Carlene Aguilar says her relationship now with ex-boyfriend Dennis Trillo is "mas okay"

Beauty queen turned actress Carlene Aguilar returns to acting a few months after giving birth to her first child with husband Yo Ocampo. She is cast as a doctor in GMA-7’s new primetime series One True Love.


Muling nagbabalik sa pag-arte si Carlene Aguilar pagkatapos niyang manganak.

Ngayon ay eight months old na ang anak nila ng asawang si Yo Ocampo—si Marcus.

Wala naman daw problema sa mister ni Carlene kung balik-showbiz siya ngayon.

Kasama ang dating beauty queen sa bagong primetime soap ng GMA-7, ang One True Love, na pinagbibidahan nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

Sa serye ay isang doktor ang ginagampanang papel ni Carlene, na makakatulong ni Agot Isidro sa masama nitong balak laban kay Jean Garcia at sa isinilang nitong sanggol.

SON WITH DENNIS. Kahit matagal na silang hiwalay at may kanya-kanya nang buhay, hindi pa rin maiwasang tanungin si Carlene tungkol kay Dennis Trillo.

Ito ay dahil mayroon pa rin nag-uugnay sa kanila—ang anak nilang si Calix Andreas.

Nang magpakasal si Carlene, may balitang lumabas na diumano’y planong ampunin ng mister niyang si Yo si Calix.

Dahil medyo nawala sa sirkulasyon si Carlene dahil sa pagbubuntis sa kanyang ikalawang anak, ngayon lang naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isyung ito sa kanya.

“Hindi, walang ganoon,” paglilinaw ng dating Bb. Pilipinas-World.

“At saka hindi rin niya aanuhin [papalitan] ang surname. Wala ngang ganoon.

“Hindi ko nga alam kung saan galing yun.”

Maging si Dennis ay nagulat nang tanungin ng press noong lumabas ang isyung ito.

Sabi ni Carlene, “Nagulat nga siya. Nakita ko rin ang reaksiyon niya noon.

“Pero sabi ko nga, dapat kapag may isyu, sa akin na agad. Kapag may tanong man sila, no comment na lang agad.

“Kasi, hindi pa nga niya ako nakakausap para hindi rin magkaroon ng misunderstanding.”

Nagkaroon din ba sila ng problema ni Dennis noon pagkatapos lumabas ang isyu?

“Hindi, konti lang… pero napag-usapan naman agad. Hindi na katulad ng dati na parang away kung away,” sagot niya.

THE TIE THAT BONDS. Nakikita naman daw ni Carlene na masaya at excited si Calix para sa baby brother nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Excited na nga si Calix na lumaki si Marcus.

“Pero buti na lang, mataba itong isa para kahit anu-anuhin niya.

“Kasi ang gusto ni Calix, play. Kasi ‘yan ang time na magulo talaga.

“Kaya ‘pag ano, sinasabi ko rin kay Dennis, i-lessen ang sweets.

“At saka kapag grounded, sinasabi ko rin kay Dennis para kapag lumipat ng bahay, pareho.

“Kasi siyempre, hindi puwedeng i-spoil mo.

“Siyempre, spoiled sa kanya [Dennis], tanggap na natin yun, di ba? Kinakaya siya.

“Kaya ako, sa bahay, kami ang disciplinarian.

“Kaya kung gusto mong lumaki nang maayos, isa lang dapat. Kaya kapag nagta-tantrums, sa amin lang nakikinig.”

Wala naman daw silang specific na araw na dapat na kay Dennis o nasa kanya si Calix.

Saad ni Carlene, “Wala, kapag wala lang work si Dennis, hihiramin niya. Wala lang arrangement.

“Kasi, kapag may mga arrangement na ganyan, ‘O, bakit hindi nasunod?’ Di ba? Mas okay yun.

“Siyempre, kapag may nangyaring masama, doon nagkakaroon ng usapan.”

DENNIS’S NEW RELATIONSHIP. Kumusta ba sila ni Dennis ngayon?

“Mas okay kasi mas nag-mature kami.

“So, parang mas smooth-sailing ang anumang relationship meron kami… friendship, mas okay, e.”

Okay rin ba sila ng girlfriend ni Dennis ngayon na si Bianca King?

“Okay naman kami. Magkakilala.

“Minsan, nagpapadala siya ng cookies para kay Calix na bine-bake niya. Sweet siya.”

Pero kahit si Dennis, aminadong malapit na rin sina Calix at Bianca. Mas pinapakinggan pa nga raw ni Calix si Bianca kesa kay Dennis.

“Okay lang sa akin, basta alagaan niya,” nakangiting reaksiyon ni Carlene.

“Siyempre siguro, mas ibang tao siya kaya sa kanya nakikinig kaya ganoon.

“Siyempre, kapag kilala na niya, mas kaya na niya, siyempre hindi makikinig, di ba?

“Pero kapag medyo hindi kilala at nagpapakita rin sa kanya ng okay, yun, makikinig siya.

“Pero siguro doon mo malalaman kapag nakasama mo na every day talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi mo maaano, e, kahit sino namang bata, susunod sa akin.”

Natatawang inamin ni Carlene na nagtanong daw minsan si Calix na, “Why do I have so many Tita?”

“Ay naku, matanong siya! At saka bibo ang batang yun.

“Tinanong niya ang Mama ko, ‘Why do I have so many Tita?’

“Sabi ko, ‘I don’t know, ask your daddy.’”

Nako-confuse na rin ba si Calix?

“Actually hindi, matanong siya, e. Kapag nako-confuse siya, nagtatanong siya.

“So, sana lang, bigyan ako ni Lord ng mga tamang answers sa mga questions niya para ma-guide ko siya.”

Anu-ano ang naaalala niyang mga tanong ni Calix?

“’Why do I have two daddies?’ Nakakalimutan ko na nga ang mga sagot ko do’n. May Daddy Yo at Daddy Dennis kasi siya.

“So, sabi ko, ‘You’re not happy? You have two daddies? Others have one lang.’

“Parang mga ganoon lang. Doon pa lang na level.

“Eto pa, ‘Why don’t you go to Daddy Dennis’s house?’ Ako raw. Kasi siya, pumupunta.

“Sabi ko, ‘Ay, I cannot go. It’s like this, we’re not together anymore. I have a new husband and we’re together.’

“Explain, e. Kailangan mo talagang mag-explain para hindi siya maghanap ng ibang tao na pagtatanungan niya.

“Baka mamaya, mas mali pa ang maging sagot sa kanya.

“At kapag hindi mo ini-explain, marami pang why, ‘why like that…’ follow-up.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN