Pinky Amador cast as funny villainess in new comedy series

Pinky Amador on playing different roles on TV: "I am challenged by new characters. Tulad nga dito sa My Daddy Dearest, I get to be funny and evil at the same time. Parang Disney villainess, complete with wig!"


Matagal ngang hindi nakagawa ng primetime series ang mahusay na TV-film-stage actress na si Pinky Amador sa GMA-7 kaya sa kanyang pagbabalik ay kasama siya sa cast ng My Daddy Dearest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Gaganap nga si Pinky bilang Mercedes, ang stepmother ni Bong (gagampanan ni Ogie Alcasid) at balak niyang kunin lahat ng kayamanan nito.
“It’s a kontrabida role, pero this time, comedy naman ang atake ko. Yung mga past kontrabida roles ko kasi, drama-dramahan. Dito sa My Daddy Dearest, light lang siya at very situational.
“Would you believe na anak ko rito ay si Pekto [Mike Nacua]? Doon pa lang nakakatawa na, ‘di ba?
"Panoorin nila ang comedy series para malaman nila kung paano ko naging anak si Pekto at ano ang mga evil schemes namin para mapasaamin ang kayamanan ni Ogie sa istorya,” kuwento pa ni Pinky sa press launch ng My Daddy Dearest nuong June 4 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.
Huling mga naging shows ni Pinky sa Kapuso network ay: guest role sa Reel Love Presents Tween Hearts, kunsaan gumanap siyang ina ni Joyce Ching, Love Bug Presents Last Romance kasama si Carla Abellana and Dennis Trillo, at ang Diva, kasama si Regine Velasquez.
Sa ABS-CBN 2 ay natapos na niya ang Mundo Man Ang Magunaw, Guns & Roses, at Magkaribal.
FUNNY VILLAINESS. Natutuwa nga si Pinky dahil hindi siya nawawalan ng proyekto kahit na alam niyang marami na ring mga character actresses na kaya naman gampanan ang mga roles na para sa kanya.
“I am thankful for having good friends. Sila naman ang mga koneksyon mo sa trabaho, ‘di ba?
“I am aware na marami ang puwede sa mga ginagawa kong roles sa TV. May competition na rin kahit papa’no.
"But it all boils down to... how you work kapag nabigyan ka ng trabaho.
“I give it my all kahit sa anong role. Yan naman ang natutunan natin sa teatro. There are no small roles for actors like us. Palakihin mo na lang sa performance mo.
“And I am challenged by new characters. Tulad nga dito sa My Daddy Dearest, I get to be funny and evil at the same time. Parang Disney villainess, complete with wig!
“As long as I am challenged, tuloy lang ang trabaho natin at salamat sa tiwala na binibigay sa atin,” ngiti pa niya.
THEATRE ROLES. Speaking of theater, katatapos nga lang ni Pinky na gumanap bilang Baroness Elsa Schraeder in the long-running musical, The Sound Of Music, na tinanghal sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.
Ngayon ay hinahanda ni Pinky ang kanyang sarili sa pagganap bilang kilalang French singer na si Edith Piaf sa stage musical na Piaf.
“Matagal pa naman ‘yan but I am preparing myself for it. Isa sa dream roles ko ang gumanap as Edith Piaf. It will be something new for me again.
“Kapag natuloy na ‘yang project, I will totally immerse myself sa role. Ultimo kilay ko ay ipapaahit ko just to get into her character,” diin ni Pinky.
TEACHING. Bukod nga sa pagiging artista, abala rin si Pinky bilang program head ng theater arts sa school na MINT (Meridian International College for Business, Arts and Technology Center). Ang naturang college ay nasa McKinley Hill, Fort Bonifacio, Taguig City.
“I’m helping out at this college at maganda naman ang mga ino-offer nila especially when it comes to performing arts.
“We have theater-trained actors as the students’ instructors sa mga exercises nila. Ako mismo, I get to interact with the students there.
“It’s a new venue for me kaya challenged din ako sa ginagawa kong ito. It’s nice to share what you know for so many years and pass it on to aspiring young people.
“But of course, unang tinuturo namin is discipline. Sa kahit na anong trabaho na pasukin mo, importante na disiplinado ka para mabilis ang pag-asenso mo sa buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN