Derrick Monasterio takes a leave from courtship: “Wala munang ligawan. Magastos kasi!”

“Actually invited lahat ng mga kasama ko sa Tween Hearts. Kaso nawala ang cell phone ko. May nagnakaw kaya lahat ng numbers nila nandoon, e, hindi ko naman kabisado lahat," says Derrick Monasterio when asked why only Kylie Padilla and Lexi Fernandez came to his fans day.


Natuloy na ang matagal nang pinaplanong fans day ng Kapuso tween star na si Derrick Monasterio.

Ginanap ang fans day niya kahapon, June 12, sa Kamagong Covered Court sa Project 3, Quezon City.

Itinaon ni Derrick na sa Independence Day niya gawin ang kanyang fans day dahil walang pasok.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Matagal na naming pinaplano nina Mommy [Tina Monasterio] at ng manager ko ang fans day na ito. Pero lagi akong busy noon.

“Pumunta pa ako sa U.S. kaya lalong nauurong ang fans day.

“Pero nataon naman na wala akong work at holiday pa dahil Philippine Independence Day kaya itinuloy na namin.

“Kaya heto, masayang-masaya ang mga tinawagan naming mga fans.

“Mabilis naman silang umoo kasi nga walang pasok at matagal na rin nilang hinihintay ang araw na ito.”

HE LOVES HIS FANS! Nagkaroon ng games at nagpamigay ng mga regalo si Derrick sa kanyang mga fans na dumating.

Sabi ng young actor, “Sila ang mga fans na sumuporta sa akin from the start.

"Magtu-two years pa lang ako sa showbiz and lagi na lang silang nandiyan, especially kapag Sunday sa Party Pilipinas.

“Kaya ito ang way ko para pasalamatan sila. Nagse-share ako ng blessings ko with them. ‘Tapos kinikilala ko sila.

“Ang mga fans naman ang nagpapasikat sa aming mga artista, at sila rin ang magtatanggol sa amin, kaya mahal ko ang mga fans ko."

KYLIE AND LEXI. Mas naging espesyal ang fans day ni Derrick dahil dumating ang dalawang tween stars na na-link sa kanya—sina Kylie Padilla at Lexi Fernandez.

Paliwanag niya, “Actually, invited lahat ng mga kasama ko sa Tween Hearts.

"Kaso nawala ang cell phone ko, may nagnakaw.

"Lahat ng numbers nila nandoon, e, hindi ko naman kabisado lahat.

“Nasabihan ko lang talaga si Kylie at siya na ang tumulong na ipaalam sa iba ang fans day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pumuwede si Lexi kaso yung iba, may mga trabaho at out-of-town yung iba.

“Okay lang naman, pero nagpapasalamat ako na nakarating sila Kylie at Lexi.

“Pareho silang close sa akin noon pa kaya nakisaya sila sa mga fans ko dito sa fans day,” sabi ni Derrick.

COURTSHIP TAKES A BACKSEAT! Nakilala si Derrick bilang masugid na manliligaw. Ilang young actresses na nga ang na-link sa kanya dahil sa kanyang panliligaw. Pero hindi raw muna ito ang aatupagin ni Derrick ngayon.

“Wala munang ligawan. Magastos kasi!” malakas na tawa niya.

“Sinabihan na ako ni Mommy na mag-focus muna ako sa career ko.

“Tigilan ko raw muna ang panliligaw dahil wala namang nangyayari.

“Gumagastos lang daw ako kaya tigil ko muna.

“Tama naman si Mommy. Focus muna ako sa trabaho. Mommy knows best!”

DEBUT ALBUM? Sabay nagtapos ang dalawang shows ni Derrick sa GMA-7. Natapos last Friday ang Alice Bungisngis and Her Wonder Walis at noong Sunday naman ay natapos ang Reel Love Presents Tween Hearts.

Hindi raw alam ni Derrick kung ano ang kanyang susunod na proyekto kaya mga out-of-town shows muna ang aasikasuhin niya at ang recording ng kanyang debut album.

Ibinalita nga ni Derrick sa PEP na pipirma na siya ng recording contract with Dyna Records.

“First love ko talaga ang singing at ang magkaroon ng sariling album will be a wish come true for me.

“Kaya natutuwa ako na matutupad na nga and I will soon be signing up with Dyna Records. Inaayos na lang ng manager ko ang lahat.

“I want to write my own songs din kasi parati naman tayong inspired.

“This time, hindi na puro theme songs ng pelikula ang kakantahin ko. Sarili ko nang songs ang mare-record ko,” masayang sabi ni Derrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN