Jessy Mendiola goes "more mature" in new series; okay to do love scenes again

Jessy Mendiola on tackling a mature role in next project: “I mean, kung magpapakita man ng skin, I think it’s for a valid reason naman. I mean, making love, di naman puwedeng nakadamit kayo. Pero nung sinabi naman sa akin ng management itong project, sinabi nila from the start na mayroong kissing scenes, love scenes... Nagawa ko na naman ito before, why not again? It’s a different project naman.”


Pagkatapos magbida sa seryeng Sabel at maging leading lady ni Gerald Anderson sa Budoy, mapapanood muli si Jessy Mendiola sa Precious Hearts Romances Presents Isla.

Makakapareha niya rito si Matteo Guidicelli.

Ayon sa young actress, kahit nagbida na siya sa ilang serye ng ABS-CBN ay hindi pa rin nawawala ang kaba at pressure sa kanya sa bagong proyektong ipinagkatiwala sa kanila ni Matteo.

“Palaging mayroon. Hindi yun nawawala.

"‘Pag nabibigyan ka ng isang project na alam mong ibinigay sa iyo nang buong tiwala, napaka-overwhelming ’tsaka nakakakaba [ng puso].

"At the same time kasi, hindi mo alam kung tatanggapin ng tao.

“Mamaya sabihin nila parang maling desisyon yung ginawa namin.

“The fact na ibinigay sa akin nang buong puso, nakaka-humbling lang. Ang saya lang na napu-push ako na galingan pa.

“Masaya kasi parang pinagkatiwalaan nila ako uli ng isang lead role, ‘tapos medyo matured pa yung tema.

“Kinakabahan din ako kasi sana matanggap nila yung kakaibang ako naman ngayon.

“Nagawa ko na yung Sabel before, pero ngayon mas matured talaga siya," pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

HER NEW CHARACTER. Sa Isla ay ginagampanan ni Jessy ang papel na Yanie.

“I play the role of Yanie. Madiskarte siyang babae, mapagmahal sa pamilya, sa kaibigan, raketista.

“Mahilig siyang tumanggap ng kahit na anong raket para sa tuition fee ng kapatid niya, panggamot sa nanay niya.

“’Tapos kung anu-anong mga trabaho na tinatangap niya para ma-juggle lahat para sa pamilya niya," paglalarawan ng young actress sa kanyang role.

Ano sa tingin niya ang pagkakapareho nila ng karakter niya?

“I can say na mapagmahal din ako. Siguro masasabi ko yun kasi gustung-gusto ko na natutulungan ko ang pamilya ko.

“’Tapos nakakapag-ipon ako para sa pamilya ko.

"I guess, kay Yanie, sa perspective niya in juggling, ito yung akin.

“Juggling my own savings and pagtulong ko sa pamilya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MATTEO GUIDICELLI. First time niya na makakatrabaho si Matteo.

Sabi ni Jessy, “Hindi ko pa siya nakakatrabaho dito, pero I mean magkakilala kami.

“Nagha-hi, hello kami sa ASAP. Nag-uusap kami, nag-aasaran, pero we didn’t get the chance to work together pa.

“Gusto ko yung professionalism niya saka yung pagiging patient niya sa trabaho namin.

“Sa workshop, sa photo shoot namin, nakakabilib.

"I mean, we all know that Matteo came from a nice family. He was well brought up, talagang mayaman sila, may kaya.

"But inspite of that, nakapaka-humble niya. Wala siyang mean bone.

"Sobrang mapa-smile lang siya sa lahat ng tao, positive lang siya.

“’Pag kasama mo siya, parang normal lang siyang tao. Hindi mo mararamdaman na may yabang.

“I’m very excited to work with him kasi mahilig siyang matuto. Open siya sa lahat ng suggestions ng lahat ng mga tao.

“Yung working habits ng iba ina-adapt niya rin. I guess, kaya niya yun.”

LOVE SCENES. Kilala ang Precious Hearts Romances sa mga istorya na sexy at mature ang team, kung saan tiyak na may mga love scenes and kissing scenes.

Ayon kay Jessy, sa simula pa lang ay ipinaliwanag na sa kanya na kailangan ang ganitong mga eksena sa istorya.

“Ang role ko kasi dito very young and innocent naman, carefree.

"Hindi naman siguro lahat ng characters dito kailangang magpakita ng skin nang sobra.

“I mean, kung magpapakita man ng skin, I think it’s for a valid reason naman.

“I mean, making love, hindi naman puwedeng nakadamit kayo.

"Pero nung sinabi naman sa akin ng management itong project, sinabi nila from the start na mayroong kissing scenes, love scenes.

“Nagawa ko na naman ito before, why not again? It’s a different project naman,” saad niya.

Ayon kay Matteo, sa mock taping nila ay kinabahan siya sa mga ginawang love scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganito rin ba ang naramdaman niya nung kinukunan ang nasabing eksena.

“Sila ni Jewel [Mische] mayroon. Kami yung mga scenes namin, more on spontaneous na batuhan kasi.

“Yung character namin, sobrang opposite sa isa’t isa.

"So ‘pag kami ang magkaeksena, palaging nagbabatuhan, nag-aasaran.”

MAJA SALVADOR. Hindi kaya magselos ang girlfriend ni Matteo na si Maja Salvador sa love scenes na gagawin nila?

Saad ni Jessy, “’Wag naman sana, pero alam naman ni Maja yun. Nakasama ko na siya sa out-of-town shows.

“Sabi niya sa akin, ‘Uy, good luck diyan sa show ninyo, napag-uusapan namin ni Matteo ‘yan, bagay na bagay sa iyo.’

“Very supportive siya kay Matteo and si Matteo sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN