Part 2. Michelle Madrigal admits relationship with football player from El Salvador

Michelle Madrigal on her type of man: “I like athletes kasi gusto ko yung nakakasama kong mag-workout, ganyan. Kasi ako, mahilig din akong mag-gym and I like watching football or basketball."


“Okay naman ako!” ang tumatawang sagot ni Michelle Madrigal nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang lovelife sa presscon ng Faithfully noong Lunes, June 11.

Sino na ba ang inspirasyon niya ngayon?

“Sino na ba? Iyon pa rin yung tanong, iyon pa rin!” natatawa niyang sagot.

Pagpapatuloy niya, “I’m dating... non-showbiz.

“But I’d rather… parang ngayon kasi, kahit nagde-date man ako, parang yung focus ko, hindi talaga siya na puro sa love lang.

“Parang mas gusto ko pa rin yung work ko.”

HER BOYFRIEND. Ayon kay Michelle, seven months na silang exclusively dating.

“He’s also a football player, but he doesn’t play for the Azkals.

“Local, UFL, United Football League.”

Pinoy ba siya?

“No, El Salvadorian. Yeah, parang Espanyol.”

Ano ang pangalan nung guy?

“Secret!” maagap niyang sagot na nangingiti.

Guwapo rin, ’tulad ni Neil Etheridge na isa ring football player at na-link dati kay Michelle?

“Oo naman! Of course.”

Seven months na silang exclusively dating; so mag-on na sila?

“Oo,” pag-amin ni Michelle.

“But I don’t … parang masaya kasi for seven months hindi ko masyadong pinag-uusapan.

“Hindi rin naman tinatago, parang lumalabas din naman kami together, pero parang mas okay siya na ganun.

“Na kung makita nila, kung ano ang i-assume nila, okay lang, di ba?

“Parang feeling ko kasi, hindi naman importante na pag-usapan ko palagi yung lovelife ko.

“Parang mas gusto ko na tungkol sa career ko, sa show ko, parang mas better na ganun na lang.”

PINOY OR FOREIGNER? Mas okey ba na karelasyon ang isang foreigner guy kesa Pinoy?

“Actually, di ba, ang last na Pinoy ko naman talaga na boyfriend, si Victor Neri, di ba?

“Dalawa lang naman silang Pinoy, e.”

Si JC de Vera yung isa.

Si Jon Hall na ex-boyfriend din ni Michelle ay half-Filipino, half-British.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang current boyfriend niya ngayon ay purong taga-El Salvador.

“Ito, pure talaga, walang halong Pinoy,” sabi niya.

Ano ang kaibahan ng pagkakaroon ng foreigner na boyfriend?

“You cannot say advantage din, pero siguro for me, ano kasi sila, e, they’re not very strict.

“Na unlike siyempre... hindi naman sila yung all-out na kahit anong gawin mo, okay lang.

“Compromise din naman, but of course, mas ano sila, mas open- minded sila. Hindi sila mahigpit.

"Like with me, if I have my guy friend, it’s okay.

“Hindi ko naman dyine-generalize yung lahat ng Pinoy na mga lalaki. Pero mostly ‘pag Pinoy, di ba, ‘O sino yan?! Bakit ka may…’

“Parang bawal kang magkaroon ng kaibigan na lalaki.

"But with him, he’s very open, like okay lang sa kanya,” pagtukoy niya sa kanyang El Salvadorian boyfriend.

Dagdag ni Michelle, “He’s not liberated talaga, but he’s just… alam mo yun, mas understanding lang.

“But it doesn’t mean naman na talagang hinahayaan ako or anything.

“Siyempre ano pa rin yun, compromise naman.”

SHE GOES FOR ATHLETES! Inamin ni Michelle na mahilig siya sa athletes.

“I like athletes kasi gusto ko yung nakakasama kong mag-workout, ganyan.

“Kasi ako, mahilig din akong mag-gym and I like watching football or basketball.

“Mahilig din akong manood, so siguro nagkakataon lang.”

At tiyak na mahaba ang pasensiya ni Michelle dahil ang athletes ay habulin ng mga babae.

“Mahaba talaga ang pasensiya ko. Mas understanding na ako ngayon.

“I mean, siyempre kung marami talaga, like siyempre marami ring fans and marami talagang girls na ’andiyan.

“But you know, kung secure ka naman dun sa relationship ninyo, wala ka naman dapat ipagselos or wala namang dapat problema.

“Mas naging understanding talaga ako, selosa kasi ako, e.”

BYE NEIL ETHERIDGE ISSUE! Dahil may boyfriend na si Michelle, matitigil na ang pagtsitsismis sa kanila ni Neil Etheridge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapuso actress, “I hate it kasi parang naaano ako, na parang ‘pag sinusulat yung tungkol sa amin ni Neil na… napapagod na ako kasi wala naman talaga yung tungkol sa amin.

“And unfair talaga siya dun sa taong dine-date ko because parang wala namang dapat pag-usapan tungkol sa amin ni Neil.”

Hindi naman nagseselos ang boyfriend niya ’pag may nasusulat tungkol sa kanila ni Neil?

“He’s not jealous. Pero siyempre ’pag may nababasa siguro yung mga friends niya, ‘tapos sa ibang lalaki ako nili-link, parang siyempre medyo may mali, di ba? Off din?”

At ngayong may girlfriend na si Neil na isang British, sa tingin ni Michelle ay matatapos na ang pagli-link sa kanila ng Azkals player.

“Dyusko, sana naman! Kasi kahit, di ba, like kayo, hindi naman ninyo alam kasi siyempre sa iba siya nakatira.

"And… pero siya talaga, never niya dine-deny kahit sa Twitter, sobra yun na, ‘I love you, baby!’” pagtukoy niya sa mensahe ni Neil sa kanyang British girlfriend kaya tigilan na raw ang pag-uugnay sa kanila.

“Ganun sila, so sana matapos na!” natatawang sabi ni Michelle.

Magkakilala raw sina Neil at ang boyfriend ni Michelle…

“Kilala niya kasi sina James [Younghusband]. Kilala niya si Neil, so wala naman siyang problema kasi kilala niya itong mga ito.

“And yung iba sa Azkals, teammates niya rin for the UFL team so wala namang problema.

“Magkakakilala silang lahat talaga so walang isyu, walang dapat selos or anything.

“Kasi ang maganda sa aming dalawa, open talaga kami about our past or ganyan, so walang dapat maging isyu.”

Magkaroon kaya ng chance na magkalaban sa football ang team ng boyfriend ni Michelle at ang Azkals?

“Oo! Magkalaban sila bukas, kaya nasa Bacolod ako!” sabay tawa ni Michelle.

Kanino siya magtsi-cheer?

“Siyempre for Philippines pa rin ako, pero siyempre number one fan ako ng boyfriend ko!” at muling tumawa si Michelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paano ang cheering? Siyempre, go Philippines!

"Siyempre Filipina ako, for Azkals ako, but I will always be his number one fan," patungkol niya sa kanyang boyfriend.

“Siyempre kahit saang team maglalaro ang boyfriend ko, sa kanya ako magtsi-cheer.

“Hindi para sa team niya, para sa kanya lang!” at muling tumawa si Michelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN