Alden Richards on being the Kapuso counterpart of John Lloyd Cruz: "Nakaka-flatter po, pero nakaka-pressure din."

Alden Richards, who stars with Louise delos Reyes in GMA-7’s new soap, One True Love, was asked about his one true love: "...Nung bago ako maging artista, schoolmate ko po. Pero nagkahiwalay din po kami kasi nung nagsisimula na akong pumasok sa showbiz, nawalan na po kami ng time para sa relasyon, hanggang sa nagkahiwalay na po kami,” he says.


Ang lola ni Alden Richards ang isa sa mga nakasama niyang nangarap noon ng magandang buhay, bago pa man pumasok sa showbiz at sumikat ang aktor.

Kaya naitanong namin kay Alden, ngayong may trabaho na siya, ano na ang mamahaling bagay ang nabili niya sa kanyang lola?

“Bag po. Binilhan ko po siya ng bag noong nasa Amerika ako para sa premiere ng The Road,” ang sagot ni Alden.

Sa pangungulit namin, sinabi ni Alden na isang Louis Vuitton bag ang binili niya para sa kanyang lola, pero hindi na namin napilit ang binata na sabihin kung magkano ang pagkakabili niya sa naturang bag.

At dahil nga may magandang showbiz career ngayon si Alden, ang isa sa naging kapalit nito ay ang malaking pagbabago sa buhay nila ng kanyang pamilya.

“Nabibigyan ko na po ng magandang buhay ang pamilya ko ngayon.

“Noon po inaamin ko naman na hirap kami sa buhay pero at least ngayon po, medyo maayos na ang lahat. Hindi ko naman po sinasabing ako ang breadwinner, pero nakakatulong na po ako.

“Tulad po ng… yung kuya ko po, ako ang gumagastos para sa review niya sa nursing board and yung bunso ko pong kapatid na babae, ako na po ang nagpapaaral sa kanya sa college.”

Hindi pa raw siya bumibili ng bagong kotse.

“Iyon pa rin po, yung gamit ko nung nagsisimula pa lang akong mag-artista. Pero pinag-iipunan ko na po para makabili ako ng mas malaking sasakyan,” ang nakangiting sinabi pa ni Alden.

SEXY BILLBOARD. Pinag-usapan ang sexy billboard ni Alden para sa ini-endorso niyang clothing line na Folded & Hung kung saan naka-boxer shorts lamang siya at shirtless.

May ginawa na rin daw siyang pictorial na pang-back-to-school pero wholesome siya doon at nakadamit.

Handa ba siyang maging mas daring pa sa mga susunod na billboards niya for F&H?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halimbawa next year, sa kanilang summer campaign?

“Baka po puwede, kung iyon ang kailangan, handa po akong gawin.”

Kung naka-trunks or naka-underwear lang siya?

“Opo, kung iyon po ang kailangan, kung iyon ang dapat gawin, gagawin ko po.”

TRUE LOVE. Bida sa One True Love ng GMA sina Alden at Louise delos Reyes.

Nagkaroon na ba siya ng one true love?

“Opo nung bago ako maging artista, schoolmate ko po.

“Pero nagkahiwalay din po kami kasi nung nagsisimula na akong pumasok sa showbiz, nawalan na po kami ng time para sa relasyon, hanggang sa nagkahiwalay na po kami.”

Hindi na nakikita ni Alden ang naturang babae.

ON JOHN LLOYD CRUZ. Sa kaguwapuhan at depth in acting, maraming nagsasabing si Alden ang John Lloyd Cruz ng GMA-7.

“Nakaka-pressure po kapag sinasabi nila iyon.

"Si Mr. John Lloyd Cruz po, idol ko siya talaga noon pa, kaya para masabi nila na parang sinunsundan ko ang yapak niya, nakaka-flatter po, pero nakaka-pressure din.

“Basta pagbubutihin ko po ang trabaho ko para hindi mabigo yung mga naniniwala sa akin.”

Isang male tween star si Alden bago nabigyan ng pagkakataon na maging bida sa primetime series nila ni Louise na One True Love.

Dahil dito, marami ang nagsasabi na naiwan na niya, in terms of popularity, ang ibang mga tween stars, lalo na ang mga male tween stars tulad nina Joshua Dionisio, Kristoffer Martin, Elmo Magalona, Jake Vargas at Derrick Monasterio.

“Hindi ko naman po masasabing naiwan ko na nga sila, nagkataon lang po na… kasi ako naman po talaga ang pinakamatanda sa amin na mga tween stars kaya kung nabigyan man po ako ng ganitong project or role...

“Alam ko naman po na yung mga ibang tween stars darating rin ang time na kung ano ang ibinigay sa akin ng GMA ibibigay rin sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malamang na kinaiinggitan siya ng ibang male tween stars.

“Hindi ko naman po nakikita iyon. Ang nakikita ko po supportive sila sa akin and ganun rin naman po ako, na kapag sila naman ang nabigyan ng ganitong kalaking project, susuportahan ko rin sila,” ang pahayag ni Alden.

Bukod kina Alden (na gumaganap bilang si Tisoy) at Louise (na gumaganap bilang si Elize), kasama rin sa cast sina Wynwyn Marquez (bilang si Marla), Lucho Ayala (bilang Troy), at sina Jean Garcia (bilang si Ellen), Agot Isidro (bilang si Leila), Raymond Bagatsing (bilang si Carlos), Carlene Aguilar (bilang si Candice), Tiya Pusit (bilang Yaya Brittany) at Benjie Paras (bilang si Douglas), at ang mga veteran stars na sina Bembol Roco (bilang Mayor Henry Sandoval) at Miss Caridad Sanchez bilang si Lola Tilda.

Ipapalabas na ito sa Lunes ng gabi, June 11, sa GMA Primetime Telebabad. Ito ay sa direksyon ni Andoy Ranay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN