Part 2. Jon Santos on debate about same-sex marriage in the Philippines: "I love the dialogue that is going on. Pero napakahirap magbigay ng opinyon not being an expert.”

Jon Santos says his partner, Samuel West Stewart, is "100-percent" Vilmanian like him: "Ay, kung hindi Vilmanian, sorry! Kaya ko siya sinagot."


"Growing stronger" daw ang relationship ni Jon Santos sa kanyang Italian-American husband na si Samuel West Stewart, isang waste recycling management expert na nagtatrabahong consultant sa isang malaking kumpanya dito sa Pilipinas.

Ikinasal sila noong August 24, 2005 sa Toronto, Canada kung saan legal ang same-sex marriage.

“Seven years na kami sa August and growing stronger. Totoo ba yung seven-year itch?” tanong ni Jon nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

Ano ang feeling niya tungkol sa sinasabing seven-year itch sa mga mag-asawa?

“Wala. Siguro kasi nagkakilala kami, matanda na kami, 40 ako ’tapos 50 siya.

"Di ba, ’pag may na-meet ka na oldie na kayo, hindi na kayo masyadong naghuhulaan?

"Dalawa lang naman iyan, e—yung isa give nang give, yung isa take nang take.

"So, yun sa amin, give and take.”

Feeling niya ba natagpuan na niya ang perfect relationship?

“Oo, and as usual, si Tessie Tomas [best friend at idol niya] na naman ang may kinalaman, ’tulad ng lahat ng mga naging bahagi ng buhay ko.

"Na-meet ko siya sa bahay ni Tessie kasi common friend namin siya.”

Ano ang mga nagustuhan niya kay West?

Ayon kay Jon, “Maunawain at saka alam niya yung trabaho ko. Hindi siya naba-bother sa hanapbuhay ko.

"At saka walang isyu na naka-bestida ako sa hanapbuhay ko.

"I make sure naman na nakahiwalay din ang trabaho sa totoong buhay ko.

"Noon pa sumasama na siya sa shows kaya hindi na big deal sa kanya ’pag naka-costume ako.

"Behind the scenes, nakakapanood siya, as part of the audience nakakapanood siya, so no big deal na sa kanya.

"So, parang feeling ko, kung sinuman yung mga sumasapi sa aking characters, ang pinakagusto pa rin niya yung orig, yung ako as Jon Santos.

WEST’S FAVORITES. Kung sinasabi ni Jon na si Vilma Santos ang eternal favorite niyang ini-impersonate, sino namang character ang paborito ni West?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya, ang paborito niya si Korina [Sanchez], si Koring. Kasi project niya yun, e.

"Sumusubaybay siya noong 2010 elections at saka yung kasal nina Mar [Roxas] at Korina.

"Part siya nung team na nag-invest at nag-isip na gawing comedy series yung istorya ni Korina.

"Gusto niya rin si Mommy Dionisia.”

Vilmanian din daw si West.

“One-hundred-percent Vilmanian siya.

"Ay, kung hindi Vilmanian, sorry! Kaya ko siya sinagot.

"Nakilala na rin niya si Vilma.”

SAME-SEX MARRIAGE. Bilang pinagdaanan din nila ni Samuel ang same-sex marriage, natanong ng PEP si Jon kung ano ang komento niya sa muling pag-init ng isyung ito kung posible bang payagan ito sa Pilipinas?

“I’m aware na mga eksperto ang dapat magtalo riyan, kasi yung mga lawmakers, sila yung may alam. Kung ano ba talaga yung kinakailangang unahin sa ibang batas.

"Kasi naman, baka naman may mga karapatang idine-deny sa ibang bansa, na hindi naman denied dito.

“Alam n’yo, may mga bansang hindi ka pwede sa ICU [intensive care unit] kung hindi ka considered na kapamilya. E, dito puwede naman yata, e.

"May mga bansa na napakalaki ng isyu na hindi ka connected by a contract para patuluyin ka sa isang emergency room sa mga huling sandali ng partner mo. Sa kanila, mahalaga yun.

"It is something that is already there in countries where a certain right is not available for everybody. Kaya doon, isyu yun.

“I think dito, where families are extended, hanggang sa huling sandali mo napapaligiran ka ng three generations of loved ones.

"Yung isyung iyon, halimbawa, is probably not important. Naiintindihan ko iyon.

"Kumbaga ako, parang I love the dialogue that is going on. Pero napakahirap magbigay ng opinyon not being an expert.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN