Amalia Fuentes files libel complaint against Annabelle Rama and Bianca Gonzalez

Amalia Fuentes on filing 11 counts of libel complaint against Annabelle Rama: “I will not allow myself to be demeaned like this. And I wanted to stop it once and for all.”


Sinampahan ng 11 counts of libel complaint ni Amalia Fuentes si Annabelle Rama.

Isinumite ng dating movie queen ang naturang mga reklamo kahapon, Hunyo 13, sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ito ay kaugnay umano sa mga mapanirang tweets at pahayag ng talent manager laban sa kanya.

Una nang kinasuhan ng ‘50s actress ng libel ang panganay na anak ni Ananbelle na si Ruffa Gutierrez noong Mayo 7, dahil umano sa paninira nito sa kanya sa telebisyon at Twitter.

(CLICK HERE for related article.)

Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa segment na "Chika Minute" ng 24 Oras kagabi, Hunyo 13, kasamang kinasuhan ni Amalia ang TV host at columnist na si Bianca Gonzalez.

Ito dahil daw sa artikulo ni Bianca na “Love, Laughter & Intrigues with Eddie & Annabelle,” na lumabas sa kanyang column na 10 Things You Should Know About sa local daily broadsheet na The Philippine Star noong Pebrero 12, 2012.

Ayon kay Amalia, “I will not allow my self to be demeaned like this. And I wanted to stop it once and for all.

Ang tanging naiisip na paraan na lang daw niya para matapos ang paninira diumano ni Annabelle sa kanya ay ang dalhin ito sa korte.

Muli niya rin binanggit na sinubukan niyang ayusin ang gulo sa pagitan nila ng dating amiga, sa tulong ng asawa ni Annabelle na si Eddie Gutierrez.

Sabi ni Amalia, “Gusto ko lang makiusap kay Eddie, na kung puwede sana pagsabihan naman niya si Ananbelle na ‘wag nang magbibigay ng mga gano’ng interviews na so demeaning for people like us.”

Matatandaan na nabanggit ni Amalia ang bagay na ito sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kanyang ikunuwento na ilang beses na niyang sinubukang makausap si Annabelle. Halimbawa raw nito ay ang insidente na nangyari sa pagitan ni Gloria Diaz at sa mag-asawang Eddie at Annabelle sa isang restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya no’ng mapunta kay Gloria Diaz ang kausap ko, ‘Ay, nandiyan ba si Eddie? Sige, kausapin ko.’

“At that point, gusto kong makipag-areglo, gusto kong ayusin ito dahil alam kong maaayos naman.

“Ang issue ko naman is very mild compared kina Nadia [Montenegro].

“Kaya nga ako tumawag kay Eddie at nakikipag-usap kay Eddie, para sana once and for all, ayusin na natin ’yong gusot na ito between me and his wife.

“’Yon lang naman ang purpose ng pagtawag ko.

“Ang gusto ko nga ay matapos ang mga issues na ito nang hindi na maging public topic,” saad ng dating aktres.

(CLICK HERE for related article)

Ngunit ngayon, nang tanungin siya kung may posibilidad pa ba na magkaayos sila, ito ang maikling tugon ni Amalia:

“Ako, ewan ko. I leave it up to God, it’s hard to say.”

Bukas ang PEP sa paglalathala ng panig ng mga taong sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN