Former child star Chuckie Dreyfus says Survivor Philippines made him visible again

Chuckie Dreyfus says he cannot resist the call to return to showbiz. He did not have second thoughts when he was approached to join Survivor: “Kasi that time ay nag-iisip na talaga ako na mag-comeback, at yun nga ang Survivor ay magandang pagkakataon."


Pagkatapos niyang maging castaway sa Survivor Philippines ng Kapuso Network, pinapirma agad si Chuckie Dreyfus ng Viva Artist na naging hudyat ng kanyang pagbabalik sa showbiz.

Hindi man siya pinalad na magwagi sa Survivor, marami naman daw siyang natutunan at naranasan na hindi niya malilimutan.

Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chuckie sa taping ng programang Moments noong May 24 sa studio ng Net 25. Pagkatapos ng taping ay nagpaunlak sa isang interbyu ang dating child actor.

Kumusta na ngayon si Chuckie at anu-ano ang mga plano niya sa kanyang pagbabalik-showbiz?

"Okey naman po ako ngayon, puro guestings, ‘tapos right now, I just recently signed with Viva Artist.

“Ayun, I’m preparing for additional guestings and sa mga serye, tuluy-tuloy pa rin," sabi niya.

15-YEAR HIATUS. Labinlimang taon ding nawala sa limelight si Chuckie bago siya nasilayan sa Survivor Philippines.

Sa matagal na pagkawala na ito ng aktor ay marami siyang na-miss na gusto niyang gawin uli.

"Fifteen years, more or less, mga 1996 or 1997, ‘tapos bumalik ako sa show business… ano na, e, nagpapayat ako nang todo.

“Marami namang nakakaalam na ang laki ko nun—ang taba ko.

“Siguro pagkakataon na rin para makabalik ako kasi ang tagal na, at pakiramdam ko nakalimutan na rin ng tao yung pagiging child actor ko.

"Kasi palagi na lang naaalala sa akin yung pagiging maliit ko, yung mga kakulitan ko sa mga movies dati.

"So, ngayon, sobrang nagpapayat ako at para naman nga maiba na ang tingin sa akin.

“At mawala na yung palaging alam sa akin na child actor ako na makulit at malusog!" sabay tawa niya.

Dagdag ni Chuckie, "Ang dami kong na-miss sa showbiz.

"Actually lahat—yung acting, yung lagare—kasi yun ang nakamulatan ko, e.

“Bata pa lang ako, yun na ginagawa ko kasi alam mo, yun na yung buhay mo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kahit na layuan mo, babalik at babalikan mo. Yun, at ang sarap ng feeling na nakabalik akong muli.

"At nagpapasalamat ako na naging maganda naman ang pagtanggap sa akin muli, at alam ko naman na hindi ako pababayaan ng Viva Artist.

“Kasi after ng show namin na Daldalita, may mga gagawin pa raw akong serye sa GMA-7.

“Sana tuluy-tuloy na and ako naman ‘pag nagtrabaho ay talagang naka-focus ako."

TIMELY EXPOSURE. Aminado si Chuckie na malaki ang naitulong ng programang Survivor sa kaniang pagbabalik dahil ito raw ang naging instrumento upang mapansin siyang muli.

"Oo naman, kasi when I received an invitation sa GMA-7 para mag-join nga ako, hindi na ako nagdalawang-isip.

“Kasi that time ay nag-iisip na talaga ako na mag-comeback at yun nga ang Survivor ay magandang pagkakataon,

"Maganda kasi ang show. Maraming nanonood. Ayun, tinanggap ko na siya.

“At yun din ang naging paraan ko at ginamit ko para malakas ang pagbabalik ko sa showbiz…

“Kaya nagpapasalamat ako sa show at sa mga taong nagtiwala sa akin na maging part ako no’n."

Dagdag ni Chuckie, "Bukod pa doon ay marami akong natutunan habang nasa isla kami.

“Lalo kong na-appreciate ang blessings ni God. Sobra talaga ang naitulong sa akin ng Survivor."

FAMILY MAN. Kung naging maganda ang pagbabalik-show business ni Chuckie ay masasabing ganun din kaganda ang kanyang buhay-pamilya.

Fifteen years na ang pagasasama nila ng kanyang asawa at 11 years na silang happily married.

Binayayaan sila ng dalawang anak na sina Ralph, 14 years old, at Isabella, 10 years old.

Kuwento ni Chuckie, "Ibang klase ang buhay may asawa at buhay na may pamilya na.

“Masarap na mahirap, pero siyempre kahit anumang hirap ‘yan, naniniwala ako na may katumbas ‘yan na sarap, e.

"Iba na ang resposibilidad at iba na rin ang pananaw mo sa buhay.

“Lahat ng natutunan mo siyempre, i-impart mo na ‘yan sa mga anak mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Rewarding at wala akong pinagsisihan."

DAD’S STYLE. As a dad, ano bang style niya sa pagpapalaki ng mga anak?

"Naku, cool... parang barkada lang sa mga anak ko.

“Father pa rin, pero at the same time, ayoko yung masyadong pormal ang dating.

“Na parang magkakaibigan lang kami ng mga anak ko.

“Kasi ‘pag ganun, para sa akin, e, madali silang mag-open up at maging prangka lalo na sa mga struggle at pinagdadaanan nila.

"Para at least, kung may pinagdadaanan sila, ang takbo nila, sa magulang at hindi sa kaibigan…

“Kesa tumakbo sa mga kaibigan, sa amin na.

"Baka minsan, mali pa ang mga advise na makukuha nila sa mga kaibigan, di ba?

“Mahirap na, at least sa pamamaraan ko, ng asawa ko, ay ginagawa kong maging kumportable ang mga anak namin sa amin para hindi sila maiilang."

Do they spoil their kids?

"Hindi naman. Kasi kung meron naman kaming mga ibinibigay, lagi naming ipinapaliwanag sa kanila.

“Tinuturuan din naming mag-ipon. ‘Tapos ini-explain namin na ‘pag may allowance sila, e, alam nila yung halaga nun at hindi sila maging waldas.

“Kahit sarili nilang pera ay lagi naming pinapaalala na huwag bibilhin yung hindi naman importante.

"Kasi kung makakaipon sila, e, madali para sa kanila…

“Na kung may gusto silang bilhin ay mabibili nila kung naiipon nila yung perang binibigay namin.

“Hindi naman masamang i-pamper sila paminsan-minsan, pero hindi rin kailangang sobra para alam din nila ang halaga."

Namamalo ba siya?

"Dati, pero ngayon, hindi na. Kasi na-realize naming mag-asawa na imbes na muturo mo yung leksiyon, natatakot sila.

“Ang ginagawa na lang namin, kung nakukuha naman sa pananalita at pagpapaliwanag, paliwanag na lang, di ba?

“Matanda na rin naman sila at hindi mo dapat tratuhin yung mga anak na ang pagdidisiplina ay idadaan sa palo."

FOLLOW HIS FOOTSTEPS. Paano kung sa mga anak niya ay may sumunod sa kanyang yapak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang. Basta kung gusto lang nila, pero hindi ko sila pupuwersahin. Ayokong maging stagefather, e.

“Siyempre, gaya ko, nagsimula ako mag-artista bata pa lang.

“Ayoko naman maging ipokrito na ayoko sila pag-artistahin.

“Basta importante lang sa akin ay huwag silang yumabang at huwag silang bumitaw sa pag-aaral nila. At maging respectful pa rin.

"Kung talagang gusto nila, ako, for me, game ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN