Gloria Romero plays a villainess in a teleserye for the first time

In the upcoming Kapuso soap, Makapiling Kang Muli, Gloria Romero plays the evil and abusive Senyora Soledad Silvestre. The 78-year-old Movie Queen explains why she accepted the role: “Nagustuhan ko kaagad kasi ibang-iba siya from... other roles I did sa ibang mga drama series. I said yes kaagad kasi malaking challenge ito for me. Paano ko magagampanan ito sa edad ko ngayon? Ito ang mga gusto kong roles and I had a great time with the whole cast.”


Pagkatapos nga ng successful at highly-rated primetime drama series na Munting Heredera, muling nagbabalik ang Movie Queen na si Ms. Gloria Romero sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Makapiling Kang Muli.
Pero ibang-iba ang role ni Tita Glo sa bagong series na ito. Kung sa Munting Heredera ay isa siyang mabait at mapagpasensyang si Donya Anna, sa bagong serye ay gaganap siya bilang ang salbahe at mapang-aping si Senyora Soledad Silvestre.
First time ngang gaganap na isang kontrabida si Tita Glo sa isang TV series at natuwa nga siya sa bagong character na kanyang gagampanan ngayon.
“Lagi ko naman sinasabi na gusto ko namang gumanap sa ibang role. Parati na lang kasi akong mabait. Puwede naman akong maging salbahe paminsan-minsan,” ngiti pa ni Tita Glo.
“When they gave me the role as Senyora Soledad, nagustuhan ko kaagad kasi ibang-iba siya from... other roles I did sa ibang mga drama series.
“I said yes kaagad kasi malaking challenge ito for me. Paano ko magagampanan ito sa edad ko ngayon?
"Ito ang mga gusto kong roles and I had a great time with the whole cast.”
Natuwa nga si Tita Glo na muling nakasama niya si Robert Arevalo na huli niyang nakasama sa Munting Heredera. Gayun din ang mga nakatrabaho na niyang sila Mark Gil at Phillip Salvador.
“Iba’t ibang generation of actors nga ang mapapanood nila rito sa Makapiling Kang Muli. I think mga four generations ng mga artista ang nandito.
WORKING WITH YOUNG ACTORS. “Nakakatuwang makatrabaho ulit ang mga dati mo nang nakatrabaho but it’s also a joy to work with the younger ones now.
"Like si Carla [Abellana] na apo ni Delia Razon. Napakahusay umarte.
"Si Sarah [Lahbati] na napakagandang bata.
“Si Mark [Anthony Fernandez], I just worked with him sa Munting Heredera and he’s such a good actor.
“Si Richard [Gutierrez] ay first time kong makatrabaho sa isang TV series. But I played his lola in the movie Let The Love Begin for GMA Films.
“Nakakahawa ang energy ng mga batang ito. Nakakalimutan mo na ganito na pala ang edad mo kapag kaeksena mo sila,” aniya.
ON DIREK RICKY DAVAO. First time din na madirek si Tita Glo ni Ricky Davao na ilang beses na niyang nakatrabaho sa pelikula.
“I’m happy sa narating ni Ricky. From being an actor to director. Gumanap na siyang anak ko ilang beses na and now he’s my director.
"At ang galing-galing niya. He’s very metikuloso sa mga eksena. I guess natutunan niya ‘yan sa ilang years niya bilang artista at sa mga magagaling na director na nakatrabaho na niya through the years.
“I wish Ricky more big projects because he deserves it.”
WITH TLC. Alagang-alaga nga si Tita Glo ng buong staff ng Makapiling Kang Muli kaya nagpapasalamat siya sa magandang treatment sa kanya.
“Hindi lang naman ako ang binibigyan ng maayos na treatment on the set kundi kaming lahat. Lahat ng hilingin namin ay naibibigay nila sa amin.
"They make sure na kumportable kaming lahat sa set.
"Natatawa nga ako kasi kapag tatayo na ako to go to the set, may aakay pa sa akin.
"Sabi ko na kaya ko naman. I’m only 78 years old. Hindi ako 101!” sabay tawa niya.
“But I really appreciate everything. Salamat sa buong staff ng Makapiling Kang Muli for making all of us feel good on the set."
VERTIGO. Hindi nga matawaran ang pagiging professional ni Tita Glo na kahit may sakit ito ay patuloy pa rin itong nagtatrabaho.
Napag-alaman nga namin na may sakit na vertigo si Tita Glo at kapag sinusumpong daw ito ng sakit ay uupo lang daw ito at ipipikit ang kanyang mga mata. Wala raw maririnig na daing mula kay Tita Glo kaya ilan lang ang nakakaalam ng kanyang sakit.
Pero kapag tinawag na raw ito para mag-take ay parang wala itong iniindang sakit sa oras na iyon. Tatapusin daw ni Tita Glo ang kanyang mga eksena until matapos na lahat at doon lang siya makakapagpahinga.
“Ayokong maging problema sa set. Never naman akong naging burden sa mga katrabaho ko.
“Basta nakapahinga ako ay nagiging okey naman ako. Huwag lang ako maging cause of delay because I was never like that.
“That’s the reason why I have a cut-off time. Hanggang 10 p.m. lang talaga ako. I need to rest na by that time. Alam n’yo naman na hindi na tayo kasing-lakas tulad noon.
“I am happy that they gave me that kind of privilege. Naiintindihan naman nila ako at ang staff pa mismo ang nagpapaalala na kailangan na akong i-pack up.”
Bukod nga sa Makapiling Kang Muli, kasama rin si Tita Glo sa pelikulang, Just One Summer, kunsaan bida sila Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN