Ogie Alcasid afraid to face Senator Miriam Defensor-Santiago in a pick-up battle

This is Ogie Alcasid’s pick-up line to wife Regine Velasquez: “Songbird ka ba? Bakit? Kasi songwriter ako."


Tuwang-tuwa si Ogie Alcasid dahil sa malaking tagumpay ng premiere ng pinagbibidahan niyang Boy Pick-up The Movie sa ilalim ng GMA Films at Regal Entertainment, na ginanap kagabi, June 3, sa SM Megamall Cinema 9.

Directed by Dominic Zapata, ang pelikulang ito ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa Miyerkuless, June 6.

Malaki ang pasasalamat ni Ogie sa maraming taong pumunta para manood ng premiere. Gayundin sa maraming celebrities na dumating para suportahan ang pelikula; katulad ng pamilya Gutierrez sa pangunguna nina Annabelle Rama, Richard Gutierrez, at ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice.

Namataan din namin doon sina Bianca King, Alden Richards, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Lexi Fernandez, Carla Humphries, Kiray Celis, at Tim Yap.

Kumpleto rin ang cast ng Boy Pick-up na kinabibilangan nina Ogie, Dennis Trillo, Solenn Heussaff, Sam Pinto, Sarah Lahbati, Betong Sumaya, Maey Bautista, Eri Neeman, Moymoy Palaboy, Gwen Zamora, Babaji, Lilia Cuntapay, at Michael V.

WHAT TO EXPECT. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew si Ogie bago siya lumabas at maglakad sa red carpet.

Ayon kay Ogie, first time niyang mapanood kagabi nang buong-buo ang pelikula niya.

“Well, napanood ko na siya noong wala pang music, wala pang dubbing, medyo raw pa.

“Ngayon lang yung buo with effects, the music, the dubbing and lahat-lahat na, with the CBB [closing billboard] and OBB [opening billboard].

“Siyempre excited ako. At saka pinilit ko talagang mapanood.

“Although natutukan ko yung editing, pero ngayong pinagsama-sama na lahat ng elements, hindi ko pa siya nakikita.

“Ngayon lang talaga,” sabi ni Ogie.

Ano ba ang aabangan ng mga tao sa movie?

“Madami, e. Maraming mga eksena na mapapasigaw ka, may eksena na mapapasayaw ka, may eksena na mata-touch ka.

“It’s a really cute movie.

“Alam mo , ahat ng characters had moments like, of course, Dennis Trillo was excellent in this film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Solenn, nakakatawa, ang galing niya. Si Sam, si Diego, Moymoy Palaboy… lahat okay.”

Binibigyang kredito rin ni Ogie ang mga nagawa ng direktor nilang si Dominic Zapata.

“Malaki rin ang pasasalamat ko kay Direk Dominic dahil napalaki niya pa yung vision namin.

“Nagkaroon kami ng intindihan sa mga eksena dahil napakahirap magpatawa ng mga tao—‘yan ang pinakamahirap gawin.

“But dala ng kaming dalawa ay nagkakaintindihan, talagang kahit wala munang uwian, kailangan matapos ito.

“Ang saya, mami-miss namin ang isa’t isa, kaming lahat dito. At saka yung crew namin, salamat sa lahat.”

KISSING SCENES. Kaabang-abang din daw ang kissing scene niya hindi lang sa leading lady niya na si Solenn, kundi pati sa isa pang miyembro ng cast.

“Dalawa pala [ang kissing scene]. Yung isa si Solenn. Yung isa, kailangan n’yong abangan.

“Hindi ko puwedeng sabihin yung isa, e, surprise.

“At saka maaga pa lang, siguro 20 percent pa lang ng film, kissing scene na kaagad.

“’Pag nalaman n’yo na kung sino, sabihin n’yo ulit sa akin dahil magugulat kayo.”

SPECIAL CAMEO APPEARANCES. Malaki rin ang pasasalamat ni Ogie sa mga artistang pumayag na mag-cameo appearance sa movie.

“Yung cameos, yun ang nakakatuwa. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nag-cameo.

“Pasensiya na at hindi ko nabigyan lahat ng tickets dahil alam n’yo itong premiere night na ito, parang concert kasi,yung agawan sa tickets.

“So, nagpapasalamat ako kina Senator Bong Revilla, Derek Ramsay, Boy Abunda, Vicki Belo, at sa lahat ng mga GMA talents na nag-cameo.

“Kasi nakakataba ng puso na sila mismo ang nagkukusa. Salamat talaga sa lahat.”

Kabilang din sa mga nag-cameo sina Dingdong Dantes, Gina Alajar, Luis Alandy, Sef Cadayona, Ian Batherson, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Kevin Santos, Boy2 Quizon, at Chef Boy Logro.

BOY PICK-UP CRAZE. Hindi maitatanggi na marami ang natuwa sa karakter ni Ogie na si Boy Pick-up na nagsimula lang sa Bubble Gang. Kaya nga nagkaroon na ito ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami talaga ang gusto makipag-pick-up-an kay Boy Pick-up na naranasan na rin ng PEP staff sa isang episode ng Bubble Gang.

Ani Ogie, “Kasi ang ganda nung aming online promo sa Twitter at sa Facebook, naging very active sila.

“Ang laking tulong din sa amin sa promo ng film. Kasi makikita mo ang daming excited, ang daming gustong manood.

“Meron mga nagsisisi na wala sila sa premiere. Pero hindi bale, meron pa naman kayong pagkakataon dahil sa June 6 showing na.

“Nagpapasalamat din kami sa PEP, sa lahat ng mga journalist at siyempre sa Regal Entertainment, at sa GMA Films.

“Salamat sa trust na ibinigay n’yo sa amin.

“Ito ay isang proyekto na parang noong una ay paano kaya namin gagawing pelikula ito? Pero they trusted the project and they trusted the material.

“Nagpapasalamat kami dahil hayan na. And we’re praying na magkaroon ng Boy Pick-up 2.”

PICK-UP BATTLE WITH SENATORS. Hindi lang sa telebisyon at pelikula uso ang pick-up lines, maging sa pulitika lalo na sa Senado ay may mga naririnig ding pick-up lines gaya kay Senator Miriam Defensor-Santiago.

Natanong tuloy si Ogie kung willing ba si Boy Pick-up na makipag-pick-up battle kay Senator Miriam?

“Ayoko kay Senator Miriam, natatakot ako, e. Baka ano, sabihin niya, ‘Pick-up line ba ‘yan?’

“Hindi, biro lang iyon. Maganda siya na magkaroon kami ng debate na pagagalitan niya lang ako!” natatawang sabi ni Ogie.

Sino pa ang ibang senador na gusto niyang maka-battle?

“Gusto ko sana si Senator Lito Lapid, di ba? Dahil si Senator Lito Lapid ay talagang mapagkumbaba. Magandang makalaban din iyon.

“Si Senator Bong [Revilla] kasi nakalaban ko na, e.

“Si Senator JPE [Juan Ponce Enrile], yun. Kaya lang si Senator JPE naka-headphone!

“Sino pa ba? Si Senator Jinggoy [Estrada], maganda rin yun. Pero dapat talo ako lagi kasi nakakahiya naman,” biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REGINE’S SUPPORT. Ikinatuwa rin ni Ogie ang pagsama sa kanya ng asawang si Regine Velasquez-Alcasid para manood ng premiere.

“Nandiyan yung asawa ko.

"Excited din siya for me. Excited din ako for me,” ani Ogie.

Natanong ng PEP kay Ogie kung may pick-up line ba si Regine para sa kanya?

“Wala. ‘Umuwi ka na,’ ganun lang.”

Ano naman ang pick-up line niya para kay Regine?

“Songbird ka ba? Bakit? Kasi songwriter ako,” ani Ogie.

Sa sobrang busy at dami ng ginagawa ni Ogie ngayon malaking bagay daw para sa kanya ang ginagawang pag-aalaga ni Regine.

“Malaking tulong sa akin yung wife ko talaga. Yung wife ko lagi akong inaalalayan.

“Malaking bagay yung suporta niya, siyempre meron ding konting paalala, ‘Oy, hindi ikaw si Superman. Kailangan mong magpahinga. Kailangan mong maging asawa ko.’

“Kaya nangangako ako sa asawa ko na ‘etong year na ito, magbabakasyon kami talaga.

“Kami lang tatlo [with Baby Nate]. Wala kaming gagawin kundi magkulitan lang,” saad ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN