Brillante Mendoza’s indie film Captive premieres in the Philippines; he announces plan to direct mainstream movie with Nora Aunor, Vilma Santos and Coco Martin

This photo of Filipino director Brillante Mendoza (right) and French actress Isabelle Huppert (left) was taken at the press conference for Captive at the Berlin film festival early this year. The indie film had its Philippine premiere on June 9 at the Shangri-La Plaza Mall Cineplex in Mandaluyong City. This is part of the ongoing 17th French-Filipino Film Festival (June 7 to 17, 2012). Captive is based on the 2001 kidnapping of a group of locals



Well-attended ang ginanap na Philippine premiere ng indie film na Captive, kagabi, June 9, sa Shangri-La Plaza Mall Cineplex 4, sa EDSA, Mandaluyong City.



Bahagi ang pagtatanghal ng isinasagawang 17th French-Filipino Film Festival, mula June 7 to 17, 2012, na nasa pagtataguyod ng Embahadang Pranses (French Embassy) sa Pilipinas.



Ang Captive ay isang highly acclaimed Filipino film na idinirek ng Cannes Filmfest ’09 Best Director awardee, Brillante Ma. Mendoza. Una itong naitanghal nitong Pebrero, 2012, bilang main competition entry, sa Berlin International Film Festival at umani ng mga kaukulang papuri.



Mula sa panulat ni Boots Agbayani Pastor, ang pelikula ay pinangunahan ng award-winning actress from France na si Isabelle Huppert, at mga aktor na Pilipino, sa pangunguna nina Angel Aquino, Raymond Bagatsing, Sid Lucero, Rustica Carpio, Che Ramos, at Ronnie Lazaro, among others.



Bilang Franco-German-Filipino co-production, ang Captive, na may kuwentong tumatalakay sa kidnapping (by the dreaded Abu Sayyaf rebels, in Mindanao) ng mga foreign tourists at missionaries, pati ng mga Filipino middle-class professionals, ay mayroong worldwide distribution at kasalukuyang itinatanghal din, bilang non-competitive entry sa Sydney International Film Festival, sa Australia.



Magkakaroon din ito ng mga pagtatanghal, simula sa susunod na buwan, sa mga bansang Denmark sa Europe, Durban sa South Africa, at iba pang festivals abroad hanggang sa taong 2013.



Sa Pilipinas, mapapanood ng publiko ang Captive, simula sa September 5.



Graded "A" by the Cinema Evaluation Board (CEB), ang Captive ay itatanghal sa ating mga sinehan, sa pamamagitan ng Star Cinema, bilang distributor o releasing movie outfit.



Nagtamo ito ng PG-13 rating, mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Kabilang sa naging guests of honor kagabi ay si Ms. Mary Grace Poe Llamanzares, at ang isa niyang Board member and film critic, Mario Hernando.



Samantala, kabilang sa mga unang pinasalamatan ni Direk Brillante, as he presented his film, sina Senador Loren Legarda at Chairman Briccio Santos, ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



In-acknowledge din ni Direk Brillante ang pagdalo ng dalawang Pambansang Alagad Ng Sining Pam-panitikan (National Artist for Literature) na sina F. Sionil Jose at Dr. Bienvenido Lumbera.



Gayundin ang mga kinatawan ng iba’t ibang embahada sa Pilipinas, ng DFA (Department of Foreign Affairs), ng NCCA (Natonal Commission for Culture and the Arts), at ng media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).



"It was really a pleasure doing this film," sabi ni Direk Brillante sa simula ng palatuntunan, bago ganapin ang screening.



"It was a pleasure... not only collaborating with Isabelle Huppert, who’s one of the greatest actresses in Europe; but also collaborating with Filipino actors and crew.



"This is one of my biggest production ever, and I’m really proud of the project because we were able to mount this big production, with such a small budget.

"With the committed crew and staff, we were able to come up with a film like this. For which I am very proud of..."



Pinasalamatan din ni Direk Brillante (o Dante Mendoza) ang suporta mula sa French government, sa pamamagitan ng embahada nito sa bansa.



"Of course, I appreciate all the support, by the French government, French embassy, especially the cultural attache.

"They’re very supportive of my work, lalo na ito [Captive]. Lahat naman [ng indie filmmakers], e..."



Bukod sa Captive, kabilang din sa line-up ng Pinoy films in exhibition ang mga obra ng iba pang indie filmmakers: Busong (ni Auraeus Solito); Manila (Adolf Alix); Bakal Boys (Ralston Jover); at short films ni Sigrid Andrea Bernardo.




BOX OFFICE CHALLENGE. Ayon din kay Direk Brillante, hindi naging madali para sa kanya ang mamahala ng pelikulang tulad ng Captive, na napakaraming artista at mga extra, at tauhan sa produksiyon, ang sangkot.



"Mahirap, pero siyempre, kailangan lang naka-focus ka. Kailangan sure ka sa ginagawa mo," sabi ni Brillante, sa isang hiwalay na panayam sa PEP.ph, matapos ang screening.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dahilan ito para ma-contain sa napiling sets at location, mostly out-of-town, at a particular shooting period, ang mga artista at lahat ng involved sa production.



Now, Direk Brillante can only heave a sigh of relief, na finally ay naidaos na ang premiere night ng Captive sa ating bansa.
At naging matagumpay rin ang una nitong pagtatanghal, sa Germany, noong Pebrero.



"Actually, nagpe-pay off naman siguro lahat ng pinaghirapan namin. Unti-unti kong nakikita, nararamdaman.



"Sana, tuluy-tuloy lang... hanggang sa box office. Sana matulungan n’yo ko, sa aspetong ’yon," hiling niya sa mga dumalong taga-media.



Bilang releasing outfit, malaki raw ang tiwala ni Direk Brillante sa magagawa ng Star Cinema.



"They will take care of the film," aniya. "Ipinangako naman nila ’yon sa akin. Si Ma’am Malou (Santos), yun ang ipinangako sa akin, susuportahan [daw] nila.



"Sabi nila, ’It might not be your typical blockbuster movie, pero it’s very educational, so maganda siya; maganda siyang i-promote, maganda siyang suportahan."



COPENHAGEN-BOUND. Nagmamadaling umalis sa venue si Direk Brillante, matapos ang screening, dahil lilipad siya patungong Copenhagen, Denmark.



"Bukas naman ay may ganitong event din, sa Copenhagen (in Denmark)," banggit din ni Direk Brillante sa magiging kaganapan sa araw na ito, June 10, sa nasabing bansa sa Europe.



Premiere showing din doon ng Captive, bilang bahagi ng gaganaping International Filmfest. Kabilang ang pelikula sa exhibition section.



"Darating si Isabelle Huppert to grace the occasion," sabi rin niya.



"Right now, Captive is being shown in Sydney Film Festival [in Australia]. Next month naman, sa Durban [Filmfest] in South Africa.


"Hanggang December [2012], and until 2013, every month, iba-ibang festival [ang sasalihan ng Captive].



FEEDBACK. Bukod sa mga nabanggit, present sa Captive premiere screening sa Pilipinas, ang mga Pilipinong aktres na kabilang sa cast, tulad nina Angel Aquino at Madeleine Nicolas, at iba pang indie actors, like Angie Ferro, Marife Necesito, Racquel Villavicencio, with publicist Bibsy Carballo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dumalo rin ang mga top female anchors, ng ABS-CBN, tulad nina Ces Oreña-Drilon at Karen Davila [ng Bandila].



And among Direk Brillante’s team, in attendance were screenwriter Boots Pastor, line producer Larry Castillo and personal assistant, Anthony del Rosario.



Unang nagpadala ng mensahe sa text kay Brillante si Ces Drilon, na nagkaroon din ng pansariling karanasan ng pagka-kidnap ng mga Abu Sayyaf: "This is another controversial film you made. Tinamaan ako. And yes, the ants; they were very frightful [pagtukoy sa kaugnay na eksena sa pelikula]; and the young warrior, I had a very similar encounter with one..."



Nagpadala rin ng mensahe si Sen. Loren Legarda: "Congratulations! Gripping film. You captured the essence of being a captive! All the best!"



SINAPUPUNAN (THY WOMB). Binanggit na rin ni Direk Brillante, sa hiwalay na interview ng PEP at iba pang taga-media, ang magiging title, in Pilipino, ng Nora Aunor-starrer na Thy Womb.



"Sinapupunan ang magiging Filipino title. Thy Womb yung English title," pagtukoy ni Direk Dante.

He also said that the Nora-starrer is in the post-production stage.



Pero naipabatid na rin ang pagkaka-submit ng pelikula, bilang possible entry sa Metro Manila Filmfest sa December, 2012. Mauuna rito ang posible ring paglahok ng pelikula sa isang malaking international flmfest, sa kalagitnaan ng taon.



"Hopefully... ipagdasal natin na makapasok siya," sabi ni Direk Brillante.


NORA-COCO-VILMA MOVIE. Excited ding ibinalita ni Direk Brillante ang posibleng pagsasama sa pelikula nina Batangas Governor Vilma Santos at Superstar Nora Aunor, kasama ang top matinee idol at multi-awarded actor na si Coco Martin.



"Ipanalangin natin na sana matuloy," ani Brillante. "Walang pang tema, o istorya, at ayoko pa muna siyang pag-usapan, pero, sana... sana...



"Tina-trabaho ngayon yung schedules kasi; okey na sina Nora at Coco, yung schedule lang ni Ate Vi [ang hinihintay]. Alam mo naman ako, pag nag-trabaho ako, ayoko ng maraming masyadong [conflict sa schedules]...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Dream project siya, in terms of casting and in terms of box office [possibilities].



"It’s my brainchild, oo, kasi sabi ko nga, gagawa ako ng commercial movie, pero yung objective is to... ’pag sinabi nating commercial, blockbuster siya dapat!



Naniniwala si Direk Dante na mapu-pull off ng Nora-Vilma, plus Coco combination ang nilalayon sa gagawing "commercial movie."



"Siyempre, two of the greatest actresses in Philippine cinema; plus, of course, Coco Martin, siya yung ’in’ ngayon sa young generation. So kapag pinagsama-sama mo silang tatlo, siyempre, iba rin, di ba?



"Kaya dapat, manood kayo, ha!" masayang pagtatapos sa interview ni Direk Brillante.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN