LJ Reyes goes daring in Intoy Syokoy: “First time kong maghubad."

LJ Reyes is all praises for everyone whom she works with in her movie Intoy Sokoy. She thanks her director, Lemuel Lorca, who she says is very understanding. She is thankful to JM de Guzman, her co-star, for being very gentleman as he is: “Kung bastos si JM, hindi ka niya tatakpan. Pero very gentleman [siya] na hindi nagte-take advantage."


Matindi ang ginawang paghahanda ng StarStruck alumna na si LJ Reyes para sa role niyang Doray sa pelikulang Intoy Syokoy, isa sa official entries sa Cinemalaya ngayong taon.

Ito na raw ang pinaka-mature at challenging role na ginawa niya sa kanyang buong career.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ opisina ng PPL Entertainment noong isang linggo. Kagagaling lang niya noon sa klase niya sa La Salle-Taft kunsaan tinatapos niya ang double major course niya sa Economics.

Kumusta ba ang buong experience niya sa paggawa ng Intoy Syokoy?

“The whole experience? Masaya. As in, sobrang gandang experience yun for me—acting-wise, yung bond ko with co-actors and the director.”


LOCATION SHOOTING. Hinango ang kuwento ng Intoy Syokoy sa Kalye Marino sa Cavite, kung saan din sila nagsu-shooting.

Doon din nakatira ang sumulat ng kuwento ng pelikula na si Eros Attalia.

Sabi ni LJ, “Tagaroon din siya [Eros] kaya alam rin ng mga tao ang ginagawa naming film.

“Mabait naman siya. Pero siyempre, hindi maiwasan na yung iba, gustong magpa-picture kasi siyempre, minsan lang kaming makita.

“Pero yung tinuluyan naming bahay doon, pinapakain pa kami. Imbes na kami ang magpakain sa kanila.”

Natawa na lang si LJ nang tanungin namin kung wala ba siyang kakaibang karanasan habang nagsu-shooting sa Kalye Marino.

“Meron… may isang eksena kasi do’n na parang maghahanap ako ng customer ko, takot na takot ako no’n.

“Kasi, marami akong naririnig, medyo bastos… kasi hindi na yun sa Kalye Marino. Parang bagsakan ng isda.

“Ang dami kong naririnig kasi hindi namin kilala ang mga tao do’n. Nag-immerse lang kami do’n.

"May camera na, ’Sige, go ka lang LJ.’

“Takot na takot talaga ako.

"Wala namang lumapit kaya thank you Lord. May mga naririnig-rinig ka lang kaya nakakatakot lang.”


EMBRACING THE ROLE. Kung pagbabasehan ang mga Twitter posts ni LJ, masasabing niyakap na niya ang pagkatao ng karakter na ginampanan niya sa movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, e, kasi grabe rin kasi ang karakter ni Doray. Yung character, sobra siyang magmahal," sabi niya.

Ito na talaga ang pinaka-challenging na ginawa niya?

“Oo naman! Grabe!” natatawa niyang sabi.

“Sabi ko nga noong ini-interview nila ko sa parang The Making [of Intoy Syokoy]… sabi nila sa akin, ’Ano ang pinaka-memorable mong moment sa film?

“Ang dami!

"First time kong magkaroon ng customer, dalawang beses pang nai-shoot. ’Tapos, first time kong maghubad.

“Sabi ko, ang daming first time. Kaya sobrang memorable ang film.”

Si LJ bilang si Doray ay isang pokpok sa pelikula.

Lumalabas na rin sa ilang write-ups na may breast exposure siya na talagang ginawa raw niya para sa pelikula.

“Alam n’yo, sobrang embrace na embrace. Tapos na ang eksena, nakalimutan kong wala akong damit!” natatawa niyang kuwento.

“Tinakpan lang ako ni JM [de Guzman] ng unan. Kaya ako, ’Oh my God! Sorry... sorry.’

“E, kasi ang haba ng eksena. Mga four pages yung lines na hindi lang basta one-liner.

“Sabi ko nga sa director namin noong bago ako mag-shoot, ’Kaya ko ba ‘to? Four pages?’

“Tapos maghuhubad pa ’ko. ’Tapos sobrang emotional ng scene.”

May breast exposure nga ba siya sa pelikula?

“Alam n’yo, totoo pala ang sabi nila na kapag kumportable ka sa director mo, ’tapos tiwala ka rin sa mga co-actors mo...

“Kung bastos si JM, hindi ka niya tatakpan. Pero very gentleman [siya] na hindi nagte-take advantage. Pati director namin.

“Kada magpapalit ng set ng camera, binabatuhan nila ako ng damit, ng kumot o whatever.

“’Tapos yung mga tao sa set, kapag nag-a-adjust ng focus, nakatalikod," kuwento niya.


PREPARATION. Kinailangan ba siyang pilitin sa eksenang yun?

“Nag-usap kami ng director. Pinag-uusapan namin kung paano kukunan.

“Sabi niya sa akin, ’Sabihin mo sa akin kung saan ka kumportable, kung ano ang okay sa ‘yo. Kapag hindi mo talaga kaya, okay lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko naman, willing naman ako to take the step. Pero sabi ko, hindi ko pa rin yata kaya na makita nila mismo.

“Kaya kong tanggalin. Pero kung makikita nila mismo ang dede ko, wait lang po!

“Actually, hindi ko na pinanood ang preview. Gusto kong ma-surprise.”


IMPRESSIVE PERFORMANCE. Ang isa sa producer ng Intoy Syokoy ay ang batikang TV host na si Boy Abunda, na noong una’y hindi pa raw pamilyar kay LJ.

Si LJ bilang isang Kapuso star mula umpisa ay napabilib daw ni Boy nang mapanood ang ilang eksena niya sa pelikula.

Sabi ni LJ, “Actually, sinabi niya rin lahat sa akin ’yan. Very honest siya sa akin.

“’Tapos yun, sabi niya, hindi niya nga raw ako kilala noong una, nag-research pa nga raw siya tungkol sa akin.

“’Tapos noong makita nga raw niya ang mga rushes ng scene, sobrang gustung-gusto nga raw niya ako.

“Lalo na raw kapag walang lines, mata lang ang nakikita niya, sobrang ramdam na ramdam daw niya ko.

“At that very moment, parang gusto ko na lang na kainin ako ng lupa.

“Kasi, hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako magri-react.”

Dagdag niya, “Gusto ko rin siyang ma-meet kasi... Boy Abunda yun, kasama na rin ang [pagka]starstruck.

“’Tapos sinabihan pa niya ako ng ganoon, parang gusto ko na lang matunaw noon.”

Sabi pa ni LJ, ibang klase raw producer si Boy dahil very hands-on daw ito.

“Very hands-on siya. Mabusisi siya base sa kuwento sa akin.

“At totoo rin naman, yung last draft ng kuwento, ang ganda naman talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN