Dingdong Dantes on Marian Rivera’s sexy magazine cover: "Alam ko naman na basta siya yung subject, kahit sa pag-pose niya, magagawa niya tastefully yun."

Dingdong Dantes (in photo) taped his last scene for My Beloved before leaving for America where he will attend Philippine Independence celebrations. He and Marian Rivera plan to meet up in Canada for work and to take a short vacation.


Ang tungkol sa bagong sexy pictorial ni Marian Rivera na lalabas sa Rogue Magazine ang unang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Dingdong Dantes sa taping ng My Beloved.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ang wedding scene ang huling ginawa ni Dingdong noong Biyernes, June 1, sa Sta. Ana Church bago ito umalis nuong Sabado, papuntang New York para sa selebrasyon ng Philippine Independence Day doon.
Sabi naman ni Dingdong, “Alam ko naman na basta siya yung subject, kahit sa pag-pose niya, magagawa niya tastefully yun. Kumbaga, may tiwala ako sa kanya.”
Kaya ba siya pumayag na mag-pose, kung sakali, si Marian sa FHM?
“Ah, magpu-pose raw ba siya sa FHM?” ang tila nagulat naman niyang sabi.
“Gusto ko siyang manalo [sa FHM 100 Sexiest Women], pero, iba yung magpu-pose,” natatawa niyang sabi.
Pero pinaalala namin sa kanya na may sinabi siya sa online chat nila na okay sa kanya na mag-pose si Marian sa FHM.
“Ah, yeah, okay…okay sa akin. Basta ako ang magpi-pictorial,” natatawa niyang sabi.
“Joke lang, joke lang,” bawi niya rin sinabi.
THE END. Naikuwento na sa amin ang ending ng My Beloved. Masaya ba siya sa magiging katapusan nito?
“Alam niyo, ang daming nangyayari na ikinagugulat namin dahil ganoon siya ka-unpredictable.
"Kung anuman yung magiging ending is a result ng lahat ng pinagdadaanan ng mga characters. So, kailangan talaga mag-end ng ganoon.
“Baka kasi sa umpisa, light. So, ine-expect nilang kailangan palaging sweety-sweety. Pero, drama pa rin siya na nagiging heavy minsan.
"Mas mahirap ang mga conflict. So, hindi all the time masaya. Parang ganoon.”
Malulungkot na naman ang fans ng loveteam nila ni Marian dahil matagal na naman bago sila mapanood muli na magkasama.
“At least, it’s something to look forward in the future," ang sabi ni Dingdong.
OTHER PROJECTS. Magtatapos na ang My Beloved ngayong Biyernes. Wala raw ideya ang aktor kung may follow-up teleserye na siya.
Pero ang sigurado, kasama siya bilang host ng Protégé. Pagbalik niya galing abroad naman daw niya sisimulan ang shooting ng pelikula niya sa Star Cinema.
Pero sa October, kuwento nga ni Dingdong, ipapalabas na ang Tiktik: Aswang Chronicles na ang GMA Films ang magri-release.
Sabi naman ni Dingdong, “I’m hoping nga na yung Indak will be shown first. Sabi kasi sa August, pero, I’m not sure about that.
"GMA Films ang makakasagot no’n dahil GMA Films din ang magri-release.”
Ano pa ang mga future projects ng Agostodos Pictures na kunsaan siya, ang may-ari o producer?
“Siyempre, bukod sa Segunda Mano, ang pag-produce ng Tiktik: Aswang Chronicles.”
NO PLANS TO GO SOLO. Wala ba siyang plano na solong magpo-prodyus ng pelikula?
“Mahirap na ngayong mag-solo. Mas maganda talaga na collaboration
"Kumbaga, nasa bagong panahon na tayo na. Mas maganda na mas marami kang kakampi. Marami kang partners."
Tinanong namin si Dingdong kung ano pa ang gustong gawin ng Agostodos?
“Ako, I would like to do something for Marian. Kahit wala ako, kahit for Marian lang.

"Siguro, kung meron ng magandang materyal."
Noong nakaraang Huwebes naman, May 31, nabalita naman na nasa Camp Crame si Dingdong dahil siya ang dineklarang Youth Champion ni Secretary Jess Robredo ng Department of Interior and Local Government.
Ayon kay Dingdong, “Ni-launch namin ang partnership namin with DILG.
"So, officially, parang binigyan kami ng seal, na certified ang Yes Pinoy Foundation to conduct yung mga disaster preparedness seminars.”
DONGYAN. Naikuwento rin ni Dingdong na ang Dongyan din ay nagiging bahagi ng mga projects ng Yes Pinoy.
Sabi ni Dingdong, “Noong Thursday last week, nagpunta sila sa opisina namin. Nag-turn-over sila ng [pera].
"Apat na taon na sila, e. Parang kasing tagal din ng samahan namin [ni Marian].
"Every anniversary nila, nagse-celebrate sila, nagpa-party. Gumagastos talaga. Kumukuha ng funding abroad. Nagko-contribute ang mga members.
“Pero this year, parang sabi nila, magko-contribute na lang sila.”
Ayaw lang daw ipaalam ng mga fans kung magkano ang nai-donate nila.
“Ayaw nilang ipaalam, e. Kasi, ang ginagawa namin, kapag may nagdu-donate, pino-post namin sa website.
"May listing kami palagi. Pero in this case, ayaw nilang ipaalam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN