Eula Valdes keeps happy relationship with boyfriend Rocky Salumbides

“Minsan, siguro test na rin ‘yon kung maaapektuhan ba kami sa mga gano’ng news. Hindi naman kami apektado. Basta masaya kami,” says Eula Valdes about reports saying she and boyfriend Rocky Salumbides have split up.


Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ang aktres na si Eula Valdes kung bakit may mga bali-balitang hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Rock Salumbides.

“Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling ‘yon,” sabi ni Eula nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters sa launching ng ini-endorse niyang Myra-E kahapon, Hunyo 7, sa White Space Manila, Makati City.

Matibay pa rin daw ang pagsasama nila ng model at dating Pinoy Big Brother housemate.

Halos apat na taon na raw ang kanilang relasyon.

Sa halip na maapektuhan, hindi na lang daw nila pinapansin ni Eula ang mga ganitong klase ng balita.

Rason niya, “Wala rin naman ako masabi kasi happy ako, e.

“Minsan, siguro test na rin ‘yon kung maaapektuhan ba kami sa mga gano’ng news.

“Hindi naman kami apektado. Basta masaya kami.”

Bukod sa pagkikibit-balikat sa mga intriga, mahalaga din daw ang pagbibigayan para mapanatiling matibay ang relasyon ng dalawang magkasintahan.

Ayon kay Eula, “Ang importante talaga ay ‘yong nagbibigayan kayo.

“Kung pumasok ka sa isang relationship, ‘tapos naging selfish ka, hindi talaga magwu-work.

“Kailangan n’yong mag-usap and pakiramdaman [ang isa’t isa]."

MUNDO MAN AY MAGUNAW IS ABOUT TO END. Samantala, ilang linggo na lamang ay matatapos na ang teleseryeng kinabibilangan ni Eula sa ABS-CBN, ang Mundo Man ay Magunaw.

Natutuwa ang aktres sa pinakitang pagsuporta ng mga manonood sa kanilang programa kahit na nalipat ito sa ibang timeslot.

“Maganda nga ‘yong feedback no’ng Mundo Man ay Magunaw,” ani Eula.

“Siyempre, masaya ako kasi ‘yong iba, sinasabi na pang-primetime daw ‘yong istorya namin.

“Noong nagkaroon ng changes sa timeslot… Una nilagay kami sa morning and yet maraming nanonood.

“‘Tapos noong nilipat na to a later timeslot, marami pa ring sumusubaybay.

“Nagpapasalamat ako sa kanila kasi naa-appreciate nila nang tuluy-tuloy ‘yong mga ginagawa namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN