Cory Quirino explains Arci Muñoz’s last-minute decision to back out from Miss World Philippines

Cory Quirino (left) on Arci Muñoz: “Si Arci, pasok na siya, e, sa official 25 candidates. Kaya lang, she cannot fulfill her obligations muna to Miss World Philippines dahil meron siyang active and live contract with TV5. So, until that obligations have been fulfilled she cannot join Miss World Philippines.”


Pasok na pala ang TV5 princess na si Arci Muñoz sa 25 official candidates na maglalaban para sa titulong Miss World Philippines 2012.

Kaya inabangan ng media ang aktress sa press presentation ng mga kandidata na ginanap sa Manila Hotel kanina, June 7. Pero hindi kasama sa mga rumampang kandidata si Arci.

Diumano’y nag-backout daw ang aktres na ikinagulat ng marami.

Para malaman ang totoong kadahilanan, kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Chairperson ng CQ Global Quest Inc. at Miss World Philippines franchise owner na si Ms. Cory Quirino.

Paliwanag ni Cory, “Si Arci, pasok na siya, e, sa official 25 candidates.

“Kaya lang, she cannot fulfill her obligations muna to Miss World Philippines dahil meron siyang active and live contract with TV5.

“So, until that obligations have been fulfilled, she cannot join Miss World Philippines.”

Ibig sabihin ba nito ay hindi pinayagan ng TV5 ang aktres?

“Her contract will not allow her. She’s under contract and it’s a live contract.

“She’s not only a talent, she’s a star of TV5," sagot ni Cory.

May mga commitments pa raw kasi si Arci sa Kapatid Network na kailangan nitong asikasuhin bago pa matapos ang kontrata niya sa first quarter ng 2013.

Kaya kahit na TV5 pa ang may hawak ng TV coverage ng Miss World Philippines 2012, at talent ng TV5 si Arci, ay hindi raw puwedeng maging exemption ito.

“No, hindi puwede. They’re very professional. They’re very strict about the contract.

“So, I respected that decision of TV5.”

Ipinagtanggol naman ni Cory ang TV5 sa isyung ito.

Aniya, “TV5 didn’t want to stop her.

"They didn’t know that she was going to join. On her own lang. Kusang-loob lang na nagprisinta siya sa amin.

“Kasi one of the questions sa kanila, ’If you have any existing contract or obligations?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, sabi niya, ‘Yes, I have with TV5.’

“So, I have to ask TV5. Sabi ng TV5, ‘She has a live contract with us, Cory.’ Sabi ko, ‘Oh, no.’

“So, nag-usap kami ni Arci, pati yung nanay niya. Kinausap ko yung mommy, sabi niya, she understood.

“Pati si Annabelle Rama, her manager, kinausap ko. Sabi nga ni Annabelle sa kanya, talagang hindi puwede.”

Nanghinayang ba si Cory na hindi nakasali si Arci?

“Siyempre, pasok na siya, e. Iyak nang iyak nga ang batang iyan, e.

“But we told her that she can join again next year.”

Naniniwala ba siyang may potensiyal na manalo si Arci?

“Malaki ang potensiyal ni Arci. Talagang gusto niyang maging Miss World Philippines. You can see it na gusto niyang manalo.

“Kaya lang, it was not her luck this year, so next year na siya.

"So, we will see what will happen next year.”


STRICTER STANDARDS. Dahil nga sa pagkawala ni Arci sa lineup ng pageant ay may masuwerteng kandidata na pumalit sa puwesto niya.

Ito ay si si Ma. Danna Javier, 19 years old, mula sa Malabon City.

Ang iba pang kandidatang pumasok sa official line-up ng Miss World Philippines 2012 ay sina:

Kaye Wigand (19, Puerto Galera, Mindoro); Vanessa Claudine Ammann (23, Lapu-Lapu, Cebu City); Roshiela Tungol (24, Angeles City, Pampanga); Mariz Ong (20, Echague, Isabela); Carla Jenina Lizardo (22, Bagong Ilog, Pasig City);

Paula Rich Bartolome (21, Sta. Cruz, Laguna); Maria Teresita Baccay (21, Cabanatuan City, Nueva Ecija); Maham Ahmed (17, San Carlos City, Pangasinan); Rizzini Alexis Gomez (21, Cordova City, Cebu); Larah Grace Lacap (18, Batasan Hills, Quezon City);

Vania Valiry Vispo (24, Pasig City); Paulina Eliseeff (20, Quezon City); Mary Anne Ross Misa (23, Paranaque City); Mariver Ocampo (19, Paombong, Bulacan); Daphne Tania Molinaar (17, Bacolod City);

Brenna Cassandra Gamboa (22, Laurel, Batangas); April Love Jordan (23, Tondo, Manila); Rufaida Babudin (20, Palawan); Marie Loraine Dione de Guzman (24, Sta. Mesa, Manila); Kaye Michelle Agnes (24, Sorsogon, Bicol);

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Fer Mary Baliquig (20, Tagbilaran, Bohol); Queeneerich Rehman (23, Las Pinas City); Lara Lee Sarino (21, Negros Occidental), at Natacha Kristel Peugniez (17, Muntinlupa City).

Mula raw sa 150 applicants ay na-trim down ang candidates sa 25.

Ayon kay Cory, mas naging mahigpit daw sila sa pagpili ng mga kandidata ngayong taon kumpara noong isang taon.

Kailangan daw nilang itaas ang standards ng pageant upang mapantayan o mahigitan ang First Princess finish ni Gwendoline Ruais sa Miss World 2011.

“Yes, that’s why mas matindi ang aming standards, mas mataas ang standards po namin this year,” sabi niya.

Habang kinakausap ng PEP si Cory ay nagkakaroon naman ng photo session ang 25 candidates sa mga press photographers sa stage na pinapanood din ni Cory.

Ang tanong tuloy ng PEP sa kanya, kung ano ang hinahanap niya ngayon para sa bagong Miss World Philippines?

Aniya, “You look now… you look on stage now. Who is the one shining?

“I’m watching them now as you’re interviewing me. Kasi who is really projecting the look of a winner?

“I’m looking at them now. Who’s my favorite? Well, I’m looking at them now.

“Tingnan natin sa coronation night kung sino talaga ang magsa-shine.”

Sa kasaysayan ng Miss World, first runner-up o First Princess pa lang ang pinakamataas na karangalang naiuwi ng isang Pilipina sa naturang international beauty pageant.

Positibo naman si Cory na sa lineup ng mga kandidata ngayon manggagaling ang susunod na Miss World.

“My feeling is the crown will go to the Philippines very soon. I have a feeling, e. Malapit na.”

Anong advice na maibibigay niya sa mga maglalabang kandidata?

“If you want it, you have to project it. You have to feel you’re the winner already.”

Ang grand coronation night ng Miss World Philippines ay gaganapin sa makasaysayang Manila Hotel at mapapanood nang live sa TV5 sa gabi ng Hunyo 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbabalik-Miss World naman ang dating Miss World 1993 2nd Princess at Kapatid actress na si Ruffa Gutierrez bilang host kasama ang Game ‘N Go host na si Edu Manzano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN