Jolina Magdangal on replacing Roxanne Guinoo in My Daddy Dearest: “Kahit ilan pa ang napagpilian siguro... ang mahalaga doon, sino ang natuloy.”

Jolina Magdangal says she doesn’t mind being second choice for her mother role in My Daddy Dearest which was originally intended for Roxanne Ginoo. She says: “Kasi kapag ganoon, ang nega, di ba? Ang nega kung mag-iisip ka pa ng ganoon-ganyan."


Si Jolina Magdangal ang pumalit sa role sana ni Roxanne Guinoo bilang asawa ni Ogie Alcasid sa bagong early primetime series ng GMA-7, ang My Daddy Dearest.

Sabi ni Jolina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong press conference ng show nila last June 4, napakabilis ng naging pangyayari.

“Yes! Wednesday ang call… taping, Friday.

“So, pinilit ko talagang mahingi ang script, yung character description para maano [mabasa] ko na.

“Kasi, kapag gumagawa talaga ako ng project, talagang pinaghahandaan ko.

“Ito nga, nagulat ako. First time ko siyang magawa.

“Although, hindi naman ako ganoong nahirapan kasi kilala ko naman na si Ogie so... Party P, Pinoy Idol.

“’Tapos, SOP pa. Kaya lang, first time namin na may acting," saad niya.

SECOND CHOICE. Nakapag-taping na si Roxanne para sa My Daddy Dearest at ito sana ang magsisilbing comeback vehicle niya at unang proyekto sa GMA-7.

Pero muling nabuntis si Roxanne at nagdesisyon siyang mag-backout na lang sa show para hindi makasagabal sa taping dahil sa kanyang maselang kalagayan.

At si Jolina nga ang napili ng Kapuso network na pumalit sa kanya.

Tinanong ng PEP Jolina kung wala bang kaso sa kanya na second choice siya sa role na ginagampanan niya.

“Wala… kasi bakit naman magkaka-kaso, kasi okay lang.

“Alam mo, in fairness, hindi ko na naisip yun kasi, e, okay lang. Okay lang talaga.

“Kasi kapag ganoon, ang nega, di ba? Ang nega kung mag-iisip ka pa ng ganoon-ganyan. Ang mahalaga, ako ang natuloy.

“Kahit ilan pa ang napagpilian siguro o kahit na ano, ang mahalaga doon, sino ang natuloy, di ba?”

Ang totoo raw, noon pa ay may narinig na siyang dapat talaga ay kasama siya sa My Daddy Dearest pero ibang role.

Hindi lang daw niya alam ano ang unang role na ini-offer yata sa kanya.

“Hindi ko lang din sure. Tanong na lang natin kay Mother, kay Perry [Lansigan, Jolina’s manager].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, si Perry, hindi niya ako kinakausap hangga’t hindi talaga sure na sure.

“So, narinig ko ulit. Akala ko nga, nagtuluy-tuloy na."

Kuwento pa niya, “Ang director nito ay director namin sa Personalan. Kaya nag-leave nga sa amin si Direk Don [Michael Perez].

“Babalik na lang siya kapag tapos na ang ginagawa niya. ’Tapos nagsu-shoot na pala sila.

“Then, may isang week na biglang nag-taping siya sa amin. Nagkaproblema yata sa ibang cast ng mga bata.

“Hanggang sa tumawag na nga sa akin si Perry. Pagkita namin ulit sa Personalan, sinabi niya na, ‘Meant to be ka sa show na ito.’ Kaya yun…”

PERIOD OF ADJUSTMENT. Hindi ba siya nahirapang mag-adjust na in real life ay sanay ang tao na nakikita sila ni Ogie na “kuya-kuyahan” nito, pero dito sa My Daddy Dearest ay biglang mag-asawa ang roles nila?

Natawa si Jolina sabay sabing, “Ano nga, e, noong una, inaamin ko naman na naiilang ako noong una. Unang eksena.

"Pero alam n’yo, after noon, hindi na.

“Kasi kailangan mo, trabaho ‘to, e. Yun ang role naming artista.

“At saka sa bahay, prinaktis [practiced] namin nang bongga dahil pumipikit talaga ako.

“Ini-imagine ko na siya ang kaeksena ko.

"Pero iba siyempre kapag una niyong eksena, di ba?

“Yun ang medyo nakakaano pa. Pero hindi ako nahirapan.”

OGIE’S CHOICE. Ano ang sinabi sa kanya ni Ogie noong siya na ang makakapareha nito?

“Wednesday ako tinawagan. Wednesday ng madaling-araw, siguro mga one o’clock ng madaling-araw.

“Pero noong Tuesday, nag-taping pa ako ng Personalan nang buong araw.

“Pero noong Sunday pa lang, sabi sa akin ni Ogie, ‘Jolens, may tatawag sa ‘yo, ha?’

“Sabi ko, ‘Ha?’”

May kinalaman ba si Ogie sa magiging leading lady ng show o si Ogie ba mismo ang namili sa kanya?

“Nag-text ako sa kanya. Nag-thank you ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, kahit sino naman na cast at makaka-partner. So, I’m sure, na-present sa kanya at may approval niya.

“So, nag-thank you talaga ako kay Ogie. Hindi ko akalain, e.

"‘Tapos sabi ko, ‘Sobra akong na-excite. Gagalingan ko.’

“Sabi ko, ‘Excited ako dahil gustung-gusto ko talaga na kapag gumagawa ako ng project, may natutunan din ako…’

“And ito, alam ko na kahit na hindi man yung acting, yung in life, yung lesson in life, meron akong matututunan.

“Kasi, nakaka-small group ko siya [Ogie], e.”

PLAYING TWINS. Si Jolina ay kambal sa My Daddy Dearest—si Rose at si Camilla.

Mommy siya ni Milkah Nacion. Sila rin ang magkasama noon sa Iglot na unang teleserye ni Milkah.

Ikinasal si Jolina sa musician na si Mark Escueta noong isang taon, sa pagiging mommy niya sa role, senyales na kaya yun na sa totoong buhay, yun na rin ang dapat niyang gawin?

“Naku, hindi ko alam kung yun na nga yun. Ayokong isipin.

“Kasi kapag lalo mo raw, ginugusto at saka iniisip, lalo siyang hindi natutuloy.

“Ngayon, masaya ako at masaya kami na nagha-house hunting kami.

“Meron na rin kaming nakikita, pero biglang nag-decide kami noong ilang weeks pa lang na, ’Sige, magtingin pa tayo ng iba para ibang lugar at may ibang basehan.’”

MARRIED LIFE. Ngayong kasal na siya at hindi na niya kasama ang daddy at mommy niya, naging matagal ba ang adjustment period?

“Siguro medyo. Pero hindi naman ganoon katagal kasi five months pa lang naman kami and okay naman ako.

“Siguro ano lang, biglang talagang naiba lang. Pati bahay, e. Lumipat ako sa kanila.

“Ang kaibahan lang siyempre, paggising mo sa umaga, may katabi ka na.

“Hindi lang aso, di ba?” natatawa niyang sabi.

Dugtong ni Jolina, “May inaasikaso ako, na inaasikaso rin ako, na hindi ko ine-expect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay lang sa akin na ako ang nag-aasikaso, e. ‘Tapos yun nga, kapag may sakit ka, may mag-aalaga sa ‘yo.

“Paggising mo, alam mo anytime puwede kayong magkuwentuhan ng heartaches o frustration.

“‘Tapos happy moments… ganoon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN