Aljur Abrenica on rumored "breakup" with Kylie Padilla: "Ang Islam na relihiyon ay kailangang respetuhin."

Aljur Abrenica on why his rumored relationship with Kylie Padilla has to end: "Yung espesyal na pagtitinginan namin, hanggang doon na lang. Siyempre, may boundary tayo at ang relihiyon na Islam ay dapat na irespeto.”


Bago umalis papuntang New York si Aljur Abrenica noong Sabado ng umaga, June 2, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang young actor.

Naganap ang aming pag-uusap noong Biyernes ng gabi, June 1, sa Baang Coffee Shop sa Tomas Morato, Quezon City.

Sunud-sunod ang out-of-the country shows ni Aljur nitong mga nakaraang buwan para sa GMA Pinoy TV.

Ngayon naman ay kasama siya nina Dingdong Dantes at Rachelle Ann Go sa Philippine Independence Day Celebration sa New York.

Ayon kay Aljur, may dalawang linggo rin siyang mawawala rito sa bansa.

“Three events po kasi. Ang una namin ay sa New York, ‘tapos sa... hindi ko alam kung Carlson o San Francisco ang susunod sa New York.

“Hanggang June 20 ako do’n. Three shows siya, pero may mga promotions kami bago ang show.

“Pupunta kami sa restaurant ng mga Filipino, sa radio station, at sa mga sponsors.”

Halos isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang bumalik si Aljur mula sa show niya sa Los Angeles.

Masaya naman daw si Aljur at nagpapasalamat dahil madalas siyang kuhanin ng GMA Pinoy TV na mag-represent ng network sa ibang bansa.

HIS FIRST. Masuwerte si Aljur dahil hindi lahat ng Kapuso stars ay napipiling ipadala sa GMA Pinoy TV.

Sabi nga niya, “Masaya ako na ako ang pinapadala nila.

“Kumbaga, may tiwala na sila sa akin na kaya kong dalhin yung pangalan nila. Na kaya kong i-promote ang GMA.

"Pero naniniwala ako na kaya iilan lang kami kasi pana-panahon lang ‘yan.

“’Tulad ko noong nagsisimula ako, gustung-gusto kong pumunta ng States, pero it took three years.

“Yung unang punta ko pa ng States, 2009. Hindi ako pinadala.

"Nagkataong tita ko ang nag-ano [nag-organize] ng event sa New York.

“’Tapos nakasabay ko sina Dingdong [Dantes] at Jay-R, pero magkaiba kami ng motorcade.

“Nakita nila na puwede naman pala, nakikilala rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinatawag akong Lito, yung character ko noon sa Dapat Ka Bang Mahalin?.

“After no’n, GMA na ang nagpapadala sa akin. Pero kumbaga, yun ang nag-open, yung sa tita ko.”

NEW SOAP. Posibleng huling out-of-the country trip muna raw ni Aljur itong pag-alis niya ng June this year dahil pagkatapos nito ang paggawa naman muli ng soap opera ang haharapin niya.

Nababalita na ang next soap opera niya sa GMA-7 ay ang Sana Dalawa Ang Puso Ko.

Aniya, “Naririnig-rinig ko na nga po. Pero siyempre, hangga’t hindi pa nagsisimula…

“Pero yes, yun yung sinasabi na gagawin ko.

"Medyo matagal na rin kasi since Amaya na hindi ako nakakapag-soap.

“At nakaka-miss. Nakaka-miss talaga.”

Sina Rhian Ramos at Kris Bernal ang napapabalitang leading ladies niya rito.

“Yes po, yun nga po yung parang sabi na kami yung magkakasama.

“Siyempre, happy ako at the same time, excited to work with Kris again.

“And si Rhian, kakagawa lang namin ng movie, ang My Kontrabida Girl.

“At pareho sila na masaya ako at kumportable akong makatrabaho sila.”

KYLIE PADILLA. Balitang diumano’y break na talaga sila ni Kylie Padilla sa kabila ng hindi naman talaga sila umamin na naging sila.

Sabi ni Aljur nang kumustahin namin ang lagay ng puso niya, “Ang puso ko? Okay naman, masaya.”

In love ba siya ngayon?

"Hindi ako in love, pero excited ako lalo na sa mga puwedeng mangyari sa akin, lalo na sa soap.”

Sabi rin niya, “Wala po akong lovelife ngayon. Single po. Pero, open naman.

“Kung dumating man, hindi ko siya pipigilan.”

Kumusta na ba sila ni Kylie ngayon?

“Basta ako, masaya ako sa relasyon namin ni Kylie.

"Kumbaga, kahit ganoon, may pinagsamahan naman kami.

“Naging masaya ko sa mga panahon na nakakasama ko siya. At saka, hindi naman ako nagbago. Hindi naman ako nagbago sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aminado naman ako na yung pagmamahal ko sa kanya, hindi naman magbabago yun.

“At kumbaga, ang gusto ko rin sabihin, ang Islam na relihiyon ay kailangang respetuhin. At nirerespeto ko yun.

“Bawal sa kanila ang magkaroon ng relasyon.”

Pero ngayon, wala na talaga silang komunikasyon?

“May komunikasyon pa kami. Nagkakamustahan pa kami. Kinakamusta ko siya.

“Hindi naman matatanggal sa amin yun.

"Pero yung pagkikita nga, hindi na, kasi kadalasan nasa malayo ako. ‘Tapos nagtatrabaho siya.

“Kami naman ni Kylie, magkaibigan. Hindi naman siguro mawawala yun.

“Pero yung espesyal na pagtitinginan namin, hanggang doon na lang.

“Siyempre, may boundary tayo at ang relihiyon na Islam ay dapat na irespeto.”

May mga dine-date naman siya ngayon?

“Wala po. Yun ang totoo.

"Sa ngayon, mas madalas na ang nakakasama ko, mga kapatid ko.

“Yung bonding naming magkakapatid, parang bumalik kami sa pagkabata.

“Noong hindi pa ako artista, kung gaano kami ka-close noon, Na-miss ko yun.

“Matagal kaming hindi nagkakasama dahil nga sa mga soap. Na-miss ko yung bonding na yun.

“At masasabi kong yun ang isa sa mga hindi ko mababayaran na mga moments kasama ang mga kapatid ko ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN