Michael de Mesa reveals son Geoff Eigenmann is one of the reasons he signed up with GMA-7

Michael de Mesa has just signed an exlusive two-year contract with GMA-7 where he will be acting in four soaps and do some directorial jobs. On the new contract, Michael says: “Maganda yung offer nila, ’tsaka yung first soap nga, sinabi na magkasama kami ni Geoff, so iyon na-excite talaga ako doon."


Hindi raw maaapektuhan ang taping ni Michael de Mesa para sa afternoon soap ng GMA-7 na Kasalanan Bang Ibigin Ka? ng primetime series niya sa TV5 na Valiente.

“Tapos na akong mag-taping ng Valiente,” banggit ng mahusay na aktor nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Totoo bang magkakaroon ng Book 2 ang Valiente?

“Ewan ko nga, e, naririnig ko nga, e. Pero alam ko nag-extend sila ng konti, hindi ko alam kung ano’ng mangyayari.”

Paano kapag mag-overlap ang dalawang shows niya?

“E, iyon nga, ewan ko, wala pa naman silang sinasabi.

“Sabagay, afternoon naman yung isa, primetime yung isa. Pero wala pang official kung anuman, e.”

Nakausap ng PEP si Michael sa presscon ng Kasalanan Bang Ibigin Ka? last week.

OFFER FROM GMA-7. Ano ang kinunsidera niya sa pagtanggap ng offer ng GMA-7 para sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?.

Dahil ba kasama niya for the first time sa isang drama series ang anak niyang si Geoff Eigenmann?

“Well, kasama iyon, kasama si Geoff. At pumayag sila na bumalik ako sa States after every teleserye kasi andun yung wife ko, e.

“Yung daughter namin, nandun din, so kailangan kong bumalik talaga,” sagot ng aktor.

CERTIFIED KAPUSO. Sa pagpirma niya ng kontrata para sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?, certified Kapuso na ngayon si Michael.

“I have a two-year exclusive contract sa GMA for four soaps.”

Sa TV5 ay sa Valiente lang daw siya may kontrata.

“Nag-expire yung contract ko with them nung March, pero nag-taping pa rin ako until May, so tapos na, finish na talaga,” sabi ni Michael.

Paano siya napapayag na pumirma ng two-year exclusive contract sa GMA-7?

“Maganda yung offer nila, ’tsaka yung first soap nga, sinabi na magkasama kami ni Geoff, so iyon, na-excite talaga ako doon.

“Hindi ko pa alam kung ano yung show na ibibigay, basta ang sinabi magkasama kami ni Geoff.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kontrata ba niya ay sa acting lang o may directing jobs din?

“Acting pero I’ll be doing some directorial jobs too, meron din.”

Bukod daw iyon sa pinirmahan niyang kontrata.

“Suwerte nga, e, blessed, blessed... sobrang blessed.”

ALL IN THE FAMILY. Interestingly, nasa GMA-7 din ngayon ang mga kapatid ni Michael na sina Mark Gil at Cherie Gil.

Si Mark ay mapapanood sa bagong primetime series na Makapiling Kang Muli, samantalang si Cherie naman ay nakasama sa katatapos lang na Legacy.

Bukod kay Geoff, ang panganay na anak ni Michael na si Ryan Eigenmann ay huli ring napanood sa Kapuso primetime series na Biritera.

Maging ang ex-wife ng aktor na si Gina Alajar ay identified din sa GMA-7; bilang aktres sa afternoon soap na Hiram Na Puso at bilang direktor sa magwawakas nang Tween Hearts.

Posible ba silang magsamang tatlo nina Geoff at Gina in one project?

Ani Michael, “You know, I really don’t mind working together.

"The three of us hindi pa, pero kami ni Gina sa Valiente, nagkasama kami.

“Okay lang. I mean, okay lang, trabaho lang... trabaho lang.”

Hindi raw magseselos ang misis niya ngayon sa former wife niyang si Gina.

“Well, siyempre respect na lang at saka past ko na yun, e.

“So I’d rather concentrate on where I am right now at saka yung ano ko sa future, di ba?

"Past is past so finished na yun,” sabi ng aktor.

Kumusta naman ang unang eksena nila ni Geoff sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?.

“Well, ako naman, di ba, I mean experience-wise, I’ve been doing this for the longest time. So with Geoff, I’m very happy.

“Sobrang proud ako sa kanya kasi meron na siyang nararating na level, e, as an actor.

“Hindi na siya naku-conscious sumasabay, wala nang takot…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, open siya, e. Open siya to learn at saka open siya mag-explore sa character niya dito.”

LOVE SCENES. Sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?, pag-aagawan ng mag-amang Michael at Geoff si Jackie Rice.

Mayroong kissing scene dito si Michael with Jackie.

“We just had a slight kissing scene. The scene called for a very… it was a very tender scene.

“The scene called for a very tender kiss, so iyon yung ginawa namin… it was just tender.”

Paano niya inihanda ang sarili niya sa roles nila ni Geoff na mag-amang umibig sa isang babae?

“Well, ako kasi, I attack my role… I put myself in the situation of the character.

“Wala naman akong pagbabasehang sitwasyon na nangyari sa buhay ko na ganun, so I just need to…

“Palawakin lang ang aking senses for certain emotions na hinihingi ng eksena," saad niya.

NO COMMENT. Kinumusta naman ng PEP kay Michael ang pamangkin niyang si Andi Eigenmann, anak ng kapatid niyang si Mark.

“She’s good! I saw her nung birthday nung anak ni Maxine [Eigenmann], okay naman," banggit ng aktor.

Ano ang reaksiyon niya sa isyu sa pagitan ni Andie at ngd ati nitong nobyo na si Albie Casiño?

“I really don’t wanna comment on that.

"Basta whatever Andie decides to do, we’ll just be behind her to support her," matipid niyang tugon.

Bilang tiyuhin ni Andi, galit ba siya kay Albie?

“I’ve never met him, I don’t know him.

“I’ve never met him so wala akong masasabi tungkol sa kanya kasi hindi ko siya kilala, e.

“All I know is just the things I hear about him so I’d rather not comment.”

GEOFF’S MARRIAGE PLANS. Samantala, ang anak naman ni Michael na si Geoff aymay kasintahan ngayon—ang young actress na si Carla Abellana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What if biglang magpaalam si Geoff na pakakasalan na nito si Carla?

“Payag ako!" bulalas ni Michael.

"I like Carla, I like Carla for Geoff.

“Ang advise ko lang naman kay Geoff, e, for him to be sure na dapat ready’ng-ready siya talaga.

“Siyempre financially, di ba, mentally and spiritually, he has to be ready.

“Na dapat walang iota of a doubt. Kasi kung meron, huwag muna, baka he needs more time.

“But if he thinks he’s ready, siya lang naman ang makakaalam nun.

“Boto ako kay Carla,” ulit niya.

“She’s very nice, she’s very intelligent, she’s very shy and soft- spoken, but I like her for Geoff.

“I think they’ll have beautiful children.

FATHERLY ADVICE. Kapag may problema ba sa pag-ibig ang mga anak niya, nagsasabi sa kanya ang mga ito?

“Oo minsan, yeah, kasi boys, e.

“Well ako naman, di ba, nakita naman nila yung buhay namin, e.

“Alam naman nila, ako, I’ve always been open, open ako sa kanila, wala akong itinago.

“I mean… yung pagpapakasal ko [ulit], sila yung unang sinabihan ko…

“Nung nagkaroon ako ng bagong girlfriend that time na naghiwalay kami ni Gina, sila rin yung unang sinabihan ko.

“So I’ve always had that open relationship with my boys and I’m very, very proud of them.

“Sobrang maganda yung pagsasama namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN