Ara Mina says she has forgiven sister Cristine Reyes, but still demands public apology from her

Ara Mina (right) on filing cases against sister Cristine Reyes (left): “Pinag-isipan ko ng maraming beses bago ko ‘to gawin. Lahat naman ng tao nauubos ang pasensiya. Hindi naman lahat kukunsintihin. Kasi sa ginawa sa akin, naisip ko tuloy na all these years, pinaplastik lang pala niya ako. Na nagpi-pretend siya na mahal niya ako, yun pala, hindi. Kasi nilabas niya lahat dun, e, ang sama ng loob niya.”


Magmula nang magsampa si Ara Mina ng mga kasong libel at grave coercion laban sa kapatid niyang si Cristine Reyes, hindi pa rin pala sila nagkita o nagkausap man lang.

Ayon kay Ara, nakakatanggap lang daw siya ng text messages mula sa kapatid, pero hindi naman niya ito sinasagot.

Dapat ay magkikita na sila sa preliminary hearing ng mga kasong isinampa niya sa tanggapan ni Assistant City Prosecutor Gibson Araula Jr. ng Quezon City Prosecutor’s Office kahapon, June 5, pero ang abugado lang ni Cristine ang sumipot.

Sabi ni Ara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-counter affidavit siya.

“Hindi siya sumipot sa schedule talaga namin, pumunta siya sa ibang araw. Nandito ako ngayon para sagutin yun.

“Hindi siya sisipot, sinabi na niya sa lawyer niya.”

HINDI MAGKATAGPO. Sa June 8 ay kasal ng kapatid nilang si Heidi. Doon sana sila magtatagpo ni Cristine, pero hindi naman makakadalo si Ara.

Aniya, “Talagang hindi kami pinagtatagpo ng Diyos kasi kasal ng sister ko sa June 8, and I’m leaving for Dubai, may show ako.

“Hindi ako maka-attend sa wedding ng sister ko kasi matagal na rin ‘tong naka-book.”

Ang huling text naman daw na natanggap niya mula kay Cristine ay noong birthday ni Ara last May 9.

Saad ni Ara, “Alam naman niya na ano, e… ‘For sure matatanong naman ang ate ko kung binati ko siya sa birthday niya. Kaya ayun, ‘te, happy birthday.’ Yun lang.

“Sa text naman niya, wala naman akong nakikitang sorry. Yung basta matapos lang ‘to.”

HINDI IUURONG ANG KASO. Bagamat nilinaw ni Ara na matagal na niyang pinatawad si Cristine, pursigido pa rin siyang ituloy ang kaso—hindi lang daw para sa kanyang sarili kundi sa kanilang ina na sobrang nasaktan sa nangyari.

“Sabi ko nga, kahit hindi pa siya humihingi ng sorry, pinapatawad ko na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero dapat maramdaman ko na totoo talaga, hindi lang yung for the sake of media o for the sake of ano.

“Magkapatid kami, natural, magkakaayos kami sa huli. Pero hindi ko nakikita sa kanya ang sincerity na hinahanap ko.

“Sana humingi rin siya ng paumanhin sa mga taong idinamay niya.”

Dagdag niyang pahayag, “Dapat ipakita ko sa kanya na ang respeto dapat hindi mawawala. Hindi ko ginamit dito ang pagiging ate ko.

“Hindi lang naman ’to para sa sarili ko, para na rin sa mommy ko dahil naaawa na rin ako sa kanya.

“Hirap ang mommy ko, hirap ang kalooban niya.

“Kasi ipinaglalaban ko, hindi lang para sa akin, kundi para sa kanya, kasi hindi dapat siya ginaganyan.

“Halos gabi-gabi umiiyak ang mommy ko, kasi mabigat talaga sa kanya, dahil ang dalawang anak niya nag-aaway.

“Hindi na nga namin gaano siya pinag-uusapan kasi kapag pinag-uusapan yun, umiiyak na naman siya.”

OPEN FOR RECONCILIATION. Ayon naman sa abugado ni Cristine na si Atty. Heather Annang, “Si Cristine ay open pa rin sa reconcilitation.

“Siyempre, ongoing siya, pero open pa rin na sana makipag-ayos sana siya sa ate niya.”

Nakasaad naman sa reply-affidavit ni Ara:

“All my efforts however served futile as she persistently bickered me for my alleged debt and made true her threats to ruin my reputation. Nevertheless, for the best interest of our family, I am still open to reconcile with the respondent should she heed my very simple request to do a public apology.”

Dagdag pa ng aktres, “I think this is the right way, kasi wala naman siyang pinapakinggan.

“Sinabi ko nga dun sa affidavit ko, ni-request ko, and I will tell the judge na dapat public apology.

“Kasi sinasabi niya na hindi raw libelous ang mga sinasabi niya.

“Siyempre magagaling naman ang mga lawyers ko para hindi nila alam yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sa akin lang, marami kasi siyang idinamay na mga tao.

“Hindi lang naman sa akin siya nag-text, pati sa ibang tao.

“I won’t mention their names na kasi mga pribado naman silang tao.”

NOT FOR PUBLICITY. Muling nilinaw ni Ara na hindi niya ito ginawa para magkaroon lang ng publicity.

Minsan nga raw ay pinag-iisipan na niyang mag-quit sa showbiz para mapatunayan lang daw sa mga nambibintang na gusto lang niyang mapag-usapan kaya ginagamit niya ang nakababatang kapatid.

“Sa totoo lang, after ko mag-file… Kasi ang sinasabi ng ibang tao ginagamit ko lang daw for my career, for my publicity.

“To be honest, hindi ako tumanggap ng mga trabaho para mapatunayan na seryoso ‘to, hindi para magpapaingay lang ng pangalan.

“Accepted ako kung nasaan ako, and I’m happy.

“Kuntento ako sa buhay ko at masaya ako. Kahit wala ako sa showbiz.

“Actually, I’m thinking na mag-quit because of this, e. Kasi yun ang gusto nilang palabasin para umingay lang ang pangalan ko.

“Medyo matagal kong pinag-isipan dahil ang dami ko nang tinanggihan na trabaho.

“Ayoko kasing magtrabaho na marami akong iniisip, yung may karga.”

Patuloy niya, “Wala na akong galit. Siguro disappointment, awa.

“Awa kasi alam ko hindi na siya masaya.

“Sabi ko nga, kahit hindi pa siya nagsu-sorry o humingi ng tawad, pinapatawad ko na siya.

“Sana gawin na lang niya ang tamang aksyon dito sa sitwasyon na ‘to.

“Pinag-isipan ko ng maraming beses bago ko ‘to gawin.

“Lahat naman ng tao nauubos ang pasensiya. Hindi naman lahat kukunsintihin.

“Kasi sa ginawa sa akin, naisip ko tuloy na all these years, pinaplastik lang pala niya ako. Na nagpi-pretend siya na mahal niya ako. Yun pala, hindi.

“Kasi nilabas niya lahat dun, e, ang sama ng loob niya.”

PEOPLE BEHIND CRISTINE. May mensahe rin si Ara sa mga taong sa palagay niya ay nag-iimpluwensiya kay Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sino man ang mga taong nakapaligid sa kanya… ewan ko na lang, hindi mo sila kapatid.

“Iba yung kadugo mo talaga, kasi ipagtatanggol ka.

“Yung mga nakapaligid sa kanya, yung mga kaibigan niya, sana huwag n’yo nang kunsintihin.

“Hanggang kailan kaya sila nasa likod ni Cristine?

“Sana magkaroon siya ng sariling desisyon niya.

“Huwag siyang magpadala sa kung anu-ano, yung mga sabi-sabi kasi iba pa rin talaga ang kadugo,” mariing sabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN