Soul Siren Nina brushes off "desperate move" comment about her sexy pictorial for a men’s magazine

For her detractors, Nina has this to say: “Actually, for me, parang hindi. Kasi sabi ko nga, wala naman akong kailangan pang i-prove as a singer, as a performer or as an artist."


Kitang-kita kay Nina, ang tinaguriang Soul Siren, na masaya siya sa ginawa niyang cover pictorial para sa Playboy magazine.

Ganito rin ang naging pahayag ni Nina nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa ginanap na press launch sa Hard Rock Café kahapon, June 7.

Ayon kay Nina, positibo naman ang karamihan ng mga komento at feedback na natatanggap niya tungkol sa kanyang sexy pictorial.

“Okey naman ang mga comments at yung mga negative, medyo pakurot-kurot lang.

"And since mas maraming positive, okay ako do’n.

“I know I’m doing something. Kumbaga, wala akong napatay sa ginawa ko!” natatawang sabi niya.


OWN DECISION. Sariling desisyon naman daw ni Nina ang pagpo-pose at pagpapaka-daring niya sa naturang magazine.

“Yes, and sobrang reding-ready [ako] when I did the photo shoot. Kumbaga, talagang nag-prepare ako.

“Hindi ako na-awkward kasi alam ko na nag-prepare ako sa ipu-pose ko doon.

“And yun nga, coincidence rin siya kasi gagawa nga kami ng show, concert ala-Burlesque.

"So, perfect, di ba?"

Ayaw pang mag-elaborate ni Nina tungkol sa Burlesque show na gagawin niya.

“Pero soon na yun, for one night only.”


WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET. During the presscon proper, natanong ni Nina kung kailan pa ba siya magpu-pose nang seksi o nakahubad—kapag may pinagalaw o ipinaretoke na siya sa katawan?

Masasabi ba niyang "all natural" ang nakita sa cover ngayon?

“Oo naman, all natural ’yan… sobra!

"Kung sabihin man nila na retoke o may niretoke, okay lang.

"It’s a compliment kasi ibig sabihin, mukha siyang pinaretoke.”

Open ba kung sakali na magparetoke?

“Well, hindi ko naman sinasabi na magpaparetoke ako o hindi ako magpaparetoke.

“But since natural pa lahat, yun nga ang sinasabi ko, i-print na natin—i-immortalize na natin.”

Kung maraming positive na reaksiyon, meron din mga negative.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon niya sa mga hindi magagandang komento sa ginawa niyang pagpapaka-daring?

“Ako naman, kapag may negative, binabasa ko. As long as constructive criticism, okay sa akin.

“Pero kapag wala lang silang masabi, hindi ko na lang pinapansin. Pero more on positive siya than negative.

“It’s more on... I inspire them a lot because of this pictorial and it’s a good thing for me.

“Masaya na para sa akin na malaman ko.

“At they trust me naman that I won’t disappoint them sa mga gagawin ko and I do think about them [fans] whenever I do things.”


NEW TITLE. Tila natuwa naman si Nina nang may magsabing ang bago raw niyang title ngayon ay “Diamond Sexy Soul Siren.”

“Pahaba na nang pahaba!” natatawang sabi niya.

“Well, actually, matagal na naman kumbaga parang na-peg as sexy. Hindi lang nalagay yung pangalan doon sa soul siren.

“Puwede naman nilang idagdag yun anytime.”

FIRST AND LAST TIME. Tinanong namin si Nina kung ganoong image na nga ang gusto niya.

“Hindi naman actually ganoon talaga.

“For this one time lang, ma-proud lang ako na maging cover girl ng Playboy dahil nga kung meron man na ipapakita.

“Pero feeling ko, first and last na. Wala ng de-daring pa riyan.

“Alam n’yo na kung ano ang susunod kung may ide-daring pa riyan.

"So, wala na talaga for me. Ito na for me ang pinaka-daring sa lahat.”

Dugtong pa niya, “Kumbaga, classic na siya. Para na siyang Nina Live, wala nang tatalo.”

May ibinigay rin ba siyang limitasyon noong pictorial na hindi niya puwedeng gawin?

“Wala nang limitasyon ‘yan, yun na ‘yan!” natatawa niyang sabi.

“Actually, jeweled panty ‘yan. Nasa bahay ‘yan. Hiningi ko talaga siya.”

Nakahanda ba si Nina na posibleng dumami ang admirers niya at habulin pa siya ng mga boys dahil sa pose niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, nakahanda naman ako. Kahit babae pa ang maghabol, okay lang!” natatawang hirit pa niya.

Pero meron nga bang naghahabol na sa kanya?

“Hindi ko alam kung naghahabol, hindi ko na lang pinapansin. Ayoko namang i-assume na o humahabol ka dahil ano…

“Nandiyan naman sila palagi pero hindi ko ina-assume na gusto nila ko, di ba?”


GOING STRONGER. Hindi rawtotoong naghiwalay na sila ng non-showbiz boyfriend niya.

“Same pa rin, pero ayoko lang siyang palaging pag-usapan kasi he’s private.

“We’re on our five years and feeling ko, magsi-six years,” sabi ni Nina.

Bakit nabalita noon na naghiwalay na sila?

“Ay hindi,” paglilinaw niya.

“Pero okay lang yun na nababalita na nag-break para mas lalong mag-i-strong, di ba?

“’Tapos kapag namatay, o, e, di mas happy.”

Kilala si Nina bilang isang singer kaya malaking kaibahan ang pagpapa-sexy na ginawa niya.

Hindi rin naman daw naging problema sa boyfriend niya ang kanyang ginawa.

“At first, siyempre may hesistation. Sinabi ko naman sa kanya na it’s Burlesque theme.

“So, siyempre malawak ang theme ng Burlesque. So, yun na yun.”

Ano ang initial reaction ng boyfriend niya nang makita ang mga pictorial niya?

“Siyempre nagulat din at tulad ng reaksiyon ng iba, nagulat din. Pero habang tumatagal, okay naman.”


WEDDING PLANS. Since magsi-six years na sila, wala pa ba silang planong magpakasal?

“Hindi pa natin masasabi. Baka bukas, mag-propose, di ba?

"Pero hindi natin masasabi. Wala pa naman.

“Pangit naman kung sabihin ko na I’m waiting for the proposal. Bahala na siya.

“Mararamdaman niya kung ready na ako at malalaman niya sa sarili niya kung ako na, di ba?

“Kumbaga, mararamdaman niya sa sarili niya kung okay na ba ang career ko, puwede na niya akong i-pull out.

"Sa ngayon, pareho naman kaming hindi pa ready.”


DESPERATE MOVE? Sa usaping career, aware si Nina na may ilang nagsasabi na tila desperate move ang ginawa niyang pagpapa-pictorial nang sexy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi siya apektado nito.

“Yun nga ang sabi nila—desperate move.

“Actually, for me, parang hindi. Kasi, sabi ko nga, wala naman akong kailangan pang i-prove as a singer, as a performer or as an artist.

“Kumbaga, it’s a decision for myself. Habang wala pang alteration, plus gusto kong i-immortalize.

“At saka ang capacity ko and achievement ko as an artist, singer, musician, e, marami pa akong gustong i-try.”


ACTING CAREER. Si Nina ay isa ng Viva artist ngayon at plano rin niyang pasukin ang pag-arte.

Nag-a-acting workshop na siya dahil plano siyang isabak sa isang malaking stage play.

Sabi niya, “Siguro kaya nila sinasabing career move kasi hindi nila ko nakikita sa TV.

“But I am very much alive sa mga live scenes. I’m very much visible sa live scenes, at yun ang mas nae-enjoy kong gawin.

“Kasi minsan sa TV, tatlong lines lang ang kakantahin mo. Pero sa live, isang buong show.

“Yung reaction ng mga tao, live na makikita mong matutuwa sila.

“So, mas enjoy ako sa live scene.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN