Ynna Asistio denies Kris Bernal is reason behind one-week "tampuhan" with boyfriend Mark Herras

Ynna Asistio says that her stint in the teleserye My Beloved gave her professional confidence: “Natutunan ko din pong mahalin lalo ang pag-aartista. Kasi po, na-open ko sarili ko sa ibang klaseng acting naman—ang pagiging kontrabida."


Masaya at malungkot si Ynna Asistio sa pagtatapos bukas, June 8, ng primetime series ng GMA-7 na My Beloved, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

“Malungkot po, pero at the same time, happy to be part of My Beloved and happy dahil naging successful po,” sabi ni Ynna sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi rin daw malilimutan ng young actress ang naging mga karanasan niya sa soap, lalo na ang kanyang karakter bilang si Lizette.

Sabi ni Ynna, “Never ko po akalain na babagay sa akin na maging kontrabida.

“At masaya ako na tumatak sa tao si Lizette.

“Bawat eksena ko bilang kontrabida, na-enjoy ko.

“Akala ko po hindi babagay sa akin at hindi magugustuhan ng mga tao.

"Pero happy ako kasi mismong mga fans ko, naiirita sa akin!”

MOST MEMORABLE. Ano ang eksenang hindi niya makakalimutan sa My Beloved?

“Hindi ko makakalimutan yung confrontation scene ko po kay Sharina [Marian] at Benjie [Dingdong].

“Yung itinulak at pinagsisigaw-sigawan ko si Ate Marian at Kuya Dong.

“Parang nakakakaba yung feeling na itulak at sigawan ko si Ate Marian.

“Pero na-relax ako nung siya mismo ang nagturo sa akin kung ano ang gagawin ko kanya.

“Nakakatuwa kasi tinulungan niya po ako na magawa yung eksena at siya pa ang nag-suggest na itulak ko siya,” kuwento niya.

Sino ang pinaka mami-miss ni Ynna sa show?

“Actually, lahat naman kasi napamahal na sila sa akin.

"Pero si Ate Kat [Katrina Halili] po yung mami-miss ko kasi ate ko siya dun and nagka-bonding talaga kami.

“Noong una nahihiya ako sa kanya at nakakailang, pero gusto kong malaman niya na mami-miss ko siya.

“Kasi mula start at end, kaming dalawa kasi ang nagkasama sa mga eksena sa show.”

Ano naman ang natutunan ni Ynna sa show?

“Yung pakikisama sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natutunan ko din pong mahalin lalo ang pag-aartista.

“Kasi po, na-open ko sarili ko sa ibang klaseng acting naman—ang pagiging kontrabida.

“Sanay kasi ako sa laging pa-cute at pa-sweet. Ngayon, iba naman.

“Mas focused na din ako ngayon, mahal na mahal ko ang trabaho ko.”

Ano ang next project ni Ynna pagkatapos nito?

“As of now, wala pa. Ang My Beloved talaga ang huling work na nabalitaan ko, pero hopefully masundan,” asam niya.

NON-ISSUE. Tinanong naman ng PEP si Ynna kung totoo bang nagkatampuhan sila ng boyfriend niyang si Mark Herras for one week, at bakit o sino ang dahilan?

Tumawa muna si Ynna bago sumagot…

“Opo, nagkatampuhan kami ng isang linggo," pag-amin niya.

"Maraming dahilan pero napagod lang siguro.

“Pareho kaming busy noon, no time for each other.

“Pero sana hindi gawing malaking issue yung kay Kris Bernal kasi hindi siya ang unang dahilan ng tampuhan namin.

“Personal, nasundan lang nung kay Kris pero hindi siya main problem, e.

"Wala ngang away na nangyari, walang confrontation, walang sagutan.

“Sinabihan ko lang si Mark na sana ’pag magpo-promo sila na sabihan ako, hindi yung kung anu-ano na lang ang nakikita ko.

“Tahimik at supportive ako pagdating kay Mark, pero yung ganun kasimpleng bagay, gusto ko, alam ko.

“Hindi naman ako nagsasalita, ilang beses na din pong nagka-loveteam si Mark.

“Hindi na bago sa akin ‘yang sweet-sweet-an na promo-promo.

“Ang hinihingi ko lang po, yung sabihin sa akin, hindi yung malalaman ko pa sa iba. Kasi masakit po yun, di ba po?” saad niya.


Ngayon daw ay maayos na maayos ang sitwasyon sa relasyon nila ni Mark.

“After a very busy month, okay na po kami. Still going strong and happy pa din.”

YNNA’S MOM. Sa nakikita niya sa mommy niyang si Nadia Montenegro, paano dinadala ni Nadia ang mga pagsubok sa buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Mama, as usual strong pa din, she’s doing better now than the past months.

“We are praying na matapos na at maging positive ang lahat,” pahayag ni Ynna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN