Kylie Padilla on posing sexy for men’s magazine: “Hindi po puwede talaga. Hindi papayag si Papa.”

“Kahit naman ako, I will not feel comfortable. Hindi pa ako confident sa mga ganyan. Plus the fact that Papa will never allow me. I can do pictorials in short dresses. Tama na yung legs lang ang makita nila. But the rest of my body, hindi po talaga puwede. Baka hindi na ako pag-artistahan pa ni Papa ulit!” says Kylie Padilla about a report that she is now ready to pose sexy in a men’s magazine.


Isa si Kylie Padilla sa special guests ni Derrick Monasterio sa fans day ng young actor sa Project 3, Quezon City last June 12.

Kung matatandaan, dating nanligaw si Derrick kay Kylie nang pagtambalin silang dalawa sa Reel Love Presents Tween Hearts at Dwarfina sa bakuran ng GMA-7.

Hindi nagdalawang-isip si Kylie na umoo sa imbitasyon ni Derrick dahil isa raw ang binata sa pinaka-close niyang kaibigan sa showbiz.

Kuwento ni Kylie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sinabihan lang po ako ng manager ni Derrick, kasi nawala nga raw ang cell phone niya, kung puwede raw ako na ang mag-invite sa ibang tweens to go to his fans day.

“Ang puwede lang kasi was Lexi [Fernandez]. Yung iba po kasi may taping that day at may ibang mga trabaho pa.

“I can’t say no to Derrick kasi he’s been such a good friend. He’s one of my closest friends in this business.

“I remember when I was just starting sa Tween Hearts, he was the first to make me feel comfortable sa taping set. It was my first day and he was making sure that I was okay.

“Yun pala, siya ang magiging partner ko sa show and then we did pa yung Dwarfina.

“So, mas naging close kaming dalawa.”

Hindi man daw sila nagkatuluyan ni Derrick noong manligaw ito sa kanya, pero naging mabuting magkaibigan naman daw sila.

“Matagal na siyang nanligaw sa akin but we ended up as good friends.

“Papa [Robin Padilla] likes him nga kasi napaka-gentleman daw ni Derrick and magalang sa mga nakakatanda sa kanya.

“Kaya kapag si Derrick ang nag-invite sa akin to support him, he can be assured na nandiyan ako.

“He’s been a very good friend to me kaya I will always support him sa kanyang mga ginagawang maganda for his fans.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READY TO GO SEXY? Tinanong ng PEP si Kylie kung totoo ba ang balitang handa na raw siyang mag-pose ng sexy sa isang men’s magazine.

Natawa si Kylie at mabilis niyang pinabulaanan ang balita.

Hindi raw siya papayagan ng kanyang amang si Robin Padilla na gawin iyon.

Ayon sa anak ni Binoe, may nagtanong lang daw through her manager kung papayag ang young actress na mag-pose nang sexy sa isang men’s magazine.

Agad nila itong tinanggihan.

“Hindi po puwede talaga. Hindi papayag si Papa,” diin ni Kylie.

“The thought lang na mag-pose ako nang sexy, magagalit talaga si Papa kaya it will never happen. Hinding-hindi siya papayag.”

Dagdag ni Kylie, may mga damit daw na okey para kay Binoe na isuot niya. Huwag lang daw yung alam niyang magiging object ng pagnanasa ng kalalakihan ang kanyang anak.

“Okey lang kay Papa that I wear short skirts or shorts. Damit pa rin daw kasi ‘yon.

“But to pose in a bathing suit, hindi talaga siya papayag. Kaya we turned down that offer kaagad.

“Kahit naman ako, I will not feel comfortable.

“Hindi pa ako confident sa mga ganyan. Plus the fact that Papa will never allow me.

“I can do pictorials in short dresses. Tama na yung legs lang ang makita nila.

“But the rest of my body, hindi po talaga puwede.

“Baka hindi na ako pag-artistahan pa ni Papa ulit!” tawa niya.

Kahit nakapasok si Kylie sa Top 100 ng FHM Sexiest Women ngayong 2012, wala raw sa plano niya ang mag-pose nang sexy dahil wholesome ang image na gusto niya at ng kanyang ama.

Sabi ni Kylie, “I can be sexy naman daw by just being myself. I don’t have to wear mga sexy clothes just to say that I am sexy.

“Tama na raw yung mukha ko. It’s sexy enough daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will not disobey Papa. I respect him too much para gawin ang hindi niya gusto.”

SIBLING RIVALRY. Tinanong din ng PEP si Kylie tungkol sa kanyang nakatatandang kapatid na si Queenie Padilla.

Balita kasing nag-quit sa showbiz si Queenie dahil masyado raw itong na-frustrate sa nangyari sa kanyang career.

May nagsasabi pa ngang naiinggit ito sa success ni Kylie sa GMA-7. Nakapagbida na kasi ito ng dalawang beses via Blusang Itim and The Good Daughter, na parehong naging toprating sa GMA Afternoon Prime.

Sabi ni Kylie, “Ate Queenie is back in Australia and she’s continuing her studies there.

“Before she left, nag-usap po kaming dalawa and I asked her if she really wants to do this. Sayang naman kasi ang mga nagawa na niya for her career.

“She said that she wants to finish school. Yun ang frustration niya because she’s been talking with her friends in Australia at matatapos na raw silang mag-aral, pero siya, hindi pa.

“So she decided to stop muna ang showbiz and continue her studies.

“I’m happy about her decision. At kahit sila Papa and Mama, natuwa sila sa gusto ni Ate Queenie.”

Hindi rin daw totoo na may sibling rivalry sila ni Queenie. Sobrang masaya nga raw si Queenie sa magandang takbo ng career ni Kylie.

“Kami po ni Ate Queenie, pinalaki kami nina Papa and Mama na dapat nagmamahalan kami at nagtutulungan.

“We weren’t bought up para mainggit sa isa’t isa.

“Ate Queenie is the first to congratulate me when she learns na may bago akong project. We would celebrate na kaming dalawa lang.

“’Tsaka si Ate Queenie, she’s not that kind of person na naiinggit. Hindi siya gano’n.

“All she wants now is to finish school. At nami-miss din niya si Mama at yung ibang mga kapatid ko sa Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maybe after she graduates, baka bumalik siya and continue her showbiz career. Depende ‘yon kay Ate Queenie.”

FATHER’S DAY. Samantala, sa darating na Father’s Day ay baka yayain na lang daw ni Kylie si Binoe na kumain sa labas kasama ang stepmother niyang si Mariel Rodriguez.

“Magkasama na kasi kami nina Papa and Tita Mariel sa iisang house in Fairview. But we don’t see each other a lot kasi we are all busy with our shows.

“Kaya on Father’s Day ako na po mag-treat sa kanila for dinner. Wala kasi akong maisip na puwedeng iregalo pa ay papa on Father’s Day.

“Lahat na kasi na kay Papa na, e, kaya ilibre ko na lang sila ni Tita Mariel.

“Magba-bonding na rin kami because we’ve been so busy kaya that’s the day na magkakasama kami at magkukuwentuhan,” saad ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN