Angelica Panganiban answers rumors linking her to John Lloyd Cruz and John Prats

Angelica Panganiban on latest issues about her: “Kung doon sila magiging happy, e, I’m happy for them na nakakagawa sila ng mga ganyang klaseng intriga, ganyang klaseng isyu. Nakakabuo sila. And kung na-fulfill nila ang happiness nila sa paninira ng ibang tao, then, good, di ba?"


Kahit kagagaling lang din ni Angelica Panganiban sa breakup nila ni Derek Ramsay, nasasangkot ngayon ang kanyang pangalan sa dalawa pang breakups.

Una ay ang kina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Pangalawa ay ang kina John Prats at Bianca Manalo.

Dahil kauuwi lamang ni Angelica mula sa Barcelona, Spain, matagal siyang nanahimik at hindi nagsalita tungkol sa breakup nila ni Derek at ang pagkakadawit niya sa iba pang breakups.

Pero sa The Buzz kahapon, June 10, ay sinagot ni Angelica ang ilan sa mga isyung ibinabato sa kanya.

JOHN-BIANCA BREAKUP. Unang tinanong kay Angelica ay kung nasasaktan ba siya sa pagdawit muli sa pangalan niya sa John-Bianca breakup? Na pinagselosan daw siya ni Bianca?

Sagot ng dating child actress, “Hindi. Kasi malinis naman ang konsensiya ko, e.

“Ang nakakalungkot lang, bata pa lang ako, kaibigan ko na si John.

“Pangit na bigyan ng ibig sabihin ‘yon, ng malisya yun.”

SPOTTED WITH JOHN LLOYD. Sinagot din ni Angelica ang isyung diumano’y madalas na nakikita si John Lloyd sa kanyang condominium.

(CLICK HERE to read related story.)

“Yun nga, e, parang lahat ng mga kaibigan ko…

“Hindi ko naman masisisi ang mga tao kasi puwede nang bigyan ng meaning ngayon.

“Kasi, kung dati siguro ‘to nangyari, hindi naman siya mabibigyan ng meaning, kasi in a relationship ang mga tao noon.

“Ngayon naman, hindi na, so puwede na siyang bigyan ng kulay.

“And hindi ko naman hawak ngayon kung ano ang gusto nilang isipin,” saad niya.

Nag-react na rin si Angelica sa isyung diumano’y nakikita pa sila ni John Lloyd sa mga pampublikong lugar na magkasama at magkahawak-kamay.

Aniya, “Yun ang medyo imposible na talagang mangyari. Hindi na ako yun.

“Hindi ko naman lubos-maisip na gagawin ko yun.

“E, ganoon ang mga tao. Kapag may gusto silang i-push, ipu-push nila.

“Kung doon sila magiging happy, e, I’m happy for them na nakakagawa sila ng mga ganyang klaseng intriga, ganyang klaseng isyu. Nakakabuo sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kung na-fulfill nila ang happiness nila sa paninira ng ibang tao, then, good, di ba?

“Lahat naman ng bagay may kapalit and naniniwala ako na maganda ang kapalit no’n sa akin.”

May nagsasabi naman na dahil may pelikula sila ni John Lloyd, parte lang daw ng promo o gimmick ang mga lumalabas.

“Hindi naman ako naging ganoon. Never naman akong naging ganoon.

“Hindi ko naman kayang maging ganoon ka-showbiz na tao,” sabi ni Angelica.

Hiningan din si Angelica ng mensahe sa mga taong diumano’y naninira sa kanya.

“I don’t think naman na naninira sila. Trip nila yun, e. Walang basagan ng trip.

“Ako, gusto ko na lang maging happy sa life ko.

“At sana, yun din ang nangyayari sa mga taong ang gusto, e, manggulo lang.”

BRING LINKED TO JOHN LLOYD. Ano ang reaksiyon niya sa pag-link sa kanila ni John Lloyd?

“Matagal naman na kaming magkakilala. Matagal nang magkaibigan.

“Mahirap bigyan ng ibig sabihin. Mahirap bigyan ng kulay.”

Dugtong niya habang natatawa, “Kung ako ang magbibigay ng kulay, baka mag-iba!

“So, hayaan na muna natin.

“Hindi ko alam kung ano meron bukas. Matulog muna tayo ngayon. Gabi na.

“So, di ba, bukas baka iba na. So, hindi ko alam.

“Siguro kung meron akong natutunan, siguro yung natutunan ko yung ma-appreciate ko kung ano ang meron ngayon.

“Hindi ako mag-e-expect ng kahit na ano kasi masakit yun.

“So, day by day lang. Dahan-dahan ako.”

Sinabi rin ni Angelica na hindi madali ang kanyang pinagdadaanan.

Naka-move on na ba siya?

“Ayos lang. Steady lang ako,” sagot niya.

Kilala si Angelica bilang “super strong woman,” ganun nga ba siyang talaga?

“Hindi naman puwede yun. Siyempre masasaktan ka, maaapektuhan ka.

“Pero mas maganda kasi ang mag-move on, e. Mas magandang, I think, mas maliwanag yung future ko.”

Gaano kaespesyal si John Lloyd sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, wala… wala naman kami sa ganoong level.

“Nagkatrabaho lang kami and, sa ngayon, hanggang doon pa lang yun.

“Magkaibigan kami. Doon lang yun.

“Kung maging special yun, malalaman n’yo, di ba?

“Kung maging matalik kaming magkaibigan, e, di something special siya. Yun na yun.

“Grabe, huwag namang ganoon. Nakaka-conscious naman!”

Nali-link sila, may meaning na agad?

“Huwag naman,” sabi ni Angelica.

“Pagod na pagod pa ang heart ko ngayon, huwag muna.

“Wala akong puwedeng daanan kung hindi yung path na masaya.

“Kapag dinala ko ang sarili ko sa malungkot, malulugmok lang ako.

“Alam ko naman na magiging okay ako.

“I think, okay naman na ako.”

Pagkatapos ng VTR interview kay Angelica, nag-text ang aktres sa The Buzz guest co-host na si Kris Aquino na may “butterfly sa stomach” niya dahil sa interview.

Nang tanungin naman daw ito ni Kris kung may gustong sabihin o idagdag, ang naging sagot daw ni Angelica: “Hindi. Ang gusto ko lang talaga, maging happy at pasayahin ang sarili ko.”

Kaya ang sabi ni Kris, “At least ngayon, wala siyang tinutuldukan at wala siyang dine-deny.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN