Ex-beauty queen Jewel May Lobaton denies involvement with Bacolod Congressman Anthony Golez

Former Bb. Pilipinas-Universe Jewel May Lobaton on Senator Koko Pimentel: “Ang importante sa aming dalawa ni Koko, magkaibigan kaming dalawa. Mas naging kaibigan ko siya ngayon kesa before, because we communicate open because of our children”


Dalawang beses nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating beauty queen na si Jewel May Lobaton kaugnay ng .

Una ay sa airport noong Biyernes, June 1, dahil pauwi ito ng Bacolod.

Nag-aalangan ang dating beauty queen na magpa-interview tungkol sa naging paghihiwalay nila ni Senator Koko Pimentel dahil iniisip daw nito ang dalawa nilang anak na nakikita na niyang apektado sa nangyari.

Pero pinili na ring magsalita ni Jewel para linawin ang ilang isyung naglabasan dahil sa kanilang paghihiwalay.

CONG. ANTHONY GOLEZ. Isa na rito ang pagkaka-link niya sa representative ng Bacolod na si Congressman Anthony Golez.

Pahayag ng dating beauty queen, “Gusto ko lang i-clarify na hindi po third party ang reason ng aming separation.

“Kasi bago pa kami nagkakilala ni Congressman Golez, may problema na kami ni Koko.

“It’s been how many years already that we are trying to solve that, and hindi talaga na-solve, so kawawa naman yung isang tao na involved.

“It’s unfair to him na na-drag siya dito sa issue.

“But because it’s also a political season, baka sinakyan po ng ibang pulitiko na may gustong gumamit sa issue na ito.

“Sana po respetuhin nila ang privacy ng matter na ito, because any marital relationship that has any problem is always very private between the two of you lang na mag-asawa ang nagkakaalaman, kung ano talaga ang rason ng inyong problema.

“So third party is never a reason.”

Tinanong ng PEP si Jewel kung nanliligaw ba sa kanya si Congressman Golez, o kung ano talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Sagot niya, “I would like to say that our friendship is good, we are doing programs together.

“We are happy implementing those programs.

“Ang importante para sa akin, kung ano yung nagagawa n’yong dalawa right now.

“I don’t have time for any relationship kasi fresh pa, masakit… ang dami kong obligation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me, relationship will come at the right time, in God’s time, and I will wait for that.”

Magkasama sina Jewel at Congressman Golez sa ilang proyektong ginagawa nila sa Bacolod—gaya ng feeding program, Batang Pinoy, at ang Jam Step Up na pinagkakaabalan nila ngayon.

Kaugnay nito, pinabulaanan na ni Congressman Golez sa isang statement ang pagkakasangkot ng pangalan niya sa hiwalayan nina Jewel at Senator Pimentel.

Sabi ng kongresista, “I categorically deny having anything to do with the breakup of a relationship. We have been implementing different advocacies that are very important to the people of Bacolod, most especially the children and the needy.”

SHARED CUSTODY. Sinabi ni Jewel na mahirap ang pinagdaanan niya dahil may dalawa silang anak ni Senator Koko na kailangan nilang gabayan nang maayos para maipakita nilang buo pa rin ang kanilang pamilya bagamat hiwalay na ang kanilang mga magulang.

Nilinaw rin ng beauty queen na nasa kanya ang dalawa niyang anak na lalake, at hindi raw totoong iniwan niya ito sa senador.

Ayon kay Jewel, “We have shared custody, but most of the time, ang mga anak [namin] ay nasa akin nakatira.

“But because I know that the children also need the father, anytime na gusto ni Koko na hiramin yung mga bata, I willingly give that to him kasi kailangan nya rin mapakita ang pagmamahal niya sa aming dalawang anak.”

Dagdag niya, “Maganda ang aming usapan ni Koko regarding the custody of the children at hindi po ako nagdadamot sa kahit kanino sa side niya para hiramin yung mga bata because we are doing this for the welfare of the children.”

EFFECT ON THEIR CHILDREN. Kaninang umaga, June 4, muling nakausap ng PEP si Jewel.

Nag-aalala raw siya sa kanilang panganay na anak dahil parang nakikita na raw nito ang epekto ng paghihiwalay nila ni Senator Koko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailangan na raw niyang makipag-meeting sa guidance counsellor ng kung saan nag-aaral ang kanilang pitong taong gulang na anak.

Hindi raw ganun kadali ang pinagdaanan nila, kaya ipinagdarasal na lang daw niya na malagpasan nila ito nang maayos at ma-handle nang mabuti ang pagpapalaki sa kanilang dalawang anak.

“I am still weeping at night up to now,” sabi ni Jewel.

“Nadi-depress din ako pero sabi ko, bilang babae, I have to be strong kasi maraming nakatingin sa akin, nakadepende sa akin—most especially yung dalawa naming anak.

“So, hindi ako puwedeng magpatalo, hindi ako puwede na magpadala sa isang problema.

“Kasi lahat po ng mga problema natin may rason. Lahat ng problema ay may katapusan.

“Ang importante sa aming dalawa ni Koko, magkaibigan kaming dalawa.

“Mas naging kaibigan ko siya ngayon kesa before, because we communicate open because of our children”

Sabi pa ni ni Jewel, inaayos na nila ngayon ni Senator Koko ang annulment.

Pero hindi naman niya itinatanggi na nandiyan pa rin ang pagmamahal niya sa senador bilang asawa niya at ama ng kanilang dalawang anak.

“Pagmamahal kasi asawa ko siya, andiyan parati ‘yan because if I want to be bitter, I could have been bitter sa mga nangyayari.

“Kaya lang, asawa ko siya; tatay siya ng mga anak ko.

“I endured twelve years. Kung twelve years ka nandun sa relasyon na yun, na hindi na nagta-try ka na lang na nagwu-work, siguro mahal mo talaga yung taong yun.

“I care for him. ‘Pag may naririnig ako at may nalalaman ako sa pulitika niya na hindi tama, nasasaktan din ako.

“And I try to text him my two cents worth of thoughts para sabihan siya na sana ito yung ginawa.

“Sa tingin ko, hindi mawawala talaga yung pagmamahal.

“Ang importante kasi sa relasyon, may pagmamahal. May respeto, may tiwala sa isa’t isa ang pagmamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa tingin ko, andiyan pa rin.

"Kaya lang, meron talagang incompatibilities, meron talagang siguro chance na hindi magwu-work out ang marriage.

“And we found out na hindi namin kaya ang ganyan na sitwasyon na magkasama sa isang bahay harmoniously,” saad ni Jewel.

Kinoronahang Bb. Pilipinas-Universe si Jewel noong 1998, at naging representative ng Pilipinas sa Miss Universe noon ding taong iyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN