheena [Halili]. Kaming tatlo po.”
Koleksiyon ni Marian ang Hello Kitty noon na hilig din ni Barbie.
Ano ba ang mga Hello Kitty items na ibinigay ni Marian sa kanya?
“Kasi po, naikuwento niya po sa akin na dati po, mahilig siya sa Hello Kitty, e, sayang naman kung hindi niya gagamitin. Kaya binibigay niya po sa akin.”
Ano-ano ang mga yun?
“Brush, salamin, mga pins, folder, notebooks, mga pad na puro Hello Kitty po.”
Sinabi ba ni Marian na ibibigay sa kanya ang mga yun o bigla na lang inabot noong taping nila?
Sabi ni Barbie, “Kasi po, nakita niya sasakyan ko, puro Hello Kitty.
"Sabi niya, ’Mahilig ka pala sa Hello Kitty.’ Sabi ko, ’Opo.’
"Tapos noong next taping, binigyan na niya ako ng Hello Kitty. Nagulat ako, kasi, hindi ko akalain na bibigyan niya ako ng Hello Kitty.
“Nataranta ako. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako, bebeso ako. Fan na fan lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN