PEP TALK: Marian Rivera reveals one issue that made her cry; explains why she has no social media accounts

GMA-7 primetime queen Marian Rivera (center) in her most candid interview!

For almost an hour— no takes and no breaks— she sat down with PEP editors (L-R) Monching Jaramillo, Karen Pagsolingan, Erwin Santiago, and Rommel Llanes for the pilot episode of PEP Talk—the first online showbiz talk show in the Philippines.


Sa isang pambihirang pagkakataon ay humarap si Marian Rivera sa editors ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa pilot episode ng PEP Talk—ang kauna-unahang online showbiz talk show sa Pilipinas.

Isang kakaibang karanasan din ito para sa editors ng PEP na sina Karen Pagsolingan (managing editor), Erwin Santiago (associate editor), Rommel Llanes (associate editor), at Monching Jaramillo (senior desk editor).

Kung noon ay nababasa lamang ang kanilang mga pangalan dito sa website, sa pagkakataong ito, kasama nilang humarap sa kamera ang artista.

Ang inaasahang 20-minute interview ay umabot ng mahigit 40 minutes. Maganda ang nangyaring batuhan ng tanong at sagot, at nakatulong ang pagiging open at honest ni Marian.

Sa pilot episode ng PEP Talk ay ibinahagi ni Marian ang kanyang saloobin sa kanyang career, pamilya, at ang kanyang relasyon sa kasintahang si Dingdong Dantes.

Sinagot din ng Primetime Queen ng GMA-7 ang ilan sa pinakamaiinit na isyung patuloy na ibinabato sa kanya—gaya ng pagiging suplada at selosa raw niya, at maging ang naging alitan diumano nila ng My Beloved co-star niyang si Katrina Halili.

Bukod dito, isiniwalat din ni Marian ang kanyang “hidden talent” na tiyak na ikagugulantang ng marami.

Sa kabuuan ay isang masaya at makabuluhang kuwentuhan ang naganap sa pagitan ni Marian at ng PEP editors.

Narito ang unang bahagi ng panayam ni Marian sa PEP Talk:

ROMMEL: Ano ang maipapayo mo sa mga umiidolo sa ‘yo?

MARIAN: “Siyempre, masaya ako na… ang bawat artista talaga may iniidolo din ‘yan, e.

“Kung ako man ang nasasabi nila, siyempre, thankful ako doon.

“Siyempre, lagi kong sinasabi na, ‘Be yourself. Mahalin mo ‘yong trabaho mo.’

“At saka, natututo na ako. Kailangan, kapag artista ka, may malaking responsibilidad ka.

“Hindi ‘yong basta gusto mo lang ‘yong gagawin mo, gagawin mo lang ‘yon.

“Kailangan mo ring isipin ‘yong magiging epekto nito sa mga taong umiidolo sa’yo. Kailangan parating positive.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROMMEL: Sa dami ng gustong gumaya sa ’yo, ikaw pa rin ang nag-iisang Marian Rivera. How does it feel?

MARIAN: “Siguro, ang masasabi ko lang, umpisa noong tumuntong ako sa showbiz ay minahal ko ‘yong trabaho ko.

“At kaya ako nandito dahil sa mga nakapaligid sa akin katulad ng manager ko [Popoy Caritativo], magulang ko, at ‘yong mga taong nagmamahal sa akin na inakyat ako pataas—sila ‘yong dahilan.

“Hindi lang siguro… oo, artista ako kaya nandito ako. Pero naniniwala ako na kahit anong galing mo, kahit anong ganda mo, kung walang nagmamahal sa paligid mo, wala ka.”

ERWIN: Paano mo napaghihiwalay ‘yong private life mo sa showbiz life?

MARIAN: “Natuto na ako. Alam ko na kung paano ihiwalay ang totoong buhay sa uma-acting lang na isang actress.

“So far naman, mayroon akong mga schedule na wala akong trabaho.

“Ang ginagawa ko kapag wala akong trabaho, nakikipagkita ako kina Nanay [her lola], sa Mama ko, nagba-bonding kami.

“At siyempre, may mga times naman na kay Dong naman ako, pag-ibig naman.

“Pamilya, pag-ibig, career. O, di ba?”

MONCHING: How do you keep yourself grounded?

MARIAN: "Dahil maraming nagre-remind sa aking mga tao at ‘yan ang thankful ako.

“At ‘yan ang maipagmamalaki kong mayroon ako dahil marami sa paligid ko ang nagpapaalala sa akin kung saan ako nanggaling.

“Sila ang mga tao na hindi ko dapat makalimutan at sino ang mga taong dapat kong pasalamatan kung bakit nandito pa rin ako hanggang ngayon."

MONCHING: Gaya nino?

MARIAN: “Madami! Kung sisimulan ko sa baba, si Mr. [Tony] Tuviera, si Tita Malou [Choa-Fagar], GMA, manager ko…

“Lahat ng mga fans club na Marimar pa lang ay nandiyan na sa akin…

“So, lahat sila, e, hindi ko makakalimutan."

KAREN: Can you describe your relationship with your mom, sa lola mo, at sa dad mo?

MARIAN: “Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na laki ako sa lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun pa rin. Kung gaano ako pinalaki ng lola ko noong bata ako, ganun pa rin ang tingin niya sa akin.

“Si Mama, masasabi ko na mas lalong naging close kami ngayon dahil dito na siya tumira.

“‘Tapos si Papa, last-last year, na-meet ko. This year, mami-meet ko ulit siya, magkikita ulit kami.

“Every day may communication at hindi mawawala ‘yan.”

(Lilipad patungong Spain si Marian ngayong taon upang bisitahin muli ang kanyang ama.)

MONCHING: ‘Yong views mo sa marriage, nakaapekto ba ‘yung separation ng parents mo?

MARIAN: “Ay, hindi! Alam mo, hindi ko rin alam at ayaw ko rin mag-judge ng ibang tao.

"Kasi ako, broken family, separated… Pero naghiwalay si Mama at saka si Papa nang maayos.

“At naniniwala ako na ‘yon ang nagiging motivation ko sa buhay—nangyari sa kanila ‘yan, hindi ‘yan mangyayari sa akin."

ERWIN: Lola at nanay mo na lang ang nakasama mo. Sino ang nagsilbing father figure sa iyo?

MARIAN: "Haha! Si Popoy!"

ERWIN: Kasi, di ba, parang mahirap na walang father figure?

MARIAN: “Oo naman. Pero meron akong mga tito. Si Papa naman, may communication ako.

“Siguro ang masasabi ko ngayon na parang tumatayong tatay ko, bukod kay Popoy, e, si Dingdong.”

WEDDING & BASHERS. Sa ikalawang bahagi ng panayam ng PEP Talk kay Marian ay napadako naman ang usapan sa pagpapakasal at ang kanyang opinyon tungkol sa kanyang detractors at bashers.

ROMMEL: Nabanggit mo na rin lang si Dingdong. Yun na ang matagal nang itinatanong—kailan ang kasal?

(Kunwari ay nahimatay si Marian at saka sinagot ang tanong.)

MARIAN: “Alam mo, nakakatawa kasi palagi na lang sa interview, hindi nawawala ang question na ‘yan.

“Well, palagi kong sinasabi na ang dami kasing projects.

"Bihira lang sa isang artista ang nabibigyan ng ganitong oportunidad na magkaroon ng maraming projects talaga, at hindi talaga nawawalan ng projects, at may mga movies pa na gagawin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko sa sarili ko na, siguro, darating naman ang pagkakataon na ‘yan.

“Kasi para sa akin, big deal ang kasal.

“Kapag sinabi kong, ‘Oo, gusto kong ikasal,’ ibig sabihin, kailangan buo ‘yong pagkatao ko.

“Hindi lang, ‘Ay, love ko siya! Ay, kasal na tayo!’ Hindi.

“Kapag sinabi kong, ‘Oo, ikakasal ako,’ buong pagkatao ko, ready ako sa mga consequence at mga dapat kong pagdaanan bilang may asawa.

“So, kailangan ready ako doon.

“Sa ngayon, masasabi ko na mayroon pang kailangan na mabuo kay Marian Rivera para maging wife.”

ERWIN: Hindi ba consideration ‘yong edad ninyo ni Dingdong?

MARIAN: “Wala naman sa edad ‘yan, e. May mga bata nga ikinakasal na 18 years old, pero matured.

“May mga ikinakasal na 35 years old, pero hindi nagwo-work ang relationship.

“So, nasa pagkatao ‘yan.”

KAREN: Si Dingdong kasi, ang gusto niyang theme niya ay military wedding.

MARIAN: “Wow, ha!”

KAREN: Handa ka ba na naka-camouflage?

MARIAN: “Hindi yata!” (sabay saludo)

KAREN: Ano ba yung dream wedding mo?

MARIAN: Siguro kahit dati pa, isa lang ang pangarap ko na wedding—basta sa church.

“Kahit ano pa ang suot ko diyan, basta ang gusto ko sa simbahan.”

KAREN: May gusto ko bang church na naiisip?

MARIAN: “Wala pa.”

ERWIN / KAREN: Sa Cavite ba? Malapit ba doon?

MARIAN: “Hindi ko alam! Pero malay mo, kapag dumating ang pagkakataon, maiisip ko na.

“Kasi ngayon na wala pa naman, mahirap talaga mag-isip at hindi mo talaga maiisip.

“Siguro kapag nandiyan na talaga at nakalatag na, doon ko mare-realize kung saan ba ang gusto ko.”

ROMMEL: Kapag ikinasal ka, may dapat bang ikatakot ang Marianknights (her fans) na baka hindi ka na nila makita?

MARIAN: “Ay, hindi mangyayari ‘yan.

“Mahal ko ang trabaho ko. Dito ako nakilala. Dito ako minahal ng tao kung sino talaga ako.

“Hindi mawawala sa dugo ko ang pag-arte at pagsasayaw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KAREN: Okay lang ba kay Dingdong?

MARIAN: “No choice siya! Kailangang sundin niya, gusto ko ito. No choice siya.”

ROMMEL: Bilang babaeng Caviteña, may anting-anting ka rin ba?

MARIAN: “Ang anting-anting ko, alam naman na ng lahat bilang binuksan ko na ang buhay ko sa lahat ng tao, pinapasok ko sila sa kung anong mundo ang mayroon ako, mayroon akong Sto. Niño na ibinigay sa akin ni Mama.

“Para sa akin, ‘yon ang anting-anting ko na naver mawawala sa akin.”

KAREN: May anting-anting ka rin ba laban sa detractors?

MARIAN: “Meron… ‘Hi!’ (sabay ngiti at kaway sa harap ng kamera)

“Wala, kasi alam mo, ganito ‘yan, e, kahit saan ka naman magtrabaho—kahit sa office, sa school, sa showbiz—palagi namang may ganyan.

“Dapat tanggapin natin bilang mga tao, na hindi naman lahat ng tao ay magugustuhan ka.

“Pero naniniwala ako na mas maraming tao na mahal ako.”

ERWIN: Sa lahat ng mga isyung ibinato sa iyo, ano yung iniyakan mo?

MARIAN: “Kasi siyempre, noong bago ako sa showbiz, hindi ko alam na ito pala ‘yong consequence—akala ko aarte lang ako, makikilala ako ng mga tao.

“Hindi ko alam na sa bawat hakbang ko pala sa buhay at sa bawat sinasabi ko at ikinikilos ko, idya-judge ka pala ng mga tao.

"Siguro ang pinakamabigat at iniyakan ko, nung naisyu na buntis ako.”

ERWIN: Actually, nagsu-surface pa nga, di ba?

MARIAN: “Noong nagsimula ako, nabuntis ako. ‘Tapos nabuntis ulit ako. Ngayon nga, buntis na naman ako! Siguro ‘yon.

“Kasi sa pamilya namin, hindi sila aware sa mga ganyan.

“Kahit ako, sinasabi ko, ‘Nay, ganyan talaga ang showbiz. Hindi lahat ng nakasulat sa diyaryo, hindi lahat ng napapanood sa TV ay totoo.’

“‘Tapos in-explain ko sa kanya, nagkaunawaan na kami, tigil na.

“Kaya kahit ako din, kahit si Popoy, ‘Naku, Yan, hayan ka na naman. Huwag ka nang magbasa, huwag mo nang alamin ang kung anuman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano ‘yong totoo at kung ano ang nakapaligid sa ’yo, okay na ‘yan.

“Ganyan ang artista, e. ‘Yan ang buhay ng artista, e.’”

ERWIN: ‘Yon ang reason kung bakit wala kang Twitter or Facebook account?

MARIAN: “Oo, e. Kasi bago pa nauso ‘yang mga Facebook na ‘yan, mga Twitter na ‘yan, na-one-on-one ako ni Popoy, nag-one-on-one kami.

“Ang sabi niya sa akin, ‘Yan, siguro mas maganda kung wala ka na lang Twitter account, huwag ka na lang mag-Facebook para iwas-problema, iwas-stress para sa ’yo. At saka para mas maging maayos ang lahat.’

“Kasi siyempre, hindi naman natin maiiwasan, tao lang naman ako, nasasaktan din ako, napapagod din ako, naaapektuhan din naman ako.

“So, para mas maganda, iiwas na lang ako sa mga bagay na alam kong makakasakit o may mababasa akong hindi ko magugustuhan.

“Pero siyempre, naiinggit ako sa mga may Twitter, sa totoo lang!”

KAREN: Naaapektuhan ka pa rin ba sa mga sinasabi ng detractors?

MARIAN: "To be honest, hindi na. Nasanay na ako.

“At saka sa tagal ko na sa showbiz, alam ko na kung paano i-handle ang mga bagay-bagay.

“Hindi ko sinasabi na lahat kaya ko, lahat kaya kong i-solve, lahat kaya kong idedma. Hindi ganun sa [lahat ng] pagkakataon.

“Pero lahat naman ay may mga mga taong magku-comfort sa ’yo.

“Puwede ka namang magdasal, nandiyan naman mga parents ko, ‘yong manager ko, ‘yong mga taong nagmamahal sa akin, nakikita ko na nandiyan sila para sa akin.

“Kumbaga, tao lang, walang perpekto.

"Pero puwedeng maging perpekto kung gagawin mo ‘yong mas tama at iiwas ka sa mga bagay na masasaktan ka."

Ito ang unang episode (CLICK THIS LINK)!

Kung nabitin ka dito ay abangan ang susunod na bahagi ng panayam ng PEP Talk kay Marian sa Thursday, June 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN