Marian Rivera poses for sexy magazine cover: “Ito ang pinaka-daring kong nagawa ever. Ito na ang pinaka.”

Marian Rivera agreed to a racy magazine photo shoot because she knows and trusts the photographer and stylist. Besides, “Sabi ko, kailan pa, kailan ko pa ita-try?” she says.


Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dumalaw sa sa isa sa mga huling araw ng taping ng primetime series na My Beloved.

Wedding scene ang eksenang kukuhanan noong Biyernes, June 1 sa Sta. Ana church.

Maging si Marian ay napansin na halos lahat daw ng teleseryeng pinagsamahan nila ng boyfriend na si Dingdong Dantes ay ikinasal sila.

“Kinasal kami sa halos lahat ng teleserye namin—lahat! Pati sa movie.

"Pero ganoon yata talaga, basta soap opera, pati sa movie, kasal. Siguro para happy ending,” natatawa niyang sabi.

Pero kumusta nga ba ang naging experience niya sa paggawa ng My Beloved na nasa huling linggo na ngayon na mapapanood?

“Siyempre noong una, after Amaya, ang alam ko, magpapahinga ako. Siyempre, blessing pa rin ito para sa akin.

"Noong una, nahirapan akong mag-adjust. Sabi ko, paano ko ba iibahin ang sarili ko sa My Beloved?

“Kaya nagpaputol ako ng hair. Tapos, parang ang dami nilang inilatag sa aking kuwento.

"Bigla na lang na after seven years, nagkaanak si Sharina na hanggang sa dulo yata, e, masaliumuot ang buhay nito.

"Pero tiniyak naman na magiging masaya sila sa ending namin.”


WORTH THE HARD WORK. Masasabi ba niyang worth it ang ipinagpalit niyang pagpapahinga sa paggawa ng My Beloved?

“Oo naman,” nakangiti niyang sabi.

“Kasi, kahit ano naman ang mangyari, blessing pa rin ito, tapos magkasama kami ni Dong.

"’Tapos nakasama ko rito si Jennica [Garcia], si Tita Nova Villa. So, ang dami kong mas naging kaibigan, so, yun…”

Ngayong magtatapos na ang serye, matatagalan na naman bago sila mapanood na magkasama ni Dingdong sa isang serye?

“E, kasi naman, kakatapos lang nito.

“At saka ang alam ko, after nitong gagawin niyang soap, yun ang next namin. E, biglang napaaga.

"So, siguro after My Beloved, imposible naman na kami ulit ang magka-partner. Siguro, kanya-kanya muna ulit kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos naman ng serye, tila magbabakasyon silang dalawa ni Dingdong sa ibang bansa.

Sabi naman ni Marian, “Sana…kasi, nainggit nga ako sa kanya kasi, may New York siya. Ako, wala. E, kasi, kailangan kong mag-taping ng My Beloved.

"May Sunday pa ’ko rito, may Monday. May Tuesday pa ako ng Tweets for My Sweet. ’Tapos meron pa ako sa PEP na one-on-one interview something.

“After no’n, aalis na ako kinabukasan. So, isa lang ang pahinga ko—flight!”


VACATION WITH DINGDONG. May two weeks din daw siyang mawawala sa bansa.

“Kasi, yung show yata namin sa Canada, dalawa. Tapos, may meet and greet pa kami. So, medyo matagal.”

Magpupunta raw sila sa Barcelona pagkatapos ng Canada nila?

“Saan? Hindi. Hindi pa sure yun. Ito talagang si Dong, nagtsi-tsismis na naman!” natatawang sabi niya.

Hindi pa raw alam ni Marian kung ano ang mga susunod niyang projects sa GMA-7.

Sabi nga niya, “Ewan ko pa. Basta ang alam ko, after nito, pagpapahingahin naman ako.

"Kasi, pagbalik ko, makikipag-usap ang GMA sa next project ko ulit at mga dapat kong gawin. Basta ngayon, after My Beloved, ano muna ko, magri-rest muna ako.

“At least, doon sa Canada, bukod sa trabaho siya, at least, may gala na rin. ’Tapos, Tweets for My Sweet.


SHEENA IS NOT PREGNANT. Kasama ni Marian sa Tweets si Sheena Halili, na malapit niyang kaibigan sa showbiz. Nababalita na buntis si Sheena. Totoo ba ito?

Natatawang sabi naman ni Marian, “Alam n’yo, tinext niya ko. Sabi niya, ’Yan Yan, alam mo ba, nakakaloka, natsismis na buntis ako.’

"Sabi ko naman, ’Ano ka ba, ganyan talaga. Kapag hindi totoo, maglalaho ’yan.’

“Sabi niya, ’Kasi naman, dala ka nang dala ng mangga. Napagkamalan ako.’

"Palagi kasi akong may dalang mangga. May bagoong.

Halos every taping yata, kumakain kami ng mangga, fishball," kuwento ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naapektuhan ba si Sheena sa isyu?

“Hindi naman. Parang ang dami lang daw na family niya sa probinsiya ang nagtatanong kung buntis siya.

"Sabi ko sa kanya, ’Ano ka ba?’” natatawa niyang kwento.


SEXY COVER GIRL. Panahon na naman ng FHM 100 Sexiest Women at tulad ng mga nakaraang taon, hindi naman siya nawawala sa listahan ng Top 10.

Sabi ni Marian, “Hintayin n’yo kasi meron pa akong mas seksing pictorial na lalabas ngayong June.

"Actually, tatlong magazines na lalabas ito..."

Bakit siya pumayag na magpa-seksi sa ibang magazine?

“Bakit ako pumayag? Ang FHM, hindi naman yata nila ako in-invite ulit.”

Paano kung imbitahan siya ulit na mag-cover?

“Tingnan natin. Malay n’yo pumayag na ako this time."

Sinabi raw ni Dingdong na okay lang dito na mag-cover na siya sa naturang men’s magazine.

Natatawang sabi naman ni Marian, “E kasi, itong Rogue ko, ito ang pinaka-daring kong nagawa ever. Ito na ang pinaka.”

Paano siya napapayag?

“Napapayag ako kasi, ang photographer, si Mark Nicdao. ’Tapos ang stylist ko si Pam Quiñones na malapit sa puso ko.

"Tapos nilatag nila sa akin ang konsepto. Sabi ko, why not, may tiwala naman ako sa kanila.

“Sabi ko, kailan pa, kailan ko pa ita-try?"

Ipinakita ni Marian sa pamamagitan ng kanyang cellphone ang ilang picture sa lalabas niyang Rogue cover. Pinag-usapan ba nila ni Dingdong ito?

“Actually, itong Rogue na ito, sinabi ko sa kanya na may gagawin akong pictorial, medyo sexy.

"Ewan ko, tanungin n’yo sa kanya. Pinasa ko sa e-mail niya. Ewan ko kung tiningnan niya!” natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN