Why Suzi Entrata-Abrera doesn’t work on weekends: "Kasi the whole weekday na nga ako nasa trabaho, yung weekend ay para na sa pamilya ko."

Suzi Entrata-Abrera is busy with two shows on GMA-7—the morning show Unang Hirit and a new lifestyle talk show she hosts with Camille Prats called MARS. Despite her workload, she manages to prepare her kids’ baon in the morning and even cooks breakfast for her husband, Paolo Abrera.


Tama ngang sabihin na beterano na ang TV host na si Suzi Entrata-Abrera sa pag-host ng mga shows na may kinalaman sa mga mothers and children.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Kaya perfect choice nga siya para sa bagong lifestyle talk show ng GMA News TV na MARS. Magsisimula na mag-air ito sa June 11 ng 6 p.m.
For the first time nga ay makakasama niya sa isang talk show si Camille Prats at bumilib agad si Suzi sa husay nitong mag-host.
“Amazed ako kay Camille kasi talagang mahusay siya. Hindi mo na kailangan pang alalayan kasi ang dami na niyang alam talaga, especially sa edad niya bilang isang young mother.
“Tsaka mabilis siyang maka-pick up sa mga pinag-uusapan namin sa show. Walang lull moment with her.
"Nalaman ko nga na she took up Early Childhood Education and she used to teach sa sarili nilang pre-school.
“Kaya hindi nakapagtataka na magaling siya sa pakikipag-interact sa iba’t ibang tao and as a young mother, sobra na ang experience niya sa buhay.
“Kaya I am blessed to have someone like Camille as my co-host sa MARS,” sabi ni Suzi sa press launch ng MARS nuong June 6 sa 17th floor ng GMA Network Center.
Dahil nabigyan ulit ng bagong show si Suzi na daily rin tulad ng Unang Hirit, halos buong araw na raw siya sa loob ng GMA-7 simula umaga hanggang gabi.
“Oo nga kasi sisimulan ko ang araw with our morning show, Unang Hirit. Kapag tumama sa taping day namin for MARS, tatakbo na ako sa kabilang studio.
“Twice a week ang taping namin at three to four episodes ang tinatapos namin.
“May two weeks of canned episodes na kaming natapos. Kailangan talagang may maibangko kami na maraming episodes para air lang nang air.
"But we make sure na hindi siya mapapaso. Kaya we think of the topics carefully. Yung alam mong hindi maluluma once na umere na ito,” sabi niya.
Dahil nga sa work load ni Suzi, ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para maasikaso ang kanyang mga anak, pati na ang kanyang mister bago niya simulan ang kanyang umaga sa trabaho.
“I try as much as possible na ako ang maghanda ng mga gamit at babaunin ng mga kids ko for school bago sila magising. Aalis kasi ako, tulog pa sila. I want na kapag gising na sila, handa na lahat.
“With Paolo naman, I instruct yung kasambahay namin na ganito ang gusto ni sir sa umaga. Naka-lay out na lahat para nakahanda na rin when he wakes up.
"Kung may oras pa ako, ako na ang maghanda ng agahan niya at pati ng mga isusuot niya.
HOME AFTER WORK. “After work naman, kapag pack-up na ako, I try my best to get home agad before my kids goes to sleep. Tinutulungan ko pa sila sa mga homework nila bago sila matulog.
“Kaya nagugulat na lang ang staff sa akin na after matapos, mabilis akong aalis.
"It’s not that I don’t want to make chika pa with them, naiintindihan naman nila na I need to catch my kids na gising pa, kasi nagising na nga silang wala ako, matutulog ba sila na wala pa rin ako?
“Mabilisang chika na lang talaga tapos fly home agad.
"Kaya naaabutan ko pa sila at may konting time pa to talk with them before they go to bed.”
“Yan ang cycle ng buhay ko as a mother but I have no complaints. I love my kids and they know na kaya ako nagtatrabaho ay para rin sa kanila,” diin ni Suzi.
WEEKENDS WITH THE FAMILY. Kung maiiwasan ay hindi tumatanggap si Suzi ng mga trabaho over the weekend. Yun na lang daw ang panahon niya with her girls ages 8, 7, and 6. Panahon din niya ito mag-bonding sa kanyang mister na busy din sa sarili nitong career.
“There are jobs talaga na tinatanggihan ko on weekends. Kasi the whole weekday na nga ako nasa trabaho, yung weekend ay para na sa pamilya ko.
“Depende rin naman sa situation. Kung big and important event siya na ni-request ka, no choice but to do it.
"But that seldom happens naman. Kaya during the weekends, nag-out of town kami, para ma-relax at ma-enjoy ang bonding time.”
Kapag pareho naman daw sila ni Paolo na super busy, nagpapasalamat si Suzi na kapitbahay lang daw nila ang kanyang mother-in-law at iniiwan nila ang mga bata sa pangangalaga nito.
“I am so blessed to have a loving biyenan. Dahil nga next door neighbor lang namin siya, sa kanila kami humihingi ng ulam kapag wala kaming time ni Paolo na magluto!” malakas na tawa ni Suzi.
“Totoo nga, makita mo na lang si Paolo na may dalang mga Tupperware kasi may mga laman na ulam. Galing kay mama sa kabilang pinto!
“Tsaka ang mga anak ko, naku, masaya ‘yan kapag si mama ang tagapag-alaga nila. Kasi busog sa Chicken Joy ang mga ‘yan!
“Paborito kasi nila ‘yon kaya walang katapusang Chicken Joy ang kinakain nila kapag wala kami!” patuloy na tawa ni Suzi.
NO EXTREME DATING. Tungkol naman sa date night nila ni Paolo, may nagaganap pa rin bang gano’n sa kanilang dalawa despite their busy schedules?
“Meron pa rin naman. We still do the dating thing.
"Lalo kapag medyo maluwag ang schedule at walang trabaho the next day, gagawa kami ng biglaang plano.
“Kain lang sa labas or nuod ng sine. Hindi na kami puwede sa mga ginagawa namin noon na aakyat kami ng bundok or maglambitin kami sa ere.
"Tapos na kami roon dahil iniisip namin yung mga bata.
“Before it was fun kasi wala kang ibang iniintindi. Buhay mo lang. May mangyari man sa ‘yo, sagutin mo na ‘yon.
"Ngayon kasi, we have kids at sila ang nasa isip namin parati.
“Kaya tapos na kami sa mga extreme na dating. Simple and quiet dating na lang kami ni Paolo,” ngiti pa niya.
Para sa kanyang sarili naman, Suzi still gets to do her regular “single routine.”
“Despite the schedules, I still get to do some things like go to the grocery, attend my Pilates and Yoga classes. I still get to read my favorite book or watch some TV shows.
“But in between kapag walang trabaho, I pick up the kids from school myself. Lalabas kami for merienda. Or dadaan kami sa mall.
“It’s still a normal life for me kahit busy. And above all, my family is still number one sa to-do list ko every day.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN