Part 1. Ogie Alcasid closes door on politics; says not even PNoy can convince him to run

Ogie Alcasid says even President Noynoy Aquino won’t be able to convince him to enter politics: “Kahit pa siya.‘Tsaka malaki ang makakalaban niya, ang asawa ko. Ayaw ng misis ko, e. Siguro alam mo, alam ng asawa ko na ang ibinigay sa aking kakayahan, e, sa entertainment, hindi sa politics."


Hindi naman daw nalilito si Ogie Alcasid sa dual role niya bilang lalaki at babae sa bago niyang serye sa GMA-7 na My Daddy Dearest na ipapalabas na siimula sa Lunes, June 11.

“Ano naman ‘yan, e, oras na suot mo na yung costume alam mo na yung… although minsan, ha, meron akong… like tinatanong ko kay Direk," pagtukoy niya sa direktor nilang si Don Michael Perez.

“’Direk, ano ba ako dito? Nagiging bakla na ba ako o babae na ba ako o ano?’

“So, iyon, hinihintay ko lang yung instructions kay Direk kung ano.

“Like, di ba, kung napanood ninyo yung trailer, may lalaki ako may babae? So tinatanong ko lang.

“Hindi naman ako nalilito,” pahayag ni Ogie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Daddy Dearest kagabi, June 4, sa Studio 7 ng GMA TV Complex.

KING OF DRAMEDY. During the presscon, binansagan ng director ng My Daddy Dearest na si Don Michael Perez si Ogie bilang “King of Dramedy."

Ano ang naging reaksiyon dito ni Ogie?

“Ha? Wow! Sobra namang pressure yun,” sambit niya.

First time daw narinig iyon ni Ogie.

“Nakakataba ng puso. But you know what? Talagang nag-e-enjoy ako sa pag-arte ngayon.

“Lalo na ang dami kong projects na puro acting ang ginagawa ko like sa films and then dito sa TV.

“I think malaking bagay yung ginawa ko yung Daldalita dahil medyo kakaiba siya sa mga nagawa ko na noon.

Daldalita was actually more drama than comedy.

“Ang nagko-comedy lang doon si Rufa Mae [Quinto], e. Halos lahat kami seryoso.

“Nagpapasalamat ako sa GMA, kay Ma’am Lilybeth [Rasonable] na binigyan niya ako ng pagkakataon.

“Dito may drama, pero mas lamang ang comedy, mas dramatic.

“Namatay nga yung asawa ko and then meron akong problema sa anak ko, e.

“Kasi hindi nga ako magaling na tatay, e, so may struggle. But I enjoy it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bibitawan na ba ni Ogie ang titulong "Songwriter" dahil sa bansag sa kanyang "King of Dramedy"?

“Hindi naman, kaya lang, alam mo, hindi mo puwedeng pagsabay-sabayin lahat ‘yan.

“So, kailangang for a time, meron kang priority.

"So ngayon… sa ngayon, talagang TV and film ang priority ko. Iyon talaga.”

DADDY OGIE. Sa tunay na buhay, anong klaseng daddy si Ogie?

“Ano ako, e, spoiler ako, e. Hindi ako makahindi sa mga anak ko, e,” sabi niya.

Istriktong ama ba siya?

“Ano ako, e, mas istrikto yung asawa ko.

"At doon naman sa dalawa kong anak siyempre, dahil bihira akong makita, alangan namang pagalitan ko pa yun lagi ’pag nagkikita kami, di ba?” pagtukoy niya sa dalawang anak niya sa unang asawang si Michelle Van Eimeren—sina Leila at Sarah.

“Siyempre ’pag nakikita kong mali, sinusuway ko ng konti. Pero mas lamang yung ini-spoil ko sila.”

POLITICAL CAREER? Election na next year, tatakbo ba si Ogie?

“No way! No, no, no, no,” mariin niyang pagtanggi.

“Mas masaya dito sa showbiz. Tutal nakakatulong naman ako sa ginagawa ko, e. Okay na ito.”

Bakit ayaw niya?

“Magulo yun, e. ‘Tsaka hindi ako marunong, hindi ako marunong magpatakbo ng gobyerno.

“Feeling ko hindi ako magiging masaya doon. Feeling ko hindi.”

Kahit si Pangulong Noynoy Aquino pa ang kumumbinsi sa kanya?

“Kahit pa siya. ‘Tsaka malaki ang makakalaban niya, ang asawa ko!” at tumawa si Ogie.

“Ayaw ng misis ko, e.

"Siguro alam mo, alam ng asawa ko na ang ibinigay sa aking kakayahan, e, sa entertainment, hindi sa politics.

“’Tsaka ang politics, kina-career mo ‘yan, e. E, 45 years old na ako.

“Mag-i-start pa ako sa pagiging konsehal and then before I build my [political] career, ang hirap. Mahirap.”

Ano ang opinyon niya sa ibang artistang pumapasok sa pulitika?

“Sila, feeling nila, talagang bagay sila doon. Ako hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko naman sinasabing ang artista hindi puwedeng magpulitika. In fact, dapat pa nga, e.

"Pero ako mismo, personally, hindi ako karapat-dapat sa pulitika.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN