PEP TALK: “Sa totoo lang po, wala akong pinagsisihan sa lahat ng pinagdaanan ko.” — Marian Rivera

Marian Rivera is "combustible."

This was how PEP and YES! magazine editor-in-chief Jo-Ann Maglipon (left) described the first guest of PEP Talk, the first online showbiz talk show in the Philippines.


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP Talk kay Marian Rivera, isang kapita-pitagang bisita ang inimbitahan namin upang magtanong sa aktres.

Ito ay walang iba kundi ang editor-in-chief ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! Magazine—si Ms. Jo-Ann Maglipon.

Si Ms. Jo-Ann ang nag-usisa tungkol sa mga isyung kinasangkutan ng aktres at mga paratang tungkol sa kanyang pagkatao.

Narito ang kanilang naging pag-uusap:

JO-ANN: The thing, Marian, kasi, we’ve interviewed you sa YES!. And we all fell in love with you talaga, walang biro. Panay kami hallelujah sa ‘yo. Kaya lang, bakit sa tuwi-tuwina, ang dami-daming kuwento na nagsuplada ka o may inaway ka? Hindi ko ma-reconcile yung alam kong Marian sa mga kuwento. So, nahihilo ako ‘pag nababasa ko yung mga reports. Can you [explain]…?

MARIAN: “Actually, sa lahat ng nakakatrabaho ko, nai-interview ako, palaging pare-parehas lang…

“Lahat ng magazines na mababasa n’yo, lahat ng nag-interview sa ‘kin, iisa lang ang sinasabi—‘Bakit sila ganun sa ‘yo?’

“Uhm, paano ko ba sasagutin ‘yan? Mahirap kasi i-please ang bawat tao.

“At bawat tao, mahirap kausapin na, ‘Hi! ‘Eto ako. ‘Eto ang personality ko.’

“Siyempre may mga bagay na… pinoprotektahan ko yung sarili ko bilang artista na, before, napaka-transparent kong tao.

“Parang lahat, ’Okay, this is me, ‘eto yung gusto n’yong makita.’

“So, parang sabi ko sa sarili ko, mali yata. Hindi lahat ng tao maiintindihan ka. Hindi lahat ng tao the way ka humawak, magsalita o umarte diyan, e, maiintindihan nila.

“At natuto na ako diyan. Sabi ko nga kanina, bilang artista, malaki ang responsibilidad mo.

“Siguro, tao lang naman din po ako. ‘Pag nasasaktan ako, nagre-react ako.

“’Pag sinabunutan ako, magsasabunutan kaming dalawa.

“Di ba, parang kung ano’ng ibigay mo sa akin, yun ang ibibigay ko sa ’yo.

“Hindi porke’t artista ako, mananahimik lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga bagay na dapat pinapatulan at natutunan ko ‘yan. At may mga bagay na dapat, wala na lang.

“Hahayaan mo na lang na lumipas hanggang sa matapos, hanggang sa mawala.

“Pero kapag foul na talaga, hindi puwedeng hindi ka naman magre-react.

“Tao lang din naman ako. Sabi nga, I’m not a robot.”

JO-ANN: Pero ang nakaka-bother din ay kung minsan, may tatlong insidente within a period of, four months, let’s say. At saka ito’y sa kapwa-artista, halimbawa. Totoo ba yun o pinalaki na lang?

MARIAN: “Alam n’yo, sa totoo lang, pinalaki. At hindi ko alam kung bakit, ako, bilang ako, yun lang palagi.

“Kahit ako, sabi ko nga din, minsan nag-uusap kami ni Popoy [Caritativo, her manager], ‘Momsie [how she calls Popoy], ‘eto na naman? Bakit na naman? ’Eto na naman yung issue?’

“Kumbaga, parang may nangyari lang something, na wala namang big deal, lumalaki na lang nang lumalaki.

“Minsan nga, parang naisip ko, hindi ba nare-realize ng mga tao na, same issue, same na iniisyu sa akin, same ang ginagawa sa akin—at isa lang ang puno’t dulo at pinapalaki nila.

“Sabi ko nga, matatalino na ang mga tao ngayon. Sila na ang humusga kung totoo ba ‘yan o hindi.

“Pero kahit ako, sa sarili ko, sabi ko, ‘’Yan na naman? Pinalaki na naman?’”

JO-ANN: Merong isa na hindi ko rin maintindihan. Kunyari yung kay Katrina [Halili]…

MARIAN: “Yes. Ay, nakakaloka!”

JO-ANN: Kasi in-interview namin si Katrina for a previous issue [of YES!]. ‘Tapos, ah… hindi ako ang nag-interview, e, so hindi ko [alam] kung ano yung tono, et cetera. What was that? Ang nabalitaan kong sinabi mo, pinaglilihian lang siguro ikaw.

MARIAN: “Yes. Siguro ‘wag na lang nating ungkatin yung nangyari.

“Siguro ikuwento ko na lang nung last day namin [ng My Beloved] na na-appreciate ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya sa ‘kin… kumakatok siya dun sa tent ko, sabi niya, ‘Hi, Yan… I have something for you.’

“Binigyan niya ako ng cake.

“Sabi ko, ‘O, para saan?’ Wala lang, since last day namin. So, okay na.

“Hanggang sa natapos kami ng taping, naglapitan kaming dalawa, nag-hug.

“Alam mo sabi niya sa ‘kin at na-appreciate ko… naa-appreciate ko ang mga tao talagang nagso-sorry na alam nilang nakakasakit sila ng kapwa nila.

“Isa lang sinabi niya sa ‘kin, ‘Yan, sorry, ha. Sorry ulit.’

“Sabi ko, ‘Okay, kalimutan na natin ang mga nangyari.’

“’Tapos after pa nun, pumunta siya sa tent ko, kinuha niya yung number ko, nag-text siya sa akin.

“Again, sabi niya sa akin, ‘Yan, I’m sorry. Siguro nga sensitive ako, buntis ako.’

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Sabi ko na, pinaglilihian mo ako, e!’

“So, kumbaga, yun yung natutunan ko, e.

“Example, naging ganyan siya, may mga interview siya, ako hindi ako nagsalita, kasi alam ko na wala naman akong ginagawa.

“Siguro nga, mahirap magbuntis, which is hindi ko naman na-experience kung anong klaseng emotion ang meron ang mga buntis. So, pinagwalang-bahala ko na din.

“Kita mo naman yung balik sa akin, good karma."

JO-ANN: In fairness to her [Katrina], during the interview, kaya nga hindi ko magagap, kasi sabi niya, ‘Hindi, okay kami, okay kami.’ And she’s a really nice girl din naman.

Pero, medyo mahirap siguro rin sa ‘yo yung nagtitimpi. Hindi ka kasi yung type na blushing flower. So, ‘eto ba ay talagang pinag-aralan mo na?

MARIAN: “Hindi siguro pinag-aralan po, natutunan na lang din po siguro.

“Kasi katulad po niyan, yung may issue kami ni Katrina, which is okay naman kaming dalawa at na-appreciate ko talaga dahil mabait naman si Katrina, mabuting tao din naman, para magawa niya ‘yan sa akin na pumunta pa siya sa akin, magkaroon kami ng bonding na mag-text kaming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, naa-appreciate ko siya bilang siya.

“Sabi ko nga, kung pinalaki ko ‘yan, pinatulan ko yung mga issue na… siguro wala siya sa mood, e, di sana ang laki na namang gulo.

“Anong ginawa ko? Tumahimik na lang ako, sabi ko, ‘Okay lang, lilipas din.’

“So, anong nangyari sa ‘kin, good karma. Ngayon, okay kaming dalawa.”

JO-ANN: Pero previous to this, nung mga ilang taon na ang nakakaraan, nung Darna days, halimbawa, hindi ka pa ganyan? Hindi ka pa ganyang ka-patient and wise?

(Tumawa muna si Marian bago sumagot.)

MARIAN: “Hindi siguro kasi ‘pag nasasaktan ako nun, ‘Araaaay!’ Gumaganun na ‘ko.

“So ngayon, siguro ‘pag kinurot ako, okay. Natutunan ko na, ‘Sige, siguro natuwa lang sila, siguro naaliw lang sila.’

“Dati, parang ‘Ano ba, aray, nasasaktan ako.’

“Siguro pala, bilang artista, hindi dapat pala react nang react.”

JO-ANN: So, may mga panahon din na nag-react ka nang biglaan noon, yun ba pinagsisisihan mo din yung tono mo o wala kang pinagsisisihan?

MARIAN: “Sa totoo lang po, wala akong pinagsisihan sa lahat ng pinagdaanan ko.”

JO-ANN: Kasi ang personalidad mo, very powerful. ‘Tapos, ikaw, sasabihin mo yung gusto mo, you’re so alive. Kung minsan, mahirap yung girlfriend na ganyan. Kasi, masyadong dynamic, e. Masyadong may personalidad. Hindi ba nahihirapan si Dingdong [Dantes, Marian’s boyfriend] sa ‘yo?

MARIAN: “Well, marami ang hindi nakakaalam, iba ako makipagrelasyon sa totoong buhay.

“Kaya tanungin n’yo na lang si Dong kung bakit siya in love!

“Hindi, alam ko ‘yan, alam ko naman ang personalidad ng isang lalaki.

“Alam ko ‘pag masyadong strong ang personality ng babae ay hindi kakayanin ng isang lalaki.

“Kaya bilang isang bababe, alam mo dapat kung paano sumandal, maglambing, magsalita sa isang lalaki. Lalo na kung minamahal mo yung lalaki.

“At lahat naman napag-uusapan.”

JO-ANN: So, kunyari pa-helpless ka ‘pag nandiyan si Dingdong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARIAN: “’Araaay! Ang bigat. Daddy!’ Ganun.

“Alam naman ni Dong, at kahit kailan hindi ako naglihim kay Dong sa totoong pagkatao ko. Kung sino ako, ‘eto ako.

“Pero hindi ko sinasabing hindi ako nag-adjust. Nag-adjust din ako para sa kanya.

“Pero mas marami siyang in-adjust para sa akin.”

JO-ANN: Pero kasi, yung personalidad din ni Dingdong, yung pagka-Español niya, ano din ha… yung high blood din niyan, kung minsan. How do you handle that?

MARIAN: “Parehas kaming Leo, parehas kami ng personality talaga.

“So, sabi nga nila, kung hindi kami sobrang okay, sobrang hindi kami okay.

“So far naman, lahat ng weakness ko, e, strength niya. At lahat naman ng kahinaan niya, e, napupunan ko.

“So, ganun kaming dalawa, nagko-complement kami para sa isa’t isa na parang, ‘eto hindi ko kaya, pero kaya niya. Yung mga hindi niya kaya, kaya ko.

“So, may ganun kami.”

JO-ANN: So your entire future you really think it’s going to be him na?

MARIAN: “Siyempre naman. Sa bawat relasyon naman, sa bawat karelasyon naman ng bawat tao, kung sino yung partner n’yo, siyempre gusto n’yo, yun na talaga yun.

“Kasi ako, bilang babae at bilang ‘eto talaga ako, ayoko ng papalit-palit.

“Gusto ko ‘pag eto na, nakapag-invest na ‘ko ng emotion ko at ng buong pagkatao ko, gusto ko siyempre, yun na.

“Mahirap kasi na magsimula ulit sa umpisa.”

Pagkatapos nito ay muling nagtanong kay Marian ang iba pang editors ng PEP na sina Karen Pagsolingan, Erwin Santiago, Rommel Llanes, at Monching Jaramillo.

KAREN: Anong madalas pinag-aawayan n’yo, if I may ask?

MARIAN: “Wala, maarte lang ako. Yun po talaga yung totoo, medyo maarte-arte…

“Hindi ako yung tipo ng tao na pa-cute, pero medyo maarte-arte lang ako.

“Halimbawa… actually parehas kaming dalawa ng kaartehan.

“Example, magte-text siya sa ’kin, may ginagawa ako, hindi ako nakapag-reply, tatawag yun, ‘Baby, bakit hindi mo ‘ko nire-reply-an?’ ‘Ay, re-reply-an [na] kita, sorry. Re-reply-an kita.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pag siya naman… ‘Daddy, bakit di mo ko nire-reply-an?’ ‘Ay, re-reply ako.’

“Yung tipong arte-arte lang. Yung tipong ganun lang.

“Na-late lang ng konti, hindi lang nakapag-reply kaagad, may missed call, hindi lang nasagot yung tawag.

“Ganun kasisimple lang ang pinag-aawayan naming… actually, hindi away.”

Pagkatapos nito ay bigla na namang sumingit ng tanong si Ms. Jo-Ann at kunwari ay nag-panic si Marian at humihingi ng saklolo sa kanyang manager na si Popoy.

JO-ANN: Sabi niya [Marian] noon, hindi daw niya talaga kaya na si Dingdong ay, in effect, on the screen, maging lover ng iba. Parang hindi mo kakayanin. Paano yun?

MARIAN: “Ay, nagbago na po ‘yan ngayon…”

ROMMEL: Kinakaya mo na lang?

MARIAN: “Parang ang pangit naman nung term ‘pag ‘kinakaya.’ Parang nagpapanggap na kaplastikan. Hindi.

“Siguro natutunan ko din na, artista yung boyfriend, e; artista yung girlfriend, e.

“Hindi naman puwedeng hindi i-partner sa bawat artista. Katulad siya, may gagawin siya.

“Ang importante, kami ang nagkakaintindihan. Off-cam, alam niya kung sino’ng love niya. On-cam, ‘Care ko sa inyo!’

“Ako din kasi ganun, e. Parang ang unfair naman sa akin kung ako, puwede sa iba, ‘tapos siya hindi puwedeng makipag-partner sa iba.

“At ayokong maging selfish. Kumbaga, ginagawa mo, ginagawa ko, fair enough.”

KAREN: Marian, napapadalas yung pagkakaroon ng project ni Dingdong with ABS [-CBN]. Kung ikaw magkaroon din ng project with them, sino’ng gusto mong maging leading man?

MARIAN: “Si Coco Martin.

"Siguro tinatanong nila, bakit si Coco Martin? Sige, sagutin ko ‘yan.

“Uhm, ayoko na nung ‘itsura, e, given na, na guwapo si Coco, okay siya…

“Ang galing niyang umarte. Natsa-challenge ako sa kanya.

“Kasi… naku, ‘wag magalit ang Channel 7… wala lang, minsan nakikita ko.

“Siyempre, ang ano naman, taga-7 ako, tapos manonood ako [ng ABS-CBN]…

“Na-curious lang ako sa kanya nung sinabi sa akin na magpa-partner kaming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, okay. Tiningnan ko lang one time yung show niya.

“Sabi ko, ‘Wow, magaling nga talaga at may puso talaga siyang umarte.’

“’Tapos sabi ko sa sarili ko, yung movie, gusto ko heavy drama. Gusto ko mag-dramahan kaming dalawa.

“Kasi na-challenge ako na parang ang galing niya talagang umarte.”

ROMMEL: Nabanggit mo si Coco Martin na from ABS-CBN. Siyemper alam naman natin na, Marian, kasi parang Nora Aunor-Vilma Santos, laging… Sharon-Maricel… Ikaw, ang kinu-consider nilang rival mo, is Angel Locsin.

So nung 2009, after Ondoy, nagdiwang yung mga fans n’yo dahil nagsama kayo in a project, e. So yung project na yun, puwede bang masundan yun? Magkakaroon ba ng posibilidad na magkasama kayo ni Angel?

MARIAN: “Oo naman, oo naman. For sure, sana, looking forward din ako, di ba?

“’Tsaka walang problema naman, e, kahit sinong makasama mo.

“Yun nga yung maganda ngayon, e. Parang yung taga-Channel 2 puwedeng makasama ng taga-Channel 7.

“So, mas maganda. Mas okay para sa atin na nanonood na, puwede pala.

“Yung taga-kabila magsama sa kabila, na maganda yun para sa amin na mga artista.

“’Tsaka okay naman kami ni Angel, walang problema sa amin, sa totoo lang.”

MADAM: Pero sa mga artista nga, sinong close mo?

MARIAN: “Hay, ang dami! Ang dami. Sino ba? Sa Amaya, halos lahat po ng cast dun ay ka-close ko.

“Sa My Beloved, ang dami din… sina Tita Nova[Villa], ang dami e…sina Kuya Dick [Roderick Paulate].

“Ang maganda kasi sa bawat trabaho na ginagawa ko, halos lahat nagiging close ko.

“At parati ko ngang sinasabi, ‘Gusto n’yong makilala si Marian Rivera? Tanungin n’yo yung mga nakakatrabaho ko.’ Palaging ganun.

“Happy ako dahil sa bawat project na ginagawa ko, nakikilala nila kung sino talaga ako at nagkakaroon ako ng mga kaibigan— at yun ang mahalaga sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JO-ANN: Segue lang, meron ka bang mga kinaiinisan sa press?

MARIAN: "Walaaa! ‘Wag ganun. Ano ba ‘yan?! Sa press? Wala…

“Sasagutin ko, sasagutin ko… Wala.

“Kasi masasabi ko ngayon sa puntong ito, halos lahat ng press ay naging malapit sa puso ko at alam nilang lahat ‘yan.

“At hindi ko ini-expect na before, parang nahihiya akong makipag-usap sa press, nahihiya akong makipag-one-on-one… na parang, ‘Ah, ah… okay po, sige po, ba-bye po…’ Ganun lang ako.

“So, natutunan ko din na, ay, ‘eto ang press, utang na loob ko sa kanila kung ano’ng isinusulat nila sa aking magaganda, kung sino sila.

“At nang makilala nila ako, makilala ko sila. So, nabigyan ako ng chance, dahil kay Nanay Lolit [Solis], na makilala ko yung press.

“At natutuwa ako na halos lahat sila ay naging close ko.”

JO-ANN: Pero meron din bang… tingin ko kasi meron, meron din ba na parang tina-target ka, parang ang gaan-gaan sa kamay nila o sa bibig nila ang mag-create ng stories about you. Meron ding ganun?

MARIAN: “Meron bang ganun? Madami ba? Konti lang. Dalawa sila.

“Hi! Dalawa lang sila. Hello! Panoorin mo ‘to, ikaw yun! (sabay kaway at turo sa harap ng kamera)

“Sino yun? ’Wag na! Hindi… hayaan na natin sila. Siguro yun yung buhay nila.

“Hindi kasi nila ‘ko kilala. ‘Pssst, ‘lika, coffee tayo.’ Hindi… hindi nila ako kilala.

“Sabi nga ni Popoy, hindi kasi nila kilala kung sino ako at hindi kasi yata sila nai-invite kapag may mga launching ako ng soap o kaya meron akong pa-party o whatever.

“Hindi ko sila nakikilala pa.”

MONCHING: So, iimbitahan mo na sila ngayon?

Itinaas lang ni Marian ang kanyang dalawang balikat at ibinukas ang kanyang mga palad na tila nagsasabing “ewan natin.”

Sa huling bahagi ng programa ay isa pang sorpresang bisita ang tinawag ng PEP editors upang magbigay ng katanungan para kay Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay ang isa sa mga masugid na tagahanga ng aktres na si Odette Exiomo.

Bago ang kanyang katanungan ay inihayag ni Odette ang kanyang paghanga kay Marian at kung bakit niya ito nagustuhan.

Sa isang bahagi rin ng programa ay ipinakita ni Marian ang kakaibang talent niya—ang pagpikit ng kanyang mga mata nang walang kurap.

Nagulat lahat ng nasa loob ng studio nang magbigay ng “sampol” ang Primetime Queen ng GMA-7.

Biro ni Marian pagkatapos, “Abnormal po ako. Akala n’yo po babae ako, nagkakamali po kayo!”

To watch the whole episode, CLICK HERE.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN