Bea Binene denies rift with Barbie Forteza: “Pero para sa akin, sa feeling ko, close naman kami. Okay naman kami. We’re very okay.”

Bea Binene on rumors she and Tween Hearts co-star Barbie Forteza are not close. “Sobrang nagulat po ako noong mabalitaan ko na hindi raw kami close. Nagulat ako talaga. Hindi ko ine-expect na ganoon talaga... Hindi naman po kami nagkakailanganan. Nag-uusap naman kami kapag nagkikita kami. Hi, hello,” she says.


Pagkatapos ng matagumpay na 87 episodes ng Tween Hearts, sa June 10 ay mapapanood na ang finale episode ng Sunday youth-oriented show ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Maraming sikat na teen stars ang nai-prodyus ng show at maraming pagkakaibigan sa cast.
Pero pagkatapos ng thanksgiving/farewell presscon, nakangiti man pero nasambit ni Bea Binene, isa sa maituturing lead ng Tween Hearts ang katagang, “Nakakaloka, yan ulit?”
Ito ay may kauganayan sa isyung sa lahat daw ng cast ng programa, si Bea ang hindi malapit sa lahat. Partikular na nga sa isa pang lead ng Tween Hearts na si Barbie Forteza.
Sabi naman niya, “Sobrang nagulat po ako noong mabalitaan ko na hindi raw kami close. Nagulat ako talaga. Hindi ko ine-expect na ganoon talaga.
"Kasi ako po, para sa akin, personally, since Dear Friend pa lang kaming magkasama ni Barbie, sobrang okay kami.
“As in, wala namang ilangan. Hindi naman po kami nagkakailanganan. Nag-uusap naman kami kapag nagkikita kami. Hi, hello.”
Hindi lang sila close?
“Ganito po kasi yan, kapag sa Party P, hindi kami nagkakasabay ng rehearsal. Hindi kami magkasama sa dressing room.
"Sa Tween Hearts, hindi rin kami magkasama ng tent. So, hindi kami nagkakausap ng ganoon.
“Pero para sa akin, sa feeling ko, close naman kami. Okay naman kami. We’re very okay.”
Nakakapag-usap, nakakapag-kuwentuhan naman daw sila ni Barbie. Pero hindi nga lang daw sila yung tipong nakakalabas.
“Kasi nga po, we don’t have time. Hindi rin kami masyadong nagkaka-text. Sa taping lang po talaga.”
ON JAKE VARGAS. Bukod kay Barbie, may isyu pa na diumano’y wala raw siyang masyadong ka-close sa cast. Kay Jake Vargas lang ito close, na ka-loveteam niya.
“Ay, hindi ko po alam. Hindi ko po alam kung paano nila nasabi yun.
“Siyempre po, sa taping, kailangan fun siya, masaya. Pero kailangan din naman na maging professional, ‘di ba?
"Kasi po ako, kapag nasa taping ako, nakikipag-kuwentuhan ako, pero minsan ang ginagawa ko lang, nagla-laptop lang ako or nagbabasa ako ng script, o nasa sasakyan lang ako kapag walang tulog.
“Pero kapag nasa taping o nasa set, okay talaga po. Walang ilanganan sa lahat.”
Kung tatanungin siya, kanino talaga siya pinaka-close?
“Kay Jake talaga. Hindi ko naman talaga idi-deny yun.
"Si Jake, magkasama nga po kami since Dear Friend pa, hindi pa ro’n kasama ang mga guestings.
"E, mostly ‘di ba, palagi kaming magkasama sa mga guestings? So, hindi na po kami ilang sa isa’t-isa, at ease na kami sa isa’t-isa.
“Sobrang best friends kami."
Hindi ba niya naka-bonding ang ibang cast?
“Minsan nagkaka-bonding po kami. Si Yassi [Pressman] lumabas kami dati. Dati, lumabas din kami ni Lexi [Fernandez] at saka ni Derrick [Monasterio], yung mga ganoon po.”
THE COMPETITION. Bakot hindi sila naging close in Barbie? Dahil silang dalawa ang magka-kompetisyon?
“Sa akin po kasi, hindi ko po iniisip yung competion. Hindi ko iniisip yung, o, ito ang ka-kumpetensiya mo.
"Ito yung tinatapat sa ‘yo. Sa akin, wala po yun, e. Meron naman po kaming mga sari-sariling mga fans at supporters.
“Iba naman po kami ng atakeng umarte. Para sa akin, we’re different talaga. May kanya-kanya naman kasi.”
Ngayong magtatapos na ang Tween Hearts, naging mabigat din ba sa kalooban niya na kailangan na nilang mag-finale?
“Siyempre po, mabigat; siyempre, malungkot kami. Yun nga po, two years na kaming magkakasama.
"Parang nabuo nga rito yung friendships namin and sobrang nag-bond talaga kami rito.
“Tapos masaya kasi, focused talaga sa buong barkada ang story.
"So, malungkot kasi mag-e-end na ang mga bonding, taping, pero masaya kasi, we’re ending with a smile.”
Sino ang pinakamami-miss niya sa lahat?
“Lahat,” mabilis naman niyang sagot.
“Si Direk Gina [Alajar], yung production at yung story.”
Fourteen years old pa lang si Bea. Kaya alam daw niyang hindi pa puwedeng tuldukan agad ang pagiging tween star niya.
“I’m turning fifteen pa lang this year. So, hindi pa po. Let’s enjoy life.
"Kung ano ang ibigay ng GMA, tatanggapin ko. Pero still, there are limits pa rin.”
ON DIREK GINA ALAJAR. Nang magkaroon naman ng pagkakataon ang director ng show, ang aktres/director na si Ms. Gina Alajar na magbigay ng thanksgiving/farewell speech, maganda ang sinabi nito tungkol kay Bea at Barbie.
Ano ang naging reaksiyon niya ro’n?
“Sobrang flattered po kasi, ngayon ko lang po narinig yun na parang kapag binigay mo kay Barbie at Bea, maaasahan.
"Sobrang nakaka-flatter kasi, si Direk Gina, parang naging nanay na namin, e.
“At oo, kino-compliment po nila kami kapag maganda ang eksena, pero para sabihin po nila na maaasahan every eksena—it’s really flattering and it’s such an honor."
Ang papalit sa kanila sa naturang time slot ay ang pagbibidahan namang show nina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona. Meron bang naging, “Bakit ganun?” na tanong sa isipan niya?
“Hindi naman po. Kasi sa akin, we’re ending the show with a smile nga.
"So, tanggap naman namin na we should end this na talaga. So, para sa kanila, Julie and Elmo, I wish them all the best and I’m so happy and very proud of them. I wish them good luck.”
NEW LOVETEAM? Yung loveteam nila ni Jake, magpapahinga na rin ba?
“Hindi ko pa po alam pero, we’re both in Party P pa rin po. With our loveteam, wala pa naman pong sinasabi.
“Siyempre sa akin, malungkot din. Katulad nga po ng sinabi ko kanina, two years na kami.
"Hindi na kami nagkaka-ilangan sa isa’t-isa ni Jake. So, kung magkakaroon man po ng bagong ka-loveteam, siyempre, kailangan ko pa rin mag-adjust.
"Malungkot, pero tinatanggap ko rin naman po willingly kung anuman ang desisyon ng GMA for us.”
Kung siya ang masusunod, gusto ba niyang sila pa rin ni Jake sa mga susunod na projects?
“Yes of course, he’s a very good person. He’s a very nice guy.
"Hindi po siya mayabang. He’s very gentleman at wala akong maipipintas sa kanya.
"And I’m very happy and very proud na siya ang ka-loveteam ko ngayon.”
Ang Luna Blanca ang susunod na serye ni Bea ngayong magtatapos na rin ang Alice Bungisngis sa panghapong programa. Kasama pa rin niya rito si Barbie sa second generation ng primetime series.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN