Iza Calzado admits dating a non-showbiz guy; excited to work with Kapamilyas in her first ABS-CBN teleserye

“Wala namang nanliligaw na taga-showbiz. Walang lumapit. Si Brad [Pitt], hindi niya ako tinawagan,” Iza Calzado answered in jest when asked if it’s really her choice to date a non-showbiz guy.


Masaya ang mood ni Iza Calzado nang humarap siya sa media sa launch ng Holistic Skin Care campaign ng Myra-E kaninang tanghali, Hunyo 7, sa White Space Manila, Makati City.

Habang tinatanong ng media ang kasamahan niya bilang beauty ambassador ng naturang produkto na si Jessy Mendiola tungkol sa lovelife, nagtatawanan sina Iza at Eula Valdes.

Pagkatapos nito, pabirong sinabi ni Iza, “Kaya kami humahagikhik kasi sabi niya [Jessy], wala na raw time.

“Kami [ni Eula], laging may time!

“Kahit lima pa ang pelikula mo, at may play pa, masisingitan talaga.

“Love makes the world go round.”

Pero agad na nilinaw ni Iza, “Joke lang! Nagdyo-joke lang ako.”

Dahil sa kanyang naging reaksiyon, tinanong tuloy siya ng media tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

"Lagi akong inspired!" nakangiti niyang sabi.

At saka inamin ng aktres na: “I’m dating someone.”

Ayon kay Iza, hindi taga-showbiz ang nakaka-date niya ngayon.

“Wala din namang gustong magpadala sa set ko ng bulaklak so okay lang.

“Wala namang nanliligaw na taga-showbiz. Walang lumapit.

“Si Brad [Pitt], hindi niya ako tinawagan!” biro niya.

Hindi na nagbigay ng anumang detalye pa ang bagong Kapamilya actress, pero siniguro niya sa media na, “Basta happy ako, happy tayong lahat.”

EXCITED ABOUT HER NEW PROJECTS. Samantala, bukod sa masayang lovelife, isa pang nagpapaligaya kay Iza ngayon ay ang mga proyektong gagawin niya para sa ABS-CBN.

Magbabalik na sa pag-arte si Iza sa una niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Kahit Puso’y Masugatan.

(CLICK HERE to read related article.)

Bagamat nakagawa na siya ng isang episode para sa Maalaala Mo Kaya, ito pa rin ang itinuturing ni Iza na malaking pagkakataon upang matupad ang matagal na niyang pangarap na makatrabaho ang mga artista ng ABS-CBN.

“Tama, matagal ko nang gustong makita ang sarili kong katrabaho sila.

“Kumbaga, gusto kong makatrabaho ang mga nasa ABS-CBN, mga Kapamilya. Ngayon, mararamdaman ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bukod sa Maalaala Mo Kaya na nagawa ko before, finally, this is my very first series sa ABS-CBN,” saad niya.

Makakasama ni Iza sa seryeng ito sina Gabby Concepcion, Jake Cuenca, at Andi Eigenmann.

Bukod sa Kapag Puso’y Masugatan, magiging host din si Iza ng ikalawang season ng reality show na Biggest Loser Doubles Pinoy Edition.

Unang naging host nito sina Sharon Cuneta at Derek Ramsay, na pareho nang lumipat sa sa TV5.

Isa rin si Iza sa mga pangunahing artista ng Cinemalaya official entry na Mga Mumunting Lihim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN