Ana Roces ends stint in Alice Bungisngis and Her Wonder Walis; proud of good feedback about the show


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ana Roces noong June 6 sa 17thfloor ng GMA Network Center sa thanksgiving mass and merienda para sa final week ng early primetime series na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.


Ngayong gabi, June 8, ieere ang huling episode ng show.

Ang una naming itinanong kay Ana ay kung ano ang nararamdaman niya sa pagtatapos ng kanilang show.

“Okay naman, happy naman, happy siyempre.

“Pero sad kasi parang… naging close talaga kami with the staff, yung cast, so parang… malungkot.

“But at the same time, happy kasi very much naging maganda yung feedback sa show, maganda naman yung ratings, ’tapos na-extend nga ng two weeks.

“So mixed emotions,” pahayag ng aktres.

Sino ang pinaka mami-miss niya sa cast?

“Lahat! Kasi nagse-share kami ng dressing room, so kuwentuhan kami nina Lovely [Rivero], si Tita Irma [Adlawan], si Tita Alicia [Alonzo]... yung mga bata.”

And of course, ang gumaganap na anak niya sa show na si Alice—si Bea Binene.

“Oo, siyempre si Alice.

"Lahat naman actually, yung cast, yung staff, yung mga luto ni Miss Kaye [Cadsawan, the show’s executive producer], mami-miss ko.”

NO EXCLUSIVE CONTRACT. Hindi pa alam ni Ana kung ano ang next project niya sa GMA-7, ngunit wala raw siyang exclusive contract dito.

“Per show lang, parang ganun.”

Nagkaroon ba ng offer mula sa ibang TV stations ’tulad ng TV5 at ABS-CBN?

“I don’t know.”

Nag-TV5 na raw si Ana dati bago ang Alice Bungisngis.

“Puro guestings lang. Yung Pidol’s Wonderland, ’tapos mga Untold Stories, mga ganun.”

What if ilipat siya ng manager niya sa TV5?

“Okay lang ako, okay lang, happy naman ako in any network, okay lang,” sagot ni Ana.

POLITICAL SUPPORT. Gaya ng nabanggit, ang manager ni Ana ay si Annabelle Rama.

Ano ang opinyon ni Ana sa planong pagtakbo ng kanyang manager bilang congresswoman sa Cebu?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, kung mabuti naman talaga yung hangarin niya, go for it, di ba?”

Ano naman ang nararamdaman niya kapag may nakakaaway si Annabelle?

“Well, alam mo naman, e, di ba, ever since naman si Tita Annabelle... di ba, nung time pa ni Ruffa [Gutierrez]?

“Nung bata pa kami nina Ruffa, nung teenager kami, talagang very ano ’yan talaga, matapang talaga si Tita Annabelle, e.

“Lahat ng tao, parang... di ba, iyon naman talaga yung ano niya?

“So I just hope na ma-settle yung mga cases.

"Pero sa tapang, ever since, hindi naman ’ata nagbago, lalo pa ’atang tumapang si Tita Annabelle.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN