LJ Reyes on big chance of winning best actress in Cinemalaya this year: "Ayoko talagang isipin ‘yan."

LJ Reyes on why she won’t entertain the idea that her role in Intoy Syokoy will win her a Cinemalaya best actress trophy: "Ayokong marinig kasi ang goal ko talaga sa sobrang na-in love ako sa kuwento at doon sa character… ang gusto ko lang talaga, yung utmost goal ko… utmost dream ko sa project ay ma-portray ko ang character kung paano talaga siya gusto ni Gerry [Gracio, writer ng pelikula]."


Nagtapos na ang afternoon soap ni LJ Reyes na The Good Daughter sa GMA-7.

Maraming magagandang feedback na natanggap si LJ dahil sa kanyang performance bilang isa sa kontrabida ng bidang si Kylie Padilla.

Kahanga-hangang napagsasabay rin ni LJ ang showbiz career niya, pagiging nanay sa anak na si Ethan Akio, at ang pagtatapos ng pag-aaral niya ng kursong Economics sa La Salle.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa opisina ng PPL Entertainment at kumustahin kung ano ang susunod niyang proyekto pagkatapos ng The Good Daughter ay wala pa siyang maisagot.

Sabi ng Kapuso actress, “Wala pa akong alam. Si Perry [Lansigan, kanyang manager] siguro ang nakakaalam.

“Sinasabi lang naman niya kapag ayan na, sure na yung gagawin.

“Okay lang naman, pahinga muna siguro.

"Hindi lang naman ako ang artista ng GMA!” natatawa niyang sabi.

CINEMALAYA BEST ACTRESS CONTENDER? Maugong ang balitang malakas ang laban niya sa pagka-Best Actress sa Cinemalaya this year para sa pagganap niya sa pelikulang Intoy Syokoy.

“Ayoko, ayoko talagang isipin ‘yan.

"Kasi yung ibang tao, sinasabi sa akin ‘yan at kahit yung ibang alam na ginagawa ko ang project, sinasabi sa akin ‘yan.

“Pero sabi ko, ayokong marinig kasi ang goal ko talaga, sa sobrang na-in love ako sa kuwento at doon sa character… ang gusto ko lang talaga, yung utmost goal ko… utmost dream ko sa project ay ma-portray ko ang character kung paano talaga siya gusto ni Gerry [Gracio, writer ng pelikula].

"At kung ano ang napi-picture niya, gusto ko yun, yun.”

Hindi pa man niya sinisimulan ang shooting ng pelikula noon, may mga nagsasabi nang pang-award ang role niya.

So, ginagawa pa lang niya, pumapasok na ang ganoong kamalayan sa kanya?

“Oo, pero sine-shake-off ko siya. Kapag nandoon ako sa set, sinasabi ko talaga na, ‘Huwag n’yong gawin sa akin ‘yan. Huwag n’yong gawin, please. Ayokong marinig!’” tawa na naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumusta rin namin kay LJ ang leading man niya sa Intoy Syokoy na si JM de Guzman.

“Saludo ako kay JM, magaling na artista, very gentleman.

"Generous siya pagdating sa mga eksena at mabait na tao," sabi niya sa Kapamilya actor.

PAULO AVELINO. Ang boyfriend at ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino ay isa sa mga nominado bilang Best Actor sa Gawad Urian na gaganapin ngayong gabi, June 13, sa AFP Theater.

Nominado si Paulo para sa pagganap niya sa indie film na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Sabi ni LJ nang natatawa, “Good luck!

"Ang ibig kong sabihin, kasi napag-usapan din namin yun ni JM sa [set ng] Intoy Syokoy, kasi nominated din siya," para naman sa pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank.

“Sabi ko, ’Grabe naman ang line-up ng nomination n’yo!’

"Sabi nga nila, parang hindi na sila papalag agad—Ronnie Lazaro, yung ganoon, di ba? Kanya-kanyang bet na.

"Yun nga ang sinasabi ko sa mga ganyan, lahat ng nominated, sobrang galing. Winner talaga yun.

"Siyempre, hindi naman lahat puwedeng papanalunin.”

SECOND CHANCE. Kung tutuusin, maituturing talagang pangalawang pagkakataon sa kanila ni Paulo ang nangyayari ngayon sa showbiz career nila.

Hindi naman lingid sa lahat nang mabuntis si LJ at magsilang sa Amerika.

Pero sa pagbabalik-showbiz niya, mas magagandang oportunidad pa ang mga nangyayari sa kanya ngayon; gayundin kay Paulo sa paglipat nito sa ABS-CBN.

Sumagi ba sa isip nila noon na baka wala nang mangyari sa career nila?

“Oo naman! May mga ganoong iniisip na rin kami before.

“Thankful kami kay Ma’am Wilma [Galvante] before at saka love talaga namin siya," sabi ni LJ.

Masasabi ba niyang mas okay ngayon ang takbo ng career nila ni Paulo?

“Siguro, oo. Para sa anak namin, kailangan talagang kumayod.”

Biro tuloy namin, tatlo na ba ang anak nilang pinapalaki kaya kailangan nilang kumayod nang todo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, dose!” natatawang sagot niya.

“Hindi, ang sa akin kasi, kapag love mo talaga ang trabaho mo, lalabas at lalabas naman talaga yun.

“Kahit sabihin nating hindi naman magaganda ang ibinibigay sa ‘yo, makikita, e, kung love mo talaga ang work mo.

“’Tapos, talagang pinagtatrabahuhan mo nang mabuti.

"Kunwari, hindi ko love ang trabaho ko at parang petiks-petiks lang ang trabaho ko, sa tingin mo ba, nandito ako?

“At saka siguro, maturity rin. Dahil sa experience namin, nag-mature rin kami.

"‘Tapos, nagagamit namin sa trabaho namin.”

TAKE IT FROM LJ! Pero sabi nga ni LJ, hindi rin madali na maging magulang sa batang edad.

Kahit daw magaganda ang mga oportunidad na natatanggap nila ngayon, hindi nila ia-advice sa mga kabataan na maagang magka-baby lalo na kung hindi pa handa ang mga ito sa pagiging magulang.

“Alam n’yo, sa totoo lang, mahirap talaga. Mahirap i-balance.

“Sa totoo lang, kung feeling ko siguro strong young lady ako... kasi ang hirap.

“Napakahirap na pinagsasabay mo ang trabaho mo at pagkatapos nag-aalaga ka ng bata, at pagkatapos, nag-i-school ako. Ang hirap!

“Oras pa lang, gipit ka na. Tulog pa lang, deprived ka na.

"So, paano ka pa mag-iisip nang maayos, nang matino?

“Mas masarap mag-alaga ng bata kapag carefree ka na. Kapag tapos ka na sa school. Financially stable ka na.

"Mas masarap yun, mas mae-enjoy.”

Dugtong niya, “’Tulad ko, minsan dahil sa trabaho, hindi ko nakikita anag anak ko 24 hours. Minsan two days pa, di ba? Minsan nangyayari yun.

"Kaya kapag nakita na ako ng anak ko, naku, parang koala bear, parang tuko sa akin!

"Pero bumabawi naman ako. Kaso, kailangan talaga.

"Kaya nga mas masarap pa rin na magka-baby ka kapag prepared ka talaga in all aspect.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN