Jean Garcia on first teleserye with new Kapuso Agot Isidro: "It’s a healthy competition."

Jean Garcia on her excitement to work with Agot Isidro in a teleserye for the first time: "Mabait din si Agot. Kaibigan din ’yan, e. Kilala ko rin siya. Wala lang, excited lang ako to work with her."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jean Garcia sa taping ng upcoming primetime series ng GMA-7 na One True Love, sa may Tenement sa Taguig, noong Sabado, June 3.

Papel ng isang mahirap na magmamahal sa isang may-asawa nang lalaki (Raymond Bagatsing) ang karakter na ginagampanan ni Jean sa bago nilang serye

Bagamat nagsimula na siyang mag-taping para sa One True Love, nag-taping pa rin si Jean para sa magtatapos nang early primetime series niyang Alice Bungisngis.

“Every day po akong nagte-taping!

“Minsan nga nakakatawa, e, umulan pa, sa Tagaytay—ang dami kong eksena, 30 plus!

“Ang linya ko, ‘Teka muna, hirap na. Teka muna, bakit ko ba ginagawa ito sa sarili ko? Lord, hindi naman po ako nagrereklamo!’” natatawang kuwento niya.

Ngayon lang daw kasi nag-overlap ang taping schedules niya dahil magtatapos pa lang sa Biyernes, June 8, ang Alice Bungisngis. Sa Lunes, June 11, naman ang umpisa ng One True Love.

SHIFTING CHARACTERS. “Mabait na naman ako ulit. Bait-baitan attack,” nakangiting sabi ng aktres na si Jean tungkol sa kanyang karakter sa bagong primetime series ng GMA-7—ang One True Love.


Mula kasi sa pagiging kontrabida sa Alice Bungisngis ay balik na naman siya sa pagiging mabait dito sa One True Love.

“Yes, suwerte ko, yun ang ginagawa nila sa akin,” pagsang-ayon niya.

“Dito naman sa One True Love, mabait pero lumalaban naman. Hindi siya yung usual na bida.

“Kasi mag-aaway kami [ng karakter] ni Agot [Isidro], gaganti ako, e.”

NEW CHALLENGE? Ang dami nang nagawang karakter ni Jean sa mga nagdaan niyang mga teleserye. Anong hamon naman ang dala sa kanya ng role niya bilang si Ellen sa One True Love?

“Challenge? Ano ba? One is, first time namin ni Agot na magkasama.

“’Tapos, excited din ako for Alden [Richards] na kasama ko dati sa Alakdana.

“Mga babies ko ‘yan—si Alden, Louise [delos Reyes], mga bago pa sila noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang first project nila as loveteam ang Alakdana. Nanay ako doon ni Louise.

“So, parang noong nag-uumpisa, nakasama ko naman sila.

"Mabait yung dalawang bata, walang problema.

"Excited ako for both of them,” pagtukoy niya sa dalawa na kasama niya rin ngayon sa bago nilang serye.

ALDEN AND LOUISE. Bilang unang nakasama nang ilunsad ang loveteam nina Louise at Alden noon sa Alakdana, nakitaan na ba niya ng potensiyal ang dalawa?

“Oo naman,” ang mabilis niyang sagot.

"Yun naman ang palagi kong sinasabi sa mga baguhang artista.

“Kailangan kasi, hindi puwedeng mauuna yung laki ng ulo. Dapat iano muna nila yung skills nila, ang pagiging artista nila, ang pag-arte nila.

“Huwag tayong matapos na ’kasi sikat ako, kilala ako, may pangalan na ako.’ Huwag tayong matapos doon.

“Dapat nire-reinvent nila ang mga sarili nila. Yung craft nila, yung skills nila, dapat nagwu-workshop sila.

“Dapat nag-aaral sila.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat nilang gawin, pero dapat ganoon.

“Huwag tayong matapos sa, ‘O, sikat na ’ko. Tinutulungan ako ng GMA. Bumibida na ’ko.’ Huwag tayong matapos do’n.”

Sa anak niyang si Jennica Garcia, yun din ba ang advice niya?

“Oo! Nakikita n’yo naman ang anak ko, ang galing, ha!” pagmamalaki niya sa anak.

Dugtong pa niya na natatawa, “Ang yabang ko, di ba?

"E, kasi, hindi naman sa akin nanggagaling sa akin. Nanggagaling na sa ibang tao yun, ha!”

FIRST WITH AGOT. Masaya si Jean na kasama niya si Agot sa isang teleserye sa unang pagkakataon.

Aniya, “Kasi maski noong nasa kabila ako, sa ABS-CBN, hindi kami nagkasama.

“Kasi noong kasagsagan ng teleserye ko sa ABS, si Agot, singing-singing, hosting-hosting. Hindi siya nagte-teleserye noon.

“Noong lumipat ako sa Seven, doon naman sumabak na si Agot sa teleserye.

“Ngayong nandito kami sa Seven, nabigyan kami ng chance na magkatrabaho kaya natuwa naman ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga inaasahan niya sa pagsasama nila ni Agot?

“Magaling kasing artista si Agot. So, excited ako kasi parang challenging din for you.

"It’s a healthy competition.

“At saka, mabait din si Agot. Kaibigan din ’yan, e.

"Kilala ko rin siya. Wala lang... excited lang ako to work with her.

“Actually, first time sa teleserye, pero nakagawa kami ng movie together. Maliit lang ang role namin, yung Darling Kong Aswang ni Vic Sotto.

“Pero siguro mga dalawa o tatlong eksena lang yata kami.

"Pero dito, there’s a lot of confrontation [scenes]," banggit ni Jean.

RAYMOND BAGATSING. Dagdag ng aktres, “At saka dito, ang maganda, even si Raymond Bagatsing, walang love triangle.

“Si Raymond kasi dito, heartless. Wala siyang minahal na babae.

"So, parang asawa niya si Agot dahil mayaman, kilala ang family ’tapos hindi sila magkaanak.

“Ako, binuntis niya lang ako. Kumbaga, inanakan niya lang ako.

“Pero ako, minahal ko siya and even si Agot, mahal siya.

"Pero si Raymond, heartless. Doon lang siya nagmamahal sa anak niya.”

Ikalawang pagkakataon naman na nila ni Raymond na magsasama sa teleserye at magkakatambal.

Una ay sa Time of My Life, kaya natawa si Jean nang biruin naming loveteam na pala sila ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN