John Prats on breakup with Bianca Manalo: “Hindi naman umabot na kailangan kong mamili between her and my family."

“Yun ang bagay na you cannot compare. Kahit ako naman sa kanya, never ko siyang papipiliin na ako o ang pamilya niya. Because always, dapat piliin mo ang pamilya mo dahil for how many years sila ang nag-alaga sa iyo at hindi talaga dapat sila kinu-compare," says John Prats when asked if Bianca Manalo made him choose between her and his family.


Isa sa sinasabing dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang pitong buwang relasyon nina John Prats at Bianca Manalo ay dahil nakaaway raw ng beauty queen turned actress-TV host ang pamilya ng actor-dancer.

Ayon pa sa balita, ang nakababatang kapatid daw ni John na si Camille Prats ang talagang nakaalitan ni Bianca at lumala na raw hanggang nadamay na ang buong pamilya ng aktor.

Sa nakaraang pictorial ng afternoon soap ng ABS-CBN na Angelito Ang Bagong Yugto ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John, isa sa cast ng serye, para linawin ang balita.

Aniya, “Ang sa akin lang naman, kung anuman ang naging issues namin, amin na lang yun.

“Hayaan n’yo na lang na kami ang mag-ayos na dalawa.

“Hindi naman umabot na kailangan kong mamili between her and my family. Yun ang bagay na you cannot compare.

"Kahit ako naman sa kanya, never ko siyang papipiliin na ako o ang pamilya niya.

“Because always, dapat piliin mo ang pamilya mo dahil for how many years sila ang nag-alaga sa iyo at hindi talaga dapat sila kinu-compare.

“You cannot compare your family at sa taong dumating sa buhay mo.

“Kumbaga, kung sinuman ang dumating, addition sa buhay mo at hindi dapat maging hadlang kahit pa sa mga kaibigan mo.”

MOVING ON. Ayon kay John, nasaktan siya sa breakup nila ni Bianca.

Tinuruan na lang daw niya ang sarili na ihiwalay ang trabaho sa personal na buhay at mag-move on.

Sabi ng actor-dancer, “Nagiging emotional ako ‘pag nag-iisa ako sa kotse.

"May mga moments lang na minsan nagsi-sink in na lang sa iyo and that’s part of it, e. Part yun ng process and eventually magiging happy ka na.

“Mahirap talaga, pero ganun, e. Sometimes you have to separate your personal life.

“Lalo na sa trabaho ko, kasi hindi naman ako puwedeng maglungkut-lungkutan at mag-emote sa Banana Split, kasi mukha naman akong sira-ulo nun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Banana Split Extra Scoop ang gag show sa ABS-CBN na kinabibilangan ni John.

Pagpapatuloy niya, “But siguro, dahil na rin sa surroundings ko, sa mga staff na magagaang kasama, at siguro ganito lang talaga ako as a person, positive lang ako.

“Magiging maayos din ang lahat. Yun naman kasi ang dapat na mangyari kasi ’pag nalungkut-lungkutan ka—you invite negative stuff.

“And never naman akong naging ganun sa lahat naman ng pinagdaanan ko.

“I tend to forgive.

"And ang status ko ngayon, I’m moving forward and trying to enjoy my singlehood and my work."

FALLING IN LOVE AGAIN? Hindi pa raw handa si John para sa isang panibagong relasyon.

“Sobrang I don’t have plans talaga soon, hindi talaga.

"Sobrang okay ako ngayon na marami akong ginagawa.

“Kasi ang focus ko, ‘andito lang talaga.

"Siguro blessing na rin siguro na wala akong iisipin—as in ito lang talaga.

“I have Angelito, I Dare You, Banana Split, PBB Uber... siguro yun muna talaga ang dapat kong gawin—ang magpasaya ng maraming tao.

“Dumating talaga ako sa point na sobra akong na-sad, depressed, disappointed sa nangyayari.

“Na I even told my dad, na feeling ko, hindi ako mag-aasawa, na baka destined ako to be single forever.

“Na baka yun ang destiny ko—na maging single forever.

"Sabi nga ng dad ko, ‘wag naman daw.

“Ako rin naman, gusto ko ring magkapamilya. Pero ngayon, ang status ko talaga... I don’t know.”

REGRETS? Aminado si John na hindi pa sila nagkakausap ni Bianca pagkatapos nilang mag-break, pero bukas siya sa posibilidad na maging magkaibigan muli silang dalawa.

“Oo naman, willing ako na maging magkaibigan kami. Possible talaga yun.

“Ako naman kasi, never akong nag-close ng doors sa lahat.

"Alam ko na mahirap ang mag-ex na maging magkaibigan, pero sa mga nangyari sa amin, nakakatuwa na feeling ko, na darating ang time na magiging magkaibigan kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May binalikan na ba siyang ex-girlfriend niya?

“Bumalik na ba ako sa ex ko? Hindi ko pa na-try, pero hindi naman yun pinaplano o iniisip.”

May pinagsisihan ba siya sa nangyari?

“Wala. Kasi ako ang tao na binibigay ko ang lahat, so wala akong regrets,” sagot ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN